From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links: https://ndfbicol.wordpress.com/2015/11/23/sumukong-9-na-npa-desperadong-kampanyang-saywar-ng-9th-id-philippine-army/
Sumukong 9 na NPA, Desperadong Kampanyang Saywar ng 9th ID Philippine Army
Sa nakaraang linggo namayagpag sa pagtatambol ang 9th Infantry Division Philippine Army na nakapagpasuko daw sila ng siyam (9) diumano mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Albay. Magarbo at iskriptado ang inilunsad na Press Conference at mga Interbyu para ipintura sa isip ng mamamayan na nalansag na nila ang Rebolusyonaryong Kilusan, Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan sa probinsya at rehiyon.
Opensibang saywar ito upang bigyang kaseguruhan ang mga dayuhang mamumuhunan na dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Manila na malayang-malaya na nilang dambungin ang likas yaman ng rehiyon, wala nang banta ng pagtutol at armadong paglaban mula sa mamamayan. Kaalinsabay, mabigyan kaagad ng mataas na grado si BenGen Ferdinand F Quidilla na papantay sa sinasabing “malaking tagumpay” ng lumisan na dating Division Commander. Gumawa ng gimik ng pagpapasuko para makuha ang malaking pondo sa ilalim ng programa ng Comprehensive Local Integration Program (CLIP) ng kanilang dibisyon.
Iskriptado at likha moro-moro lamang ng mga palpak na ahente sa saywar ng dibisyon ang nangyaring pagpapasuko. Malaking panloloko sa mga taga-media at mamamayan ang siyam (9) na ipineresentang sinasabing “rebel surrenderee” na isa lamang sa kanila ang inihayag sa pakunwaring rasong panseguridad. Ang sinasabing Ka Rolex ay dating kasapi ng NPA na umalis sa hukbo dahil sa kawalan ng matibay na kahandaan, pananaw at paninindigan sa sakripisyo, kahirapan at lubusang paglilingkod sa rebolusyon. Nagpakita ng kagaspangan ng ugali at pabalik-balik sa hukbo dahil sa mga disiplinang hindi nito matanggap. Ilang taon na itong nagbalik sa buhay sibilyan at naging ordinaryong masang matyagang nag-uuling sa Manito, Albay at Bacon, Sorsogon. Ipinahamak at pinahuli ito ng patrydor ng isang nakilalang CAFGU sa Sto. Nino, Bacon, Sorsogon noong 2013. Ginipit at binantaan ng mga humuli ng opisyal na sundalo na makipagtulungan sa kanila at pinagawa ang iskriptadong mga salaysay upang siraan ang target na kadreng militar ng bagong hukbong bayan sa probinsya.
Wala itong ipinagkaiba sa mga nauna nang mga maingay na pagtatambol ng mga diumanong pagpapasuko sa Catanduanes noong 2010 at Sorsogon noong 2014 na napatunayang mga dating NPA na ginipit kung hindi man pinaboran at binulok ng mga opisyal ng 83rd infantry Batallion at 31st Infantry Batallion Philippine Army.
Pinasubalian na ng Bagong Hukbong Bayan sa pamamagitan ng matutunog na taktikal na opensiba ng mga kumand ng probinsya sa ikatlo at ikaapat na kwarto ng taon, matabunan ang pagkatalo sa labanan mula sa mga bigwas ng mga yunit ng BHB pagpasok ng ikalawa at ikatlong kwarto ng taong 2015. Sa pagpasok ng buwan ng Setyembre at Oktubre 2015 tinugunan ng BHB ang pagmamalabis ng Project Development Team Operation (PDTO) at paglaban sa imperyalistang patakaran ng US-Aquino sa Neo-Liberal sa isinagawang pulong ng APEC Manila nitong Nobyembre 18, 2015.
Nais muling ilinaw ng Bagong Hukbong Bayan na nanatiling matapat ito sa makauring tungkuling maghubog ng sarili bilang tunay na hukbo ng sambayan. Gamitin ang puna at pagpuna sa sarili bilang mabisang sandata sa paghuhubog. Bigyan ng mataas na pagtupad sa alituntunin at disiplinang bakal ayon sa sinasaad ng 3-8 ng bagong hukbong bayan.
Ipagtagumpay ang digmang bayan!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Maria “Ka Roja” Banua
Tagapagsalita
NDF-Bicol
WordPress: http://www.ndfbicol.wordpress.com
Blogger: http://www.ndfpbicol.blogspot.com
Facebook: http://www.facebook.com/.mariarojabanua
Email: mariarojabanua@gmx.com
ndfpbicol@gmail.com
Article links:
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
http://www.philippineinsurgency.co.nr/
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------ ----------------------------- |
Friday, November 27, 2015
Sumukong 9 na NPA, Desperadong Kampanyang Saywar ng 9th ID Philippine Army
Labels:
Human Rights Updates,
Insurgency,
Internal Conflicts,
MILF