Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, August 24, 2012

Pinakahuling Reportahe mula sa iba’t ibang panig ng Bikol


From the Website of the PRWC - CPP/NPA/NDF
links:  http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/08/pinakahuling-reportahe-mula-sa-ibat.html#more



Pinakahuling Reportahe mula sa iba’t ibang panig ng Bikol


Greg Bañares
NDFP - Bicol
August 21, 2012


Agosto 18, 2012. Depensibang labanan sa Bgy. Caguiba, Camalig, Albay

Nagbuwis ng kanilang buhay ang dalawang pulang mandirigma ng Santos Binamera Command ng BHB-Albay nang patraydor na atakehin ng mga sundalo ng 2nd IBPA bandang alas-5 ng umaga. Magiting na lumaban ang ibang pulang mandirigma hanggang ligtas na makamaniobra ang kanilang mga kasamahan.

Namartir sa naturang labanan sina Fernando "Ka Randy" Mostoles Jr. ng Bgy. Caguiba, Camalig at si Arboy "Ka Marco" Muena ng Bgy. Del Rosario, Jovellar, Albay. Maliban sa kanilang mga bag at ilang personal na gamit, walang naiwang armas ang mga pulang mandirigma.

Agosto 17, 2012. Ambus ng BHB sa Dimasalang, Masbate

Inambus ng mga pulang mandirigma ng Jose Rapsing Command ng BHB-Masbate ang tropa ng Charlie Company ng 9th IBPA sa hangganan ng Bgy. Balantay at San Vicente sa bayan ng Dimasalang bandang alas-10:30 ng umaga. Dalawang sundalo ang namatay at isa ang sugatan na tinamaan ng bala sa balikat habang tatlo pang sundalo ang napilayan nang tumalon ito sa bangin at mabatong lugar. Nakumpirma ito ng mga taumbaryo na mismong nagbuhat ng mga bangkay at sugatang mga sundalo. Walang pinsala sa panig ng mga pulang mandirigma.

Kinagabihan bandang alas-11 ng hatinggabi pinasabugan ng command detonated explosive ng isa pang tim ng mga pulang mandirigma ang baraks na itinayo ng mga sundalo sa Bgy. Ban-ao, Placer, Masbate. Ang nasabing tropa ng 9th IBPA ang nagsisilbing gwardya ng mga tropang nagsasagawa ng civil-military operations sa lugar na bahagi ng kontra-insurhensyang programa ng Oplan Bayanihan. Gumanti ng putok ang mga sundalo na natutulog sa katabing paaralan ngunit ligtas na nakamaniobra ang mga pulang mandirigma.

--------------------------------------------------------------------
Agosto 15, 2012. Atake ng BHB sa bagong kampo ng 9th IBPA sa Masbate City

Maingat na ginapang ng sapper tim ng Jose Rapsing Command ang bagong kampo ng Alpha Company ng 9th IBPA at pinasabugan ito ng command detonated explosive bandang ala-una ng madaling araw. Ang naturang kampo sa Bgy. Mayngaran, Masbate City ay planong gawing hedkwarter ng 9th IBPA at kasalukuyang pinagamit muna sa Alpha Company. Sa lakas ng pagsabog ay nawasak ang pinakamalaking kubo at isa pang maliit na kubo na ginagamit ng mga sundalo. Pinaniniwalaang maraming kaswalti sa mga sundalo na dinala sa Masbate City Hospital at nakitang binabantayan ng mga sundalo.

---------------------------------------------------------------------
Agosto 8, 2012. Gawa-gawang engkwentro ng 9th IBPA sa Palanas, Masbate.

Walang habas na nagpaputok ng mga baril ang mga tropa ng 9th IBPA kahit walang kalaban bandang alas-4:30 ng umaga sa loob ng rantso ni Mayor Alvarez sa Bgy. Mabini, bayan ng Palanas, Masbate. Kinaumagahan ay tinakot at pinilit ng mga sundalo ang Kapitan ng Bgy. Mabini na si Kapitan Romo na pumirma sa isang sertipikasyon na nagkaroon umano ng engkwentro sa naturang lugar.

Sa kanyang pahayag noong umagang iyon, naglubid ng kasinungalingan si Maj. Angelo Guzman ng 9th Infantry Division upang pagtakpan ang ginawa ng militar. Pinalitaw nito na nakaengkwentro ng militar ang BHB at napatay umano ang isang pulang mandirigma at nakumpiska ng militar ang ilang matataas na kalibreng armas.

Agosto 8, 2012. Mga aksyon ng BHB sa Palanas at Aroroy, Masbate.

Inisnayp ng mga pulang mandirigma ang tropa ng 9th IBPA bandang alas-11:45 ng umaga sa hangganan ng Bgy. Maanahaw at Mabini sa bayan ng Palanas. Sugatan at tinamaan sa hita si Sgt. Manalo Baldesco. Kinuha ito ng isang trak at isang Armored Personnel Carrier (APC).

