Thursday, March 8, 2012

Atake ng 16th IB, binigo ng BHB-Rizal


From the Website of PRWC
links:  http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/03/atake-ng-16th-ib-binigo-ng-bhb-rizal.html




Atake ng 16th IB, binigo ng BHB-Rizal


Ang Bayan
Marso 7, 2012

Download PDF here

Binigo ng mga Pulang mandirigma ng Narciso Antazo Aramil Command (Bagong Hukbong Bayan-Rizal) ang pag-atake ng 16th IB noong Pebrero 9. Napatay sa labanan ang isang PFC Agcaoili habang walang kaswalti at ligtas na nakaatras ang yunit ng BHB.

Pansamantalang nakahimpil noon ang yunit ng BHB sa Sityo Kinabuan, Barangay Sta. Ines, Tanay, Rizal nang salakayin sila ng nasabing tropa pasado ala-una ng hapon. Subalit ang planong atake ng mga pasistang sundalo ay naging opensiba laban sa kanila nang labanan sila ng mga Pulang mandirigma. Matapos matamaan ng BHB ang isang sundalo ay mabilis na nagsitakbuhan ang yunit ng 16th IB. Tumagal lamang ng sampung minuto ang labanan subalit takot na takot ang mga sundalo at walang habas na nagpaputok hanggang alas-4 ng hapon.

Pinangunahan ni Lieutenant Bagbag ang nabigong yunit ng 16th IB. May 19 na myembro ang kanyang yunit samantalang nasa 12 lamang ang mga Pulang mandirigma. Bago pa man ang pangyayari ay namonitor sila ng BHB na nagsasagawa ng combat operations.














----------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------
--------------------------------