Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, November 7, 2014

Video_Trailer-Yolanda: Rebolusyonaryong pagdaig sa kalamidad


From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links:
  http://theprwcblogs.blogspot.com/2014/10/babaeng-magsasaka-sa-legazpi-city.html



Video_Trailer-Yolanda: Rebolusyonaryong pagdaig sa kalamidad

Sine Proletaryo
November 5, 2014

"Yolanda: Overcoming calamity through revolution" is Sine Proletaryo's offering in commemoration of the November 8 tragedy which killed thousands and ravaged entire cities and communities. Featuring interviews with Red fighters, Party members and leaders of revolutionary mass organizations, as well as footages NPA teams took during and after the storm, it explores how revolution is waged amid the calamity in guerilla fronts in Eastern Visayas and Panay.

----------------------------------

Kinokondena NG NDF-Masbate ang mga paglabag sa karapatang pantao na kinasasangkotan ng 93rd DRC, Philippine Army

Val Silang PIO, NDF-Masbate   Nobyembre 5, 2014 Nagmistulang mga nauulol na aso ang mga kagawad ng 93rd DRC, PA 9th ID AFP sa mahigit isang linggo nitong pag-ooperasyon at pag-ookupa sa So. Guinawanon, Brgy. Danao, San Jacinto, Masbate at iba pang sityo’t barangay sa isla ng Ticao, na nagresulta sa pagkatakot ng mga residente lalo na sa mga matatanda, bata at kababaihan, at pagkaantala sa kanilanag normal na pamumuhay at hanapbuhay (pagsasaka, pangingisda at pagkokopra). Narito ang mga sumusunod na pangyayari: 1. Octubre 29, 2014, alas 5:00 ng hapon. Pinaligiran ang bahay ng isang Meo Alipin at pilit na kinuha ang mga alaga nitong manok; maging ang mga itlog ng manok ay di pinaligtas. 2. Octubre 30, 2014. Binugbog at ginawang giya si Bryan Espenilla na may kundisyon sa pag-iisip. 3. Nobyembre 2, 2014.     Si Romeo Espenida na isang matanda at may sakit nakaranas ng pambubogbog at tortyur gamit ang balang armalite na isiningit sa pagitan ng kanyang mga daliri. Pilit na pinaaaminang maysakit na matanda na sa kanila tumutuloy at nagkukuta ang mga NPA.      Pinagdiskitahan ang mangingisdang si Dampy Codillo na kagagaling pa lang sa pangingisda. Inimbistagahan ito at ng walang maisagot ay binugbog at sinampal ni Maj. Armando Benito na siyang tumatayong deputy commander ng Task Force Masbate at deputy battalion commander ng 9th IBPA.      Iligal na hinalughog ang bahay ni Comil at Mio Pujol. Ikinalat ang mga damit at bigas nila.      Kinulata ng armalayt na M-16 si Roldan Banoy na nagresulta sa pagsuka nito ng dugo. Ikinulong si Banoy sa bahay ni Baby Lim, isang mang-aagaw ng lupa at kabuhayan ng mga magsasaka ng So. Guiwanon, Brgy. Danao, San Jacinto, Masbate. Ginagamit ni Lim ang 93rd DRC PA na escort at security niya tuwing nagpapakopra sa inagaw nitong mga lupang sakahan.      Pilit na pinaamin si Nono Portal na kasapi ng NPA. Nang itanggi ito ni Portal ay kinulong din siya sa bahay ni Baby Lim.      Pinilit na kinatulong si Sisoy Espinio sa pangongopra sa mga inagaw na lupa at niyugan ni Baby Lim. Nang tumanggi, ikinulong si Espinio sa bahay ni Baby Lim. Dahil sa walang makuhang magkokopra ay kinatulong ni Baby Lim sa pangongopra niya ang mga kasapi ng CAFGU. 4. Nobyembre 4, 2014, ala-5 ng hapon. Pinasok ang bahay ni Albert Bartolay. Kinuha ang isang generator at iba pang mga mahahalagang gamit kabilan ang sasakyan nito. 5. Nobyembre 4, 2014, ala-6 ng hapon. Binugbog si RJ Labustro ng So. Busdak, Brgy. Bartolabac, SanJacinto, Masbate. Pinipilit itong pinaaamin na kasapi ng NPA. Ang ganitong mgapang-aabuso ay malinaw na paglabag sa Protocol 1 and 2 na nakasaad sa Geneva Convention at maging sa CARHIHL na pinagkasunduan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDF) at ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP). Nananawagan ang NDF-Masbate sa mga Masbatenyo na tutulan at labanan ang militarisasyon sa kanayunan at palayasin sa probinsya ng Masbate ang 9th IB, 93rd DRC, 22nd IB at PublicSafety Battalion ng PNP. Sa mga kasapi namanng hunta probinsyal, lalong-lalo na sa komite sa karapatang pantao, na magpasa ng isang ordinansa o resolusyon upang maprotektahan ang karapatang pantao ng mga Masbatenyo at matulungan din ang mga biktima ng abusong militar sa pagkamit ng hustisya at pagtiyak sa pagpaparusa sa mga kagawad ng militar at pulis na lumalabag. VAL SILANG PIO, NDF-MASBATE   Nobyembre 5, 2014



OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES http://www.philippineinsurgency.co.nr/







PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS



----------------------------------------------------------------------------------------------- ------------------------------------------------------------ -----------------------------