Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Thursday, March 22, 2012

Karahasang militar sa EV


From the Website of PRWC
links:  http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/03/karahasang-militar-sa-ev.html#more



Karahasang militar sa EV


Ang Bayan
March 21, 2012

Download PDF here

Matitinding paglabag sa karapatang-tao at dislokasyon sa kabuhayan ng mga mamamayan sa Eastern Visayas (EV) ang idinudulot ng malawakang militarisasyon sa tabing ng "peace and development" ng Oplan Bayanihan. Sinimulan ng 8th Infantry Division ng Philippine Army ang mga operasyong militar noong Pebrero 27.

Noong Marso 4, bandang hatinggabi, dinukot ng mga sundalo ng 87th IB sina Barangay Kagawad Artemio Labong at ang kanyang anak na si Ruel, 21 taong gulang, sa Barangay Pagsanjan, Paranas, Samar. Ininteroga at tinortyur muna sa kanilang bahay si Artemio sa harap ng kanyang 12 taong gulang na anak na babae. Sa kabila ng sinasabi ng 8th ID na ang mga sundalo ay naroon para sa "kapayapaan at kaunlaran," todo-todong armado ang mga ito.


Araw-araw umiikot-ikot ang mga helikopter sa mga baryo dahil may nasalakay umanong kampo ng BHB. Nagbunsod ito ng takot sa mga residente. Dagdag pa, natakot din sila na baka sila ang susunod na dudukutin ng mga sundalo.

Napilitan ang mga magsasaka na huwag pumunta sa kanilang sakahan dahil sa ganitong kalagayan. Dahil sa dislokasyon sa kanilang kabuhayan, natulak silang humingi sa lokal na gubyerno ng Paranas ng kanilang pang-araw-araw na pagkain.

Samantala, noong araw ding iyon, sa Barangay E. Duran, Bobon, Northern Samar, inaresto at ininteroga ng 20th IB ang isang residente bandang alas-8 ng gabi dahil pinagdudahan siyang tagasuporta ng BHB. Pero napilitan ang militar na pakawalan siya matapos sugurin ng kanyang mga kababaryo ang kampo ng militar kung saan siya ibinimbin.

Naghihimpil ang mga sundalo sa labas ng baryo. Gayunman, kanilang iniinteroga at tinatakot ang mga mamamayang lumalabas sa baryo at pinagbabawalan silang pumunta sa kanilang bukid.

Inokupa rin ng mga sundalo ng 19th IB na nakasakay sa limang trak ang barangay hall, kapilya at day care center ng Barangay Libertad, Ormoc City. Bunsod nito ay sinuspinde ang pasok ng mga bata sa day care center noong Marso 9-12. Nagbahay-bahay din ang mga sundalo para isailalim sa interogasyon ang mga residente, sa tabing ng sensus. Dahil sa takot ay natigil din sa pagsasaka ang mga tagabaryo.














---------------------------------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------
------------------------