Kinagabihan bandang alas-onse ay sinunog ng mga pulang mandirigma ang mga kubong itinayo ng Barangay Defense System na inorganisa ng militar sa mga barangay ng Macabug, Amutag at Kabasan sa bayan ng Aroroy, Masbate.

-------------------------------------------------------------------
Agosto 7, 2012. Pamamaslang ng militar kay Kapitana Bermas ng Labo, Camarines Norte.

Walang awang pinaslang ng pinaniniwalaang death squad ng 49th IBPA at 9th Infantry Division ang kapitan ng Bgy. Malaya, Labo, Camarines Norte bandang alas-tres ng hapon.

Pauwi na si Kapitana Merlyn Jones Bermas mula sa bayan ng Labo nang harangin at paputukan ng mga salaring nakabonnet at sakay ng dalawang motorsiklong walang plaka pagdating sa Sityo Cabanbanan, Bgy. Anameam, Labo. Namatay din ang apat na taong gulang na apo ni Kapitan Bermas na kinilalang si Gerald Oreza.

Si Kapitan Bermas ang testigo sa kaso ng pagmasaker ng 49th IBPA sa pamilyang Mancera noong Pebrero 25, 2012 sa kanyang barangay kung saan namatay si Benjamin Mancera at ang dalawang anak nito na pawang mga bata pa. Pinatunayan ni Kapt. Bermas na walang nangyaring engkwentro at talagang masaker ang ginawa ng mga sundalo sa pamilyang Bermas taliwas sa pinalilitaw ng pamunuan ng 49th IBPA at 9th IDPA.

-------------------------------------------------------------------
Agosto 5, 2012. Haras ng BHB sa detatsment ng CAFGU sa Matnog, Sorsogon

Pinaputukan ng mga pulang mandirigma ng Celso Minguez Command ng BHB-Sorsogon ang detatsment ng army at CAFGU sa Bgy. Banwang Daan, Matnog, Sorsogon bandang alas-5:30 ng umaga. Nagbabantay ito sa cellsite ng Globe Telecommunications sa lugar.

-------------------------------------------------------------------
Agosto 3, 2012. Haras ng BHB sa detatsment ng PNP-PMG sa Masbate City

Hinagisan ng mga pulang mandirigma ng mga granadang-kamay na gawa sa lokal na materyales ang detatsment ng PNP-PMG sa Bgy. Bayombon, Masbate City bandang ala-una ng madaling araw. Walang naiulat na pinsala sa kaaway.

-------------------------------------------------------------------
Agosot 3, 2012. Haras ng BHB-Albay sa Ligao City

Pinaputukan ng mga pulang mandirigma ng Santos Binamera Command ng BHB-Albay ang komboy ng mga pulis at sundalo ng 2nd IBPA habang dumadaan ito sa Bgy. Palapas, Ligao City bandang ala-una ng hapon. Pauwi na ang nasabing tropa mula sa operasyong militar na bahagi ng seguridad ng pagbisita ng papet na si Benigno Aquino III sa bayan ng Pio Duran, Albay nang paputukan ng BHB ang kanilang sinasakyang trak.

--------------------------------------------------------------------
Agosto 2, 2012. Engkwentro ng BHB at 31st IBPA sa Irosin, Sorsogon

Naengkwentro ng isang platun ng BHB ang isang yunit ng 31st IBPA na nagsasagawa ng operasyong kombat sa Bgy. Bulawan, Irosin, Sorsogon bandang alas-singko ng umaga. Nakapusisyon sa isang mataas na burol ang mga pulang mandirigma nang makalapit sa kanila ang mga sundalo. Nakita ng mga taumbaryo na isinakay sa isang trak ang apat na kaswalti ng militar na di matiyak kung sugatan o namatay. Itinago sa publiko ng matataas na upisyal ng militar ang kanilang mga kaswalti. Ligtas at walang pinsala na nakalayo sa lugar ang mga pulang mandirigma.

-------------------------------------------------------------------
Agosto 1, 2012. Haras ng BHB sa detatstment ng 9th IBPA sa Milagros. Masbate

Hinagisan ng mga pulang mandirigma ng mga granadang-kamay na gawa sa lokal na materyales ang detatsment ng Charlie Company ng 9th IBPA sa Bgy. Stockfarm, Milagros, Masbate.

-------------------------------------------------------------------
Hulyo 31, 2012. Haras ng BHB laban sa PNP-SAF ng Mobo, Masbate.

Nilapitan at pinaputukan ng mga pulang mandirigma ng Jose Rapsing Command ng BHB-Masbate bandang alas-singko ng umaga ang mga tropa ng Special Action Force ng PNP sa kanilang hedkwarter sa Bgy. Lalaguna. Mobo. Pinaputukan ito ng mga M203 grenade launcher at rifle-propelled grenade o RPG. Isa ang patay at dalawa ang sugatan sa panig ng SAF-PNP. Walang kaswalti sa panig ng BHB.

