Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, December 5, 2014

Revolutionary forces prepare for typhoon Ruby--CPP


Revolutionary forces prepare for typhoon Ruby--CPP

Information Bureau
Communist Party of the Philippines
December 05, 2014

The Communist Party of the Philippines (CPP) today said all revolutionary forces will be mobilizing all possible resources to secure the people and carry out all necessary operations in the face of the upcoming supertyphoon Ruby (international name Hagupit).

"All units of the New People's Army (NPA) operating in areas in the path of typhoon Ruby, specifically those in Eastern Visayas, Panay, Central Visayas, Negros, Bicol and Southern Tagalog regions, are on alert to immediately respond to possible emergencies that may arise as a result of the typhoon," said the CPP.


"In geologically hazardous areas where there is danger of floods, mudflows, sea surges and other natural disasters, barrio revolutionary committees and standing organs of political power acting as agencies of the people's government are in the process of mobilizing the people to carry out preventive evacuation to ensure their safety," said the CPP.

"Special attention should be given to the elderly, children, pregnant women, single parents and others requiring special assistance in times of emergencies," added the CPP. "The barrio revolutionary authorities must be able to account for the village population before and after the storm and carry out rescue operations when necessary."

"Units of the people's militias serving as civil defense units have been tasked to assist the people in preparing evacuation areas, securing their homes, properties, work animals, fields and sources of livelihood," added the CPP.

"Planning and quick action by local Party branches, mass organizations, people's militias and units of the NPA are critical in ensuring the safety of the people and enabling the people to confront and overcome the impact of the storm."


-------------------------

Ka Maui at Ka Santos

Sine Proletaryo
Disyembre 05, 2014



Download Yolanda: Mga Kwento ng rebolusyonaryong pagdaig sa kalamidad

Kabilang sina Ka Maui at Ka Santos sa mga Pulang mandirigma na nasa unahan ng pagtulong sa mamamayang sinalanta ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013. Nakapaloob sila sa platun ng BHB sa Eastern Panay, isa sa mga lugar na hinambalos ng superbagyo.

Nakapanayam ng Sine Proletaryo ang dalawang Pulang mandirigma nitong Oktubre. Ikinuwento ng dalawa na nakisilong noon ang yunit nila sa bahay ng isang magsasaka nang humagupit ang bagyong Yolanda. Isinalaysay nila kung papaano sila nagtulung-tulong na hawakan ang bubong ng kubo na malao'y nabitawan din sa lakas ng hangin.


Matapos ang bagyo, maagap na tinasa ng Hukbo ang pinsala idinulot nito. Kaagad nilang binuo ang plano sa pagtulong sa mga baryo, laluna na sa pagpapasikad ng produksyon.

“Nag-usap kaagad ang mga kaupod (kasama) para pagplanuhan ang pagtulong (gaya ng) pagkumpuni sa mga nasirang bahay, paghawan ng mga nasirang daanan dahil sa kapal ng putik. Nagpatawag ng masmiting ang mga tagabaryo para pag-usapan ang mga nawalang yero, nawasak na mga tubigan at mga haligi ng bahay. Ni isang katiting o piso na tulong ay wala kaming hiningi sa masa.”

Hindi matatawaran ang laki ng ginampanang papel ng mga Pulang mandirigma sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda noong nakaraang taon. Sa humigit-kumulang isang buwan mula nang humambalos ang bagyo, araw-araw silang nasa baryo para tumulong sa mga nasalanta. Ipinamalas nila ang diwa ng paglilingkod sa masa.

Hindi lingid kina Maui at Santos na nasalanta rin ang kanilang mga kaanak na malapit lang sa lugar nila. Nabahala sila hinggil sa nangyari sa kanilang mga pamilya dahil nasaksihan nila ang pinsaalng idinulot ng bagyo sa mga baryong kanilang tinutulungan.

Gusto sana noon ni Ka Santos na umuwi muna para tumulong dahil nabalitaan niya na natumba ang kanilang bahay. “Sumandig ako sa tiwala ng Partido at rebolusyon dahil mayroong organisasyon sa aming baryo at hindi naman pababayaan ang aking pamilya,” wika pa ni Santos. Sa panig naman si Maui, tiwala siya dahil ang kanyang pamilya ay aktibo ring kumikilos at tiyak nakagawa na sila ng mga paraan kung paano makakaagapay.

Naging inspirasyon ng dalawa ang malugod na pagtanggap sa kanila ng masa habang tumutulong. “Itinuon namin ang pagtulong sa pagkukumpuni ng mga bahay at pagsasalba sa mga naaning produkto.”

Nakita nila na wala nang ibang sasandigan ang masa kundi ang kanilang sarili at ang hukbong bayan. Malayung-malayo ito sa ibinigay na tulong ng reaksyunaryong gubyerno (na namigay ng mga si-rang pagkain at mabahong bigas) na labis-labis ang pagkaantala (halos tatlong buwan na matapos ang bagyo). Malala pa, tuluy-tuloy ang mga operasyong militar sa erya na naging abala sa pagsisikap ng mga tao na makabangon.

Ang mahigpit na pagkakaisa ng hukbong bayan at ng mamamayan ang dahilan kung bakit patuloy na sumusulong at lumalakas ang Bagong Hukbong Bayan. SP









OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES


http://www.philippineinsurgency.co.nr/


PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------