From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://www.ndfp.org/sa-kainutilang-sugpuin-ang-droga-sa-bansa-mgc-npa-st-nanawagang-magresign-si-duterte/
Tropang 31st IB Phil. Army, Gumagamit Ng Iligal Na Droga Habang Nasa Operasyong Militar
---------------------------------------
Sa kainutilang sugpuin ang droga sa bansa, MGC NPA-ST, nanawagang magresign si Duterte
Melito Glor Command, New People’s Army
Southern Tagalog
Tahasan nang inamin ni Duterte ang kawalang kakayahan ng kanyang rehimen na iwaksi ang malaganap na iligal na droga sa buong bansa. Walang kahihiyang inako niya ang kainutilan ng kanyang rehimen na sugpuin ang droga matapos ang mala-trapong pulitikong pag-aastang lilipulin ang problema sa droga sa unang tatlong buwan niya, sa anim na buwan at hanggang ngayon. Dahil dito, marapat lamang na magresign na siya sa pagkapangulo ayon sa kanyang paulit-ulit na sinasabi sa bayan.
Sadyang hindi malilipol ang salot na droga sa bansa dahil walang bayag si Duterte na kalabanin ang mga narko-pulitiko na paulit-ulit niyang pinapangalandakan sa publiko na tukoy na niya at ipahuhuli ang mga ito. Patunay rito ang kawalan ng naaarestong malalaking drug lord na nasa mahabang listahang ipinagmamalaki niya. Maging ang kanyang anak na si Paolo Duterte na sangkot rito, ganun din ang mga paborito niyang opisyal militar sa Bureau of Customs na may malakas na dudang sangkot sa pagkakapuslit ng bilyon-bilyong pisong halaga ng shabu sa bansa ay hindi niya kayang papanagutin. Pawang mga target niya rito yaong mga drug lords o pulitiko na hindi malapit sa kanya. Walang tinutugis ang kanyang rehimen kundi ang mga walang kalaban-labang mga mahihirap na mamamayang biktima ng iligal na droga.
Patuloy ang walang patumanggang pagpatay sa mga kawawang biktima ng droga sa nakakasawang kwentong lumaban kaya napatay habang wala ni isa mang pulis ang napapatay sa maraming Operasyon Tokhang at Oplan Double Barrel Reloaded ng rehimeng US-Duterte. Umaabot na sa kulang sampung libo ang napapatay ng mga pulis sa naturang gera kontra droga at malaganap na extra-judicial killings.
Ginawa niya pang halimbawa ang numero unong tapagpalaganap ng droga sa buong daigdig – ang US – na hindi nagawang pigilan ang paglaganap ng droga sa bansa nito. Subalit kahungkagang lulutasin ito ng US dahil ang negosyo sa droga ay pinagmumulan nito ng pondo sa pagpapalaganap ng “gera kontra-terorismo” at agresyon sa buong daigdig. Ito rin ang naglilikha, nagrerekrut, nagpopondo at nagsasanay ng mga terorista mula sa iligal na drug money. Halimbawa nito ang malaganap na drug cartel sa Colombia sa pasimuno ng Central Intelligence Agency na siya ring pinalalaganap sa Africa, Latin America, South East Asia, Middle East at sa buong mundo. Pinoprotektahan rin nito ang mga sindikato sa droga sa buong mundo bilang pangunahing pinagkukunan ng pondo ng kanyang maruming gera laban sa sangkatauhan.
Sadyang walang patutunguhan ang panabing na gera kontra droga sa problema ng droga sa bansa. Lalo lamang itong magdudulot ng samu’t saring kaso ng pagpatay sa mamamayan habang pinagkakitaan ng limpak-limpak na salapi ng mga pulitiko at dayuhang sindikato sa droga.
Tulad ng pagkabigo nito sa kanyang gera laban sa iligal na droga, ang kahambugan at kayabangan nitong tatapusin at lilipulin ang buong rebolusyunaryong mamamayan matapos ang gera nito sa grupong Maute na tuluy-tuloy pa rin sa kabila ng paulit-ulit na mga nagsasalungatang pahayag ng mga tagapagsalita ng AFP-PNP. Tiyak na mabibigo itong gapiin ang makatarungang digmang bayang inilulunsad ng CPP-NPA-NDF dahil sa malalim na sinusuportahan ng lahat ng inaaping uri at sektor sa lipunang Pilipino.
Nanawagan ang Melito Glor Command sa buong sambayanang Pilipino na magkaisa at itakwil ang pasistang si Duterte sa kanyang mga anti-mamamayang gera at patakarang neoliberal sa ekonomiya, mga di pantay na kasunduang militar at makaisang panig na patakarang panlabas. Paghandaan ang todo-todong gerang ihahasik ng pasistang rehimeng US-Duterte sa ilalim ng martial law sa buong bansa. Salubungin nang nag-aalimpuyong digmang bayan sa kanayunan at ng malawakang kilos protesta sa mga kalunsuran at kabayananan ang paghaharing pasista ng rehimeng US-Duterte buong bansa.###
Rehimeng US-Duterte, inutil sa problema sa droga!
Anti-mamamayang gera-kontra-droga, labanan ng mamamayan!
Reference:
Jaime “Ka Diego” Padilla
Tagapagsalita, Melito Glor Command
New People’s Army Southern Tagalog

CPP/NPA/NDF Website
Article links:
https://www.ndfp.org/sa-kainutilang-sugpuin-ang-droga-sa-bansa-mgc-npa-st-nanawagang-magresign-si-duterte/

OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------------------------------