--------------------------------------------------------------------
Hulyo 3, 2012. Parusa sa Filminera Mining Corporation, Masbate

Pinasabugan ng isang command-detonated explosive ng mga pulang mandirigma ang compound ng Filminera Mining Corporation sa Aroroy, Masbate bandang alas-dos ng madaling araw. Nasira at nabasag ang salamin ng mga gusaling nagsisilbing depensa ng minahan, ang imbakan ng ginto at ang iba pang mga gusali sa loob.

Hunyo 21, 2012. Haras ng BHB laban sa 2nd IBPA sa Guinobatan, Albay

Pinaputukan ng mga pulang mandirigma ang detatsment ng 2nd IBPA sa Bgy. Donya Mercedez, Guinobatan, Albay bandang alas-otso ng gabi. Kabilang ang Donya Mercedez sa labing-isang barangay ng Guinobatan na patuloy na naghahasik ng takot at panggugulo ang mga tropa ng 2nd IBPA sa inilulunsad nitong operasyong "peace and development". Matagal nang inirireklamo ng mamamayan ang pananatili ng detatsment sa lugar na itinayo pa noong Hulyo 2011.

--------------------------------------------------------------------
Hunyo 21, 2012. Aksyong pamarusa sa isang impormer sa Masbate

Namatay ang isang masugid na impormer ng 9th IBPA sa isang operasyong partisano ng BHB sa Bgy. Manamoc, Aroroy, Masbate. Bandang alas-siyete ng gabi nang puntahan ng mga pulang mandirigma ang Bgy. Manamoc kung saan may aktibong barangay defense system (BDS) na binuo ang militar at tinarget si Jesus Pino, isang kagawad ng barangay.

Ang pangunahing krimen nitong si Jesus Pino ay ang pagkakanulo sa yunit ng BHB noong Mayo 2011 na nagresulta sa pagkamatay ng isang pulang mandirigma na kinilalang si Ka Boboy at pagkawala ng tatlong matataas na kalibreng baril at iba pang kagamitan ng BHB.

--------------------------------------------------------------------
Hunyo 20, 2012. Ambus ng BHB sa Mandaon, Masbate

Inambus ng mga pulang mandirigma ang isang sundalo ng 9th IBPA na kinilalang si Pfc. Jerson Lagdaan sa Bgy. Bugtong, Mandaon, Masbate. Sugatan itong si Pfc. Lagdaan at dinala sa isang ospital sa Masbate City.

--------------------------------------------------------------------
Hunyo 19, 2012. Pagpapasabog sa detatsment ng 9th IBPA sa Masbate

Pinasabugan ng mga pulang mandirigma ang detatsment ng Charlie Company ng 9th IBPA sa Bgy. Stockfarm, Milagros, Masbate bandang alas-2:30 ng madaling araw. Isang sundalo ang namatay.

--------------------------------------------------------------------
Hunyo 18, 2012. Engkwentro ng BHB at 8th SRC sa Bulan, Sorsogon

Naengkwentro ng isang platun ng BHB ang tropa ng 8th Scout Ranger Company sa Bgy. Palale, Bulan, Sorsogon bandang alas-5:30 ng umaga. Madaling araw pa lang ay kinubkob at pinalibutan ng mga sundalo ang bahay ng mga sibilyan sa lugar sa pag-aakalang dito nagpapahinga ang mga pulang mandirigma.

Nang walang makitang mga pulang mandirigma sa mga kabahayan ay naglakad ang mga sundalo hanggang masumpungan nito ang mga pulang mandirigma na noon ay nakahanda at nakapusisyon sa itaas ng isang burol. Naunahan ng putok ng mga pulang mandirigma ang nabiglang mga sundalo na nagresulta sa apat na patay at isang sugatan sa militar.

Sa sobrang galit ng mga sundalo, pinagbalingan nito ang mga sibilyan sa lugar at walang habas na pinagbabaril hanggang sa mamamatay ang sibilyang si Cezar Habla.

Itinanggi ng militar ang kanilang krimen at pinaratangang kasapi ng BHB si Cezar Habla. Itinago rin sa publiko ang apat na patay na sundalo habang inamin sa media ang isang sugatan na kinilalang si Pfc. Gilbert Gayo.

--------------------------------------------------------------------
Hunyo 13, 2012. Operasyong Partisano sa Guinobatan, Albay

Namatay ang dalawang sundalo ng 2nd IBPA sa operasyong partisano na isinagawa ng mga pulang mandirigma ng Santos Binamera Command ng BHB-Albay sa Bgy. Sinungtan, Guinobatan, Albay bandang ala-una ng madaling araw.

Ito ang tugon ng BHB sa kahilingan ng mamamayan na parusahan ang mga tropa ng 2nd IBPA. Matagal nang kinasusuklaman ng mamamayan ng Guinobatan, Albay ang mga tropa ng 2nd IBPA dahil sa napakalalang rekord ng pag-abuso nito sa karapatang pantao ng mga residente ng lugar.















PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

---------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------