From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://www.philippinerevolution.info/2018/09/21/pakikiisa-sa-mga-kilos-protesta-sa-setyembre-21/
Pakikiisa sa mga kilos protesta sa Setyembre 21
Desperadong kumakapit sa poder si Duterte sa harap ng tumitinding krisis
sa ekonomya at pulitika. Binabagbag ang kanyang rehimen ng mga panloob
na sigalot ng kanyang mga alyadong nag-aagawan sa pork barrel at mga
burukratikong pakinabang. Kasabay nito, lalo siyang nahihiwalay sa bayan
na labis na nagdurusa sa mga patakarang anti-mamamayan.
Nagpupunyagi ang bayan sa pagsulong ng iba’t ibang anyo ng paglaban sa
kabila ng todong panunupil. Sa partikular, ang rebolusyonaryong armadong
pakikibaka ay tuluy-tuloy na sumusulong sa buong bansa.
Nananawagan ang Partido sa lahat na pagtibayin ang kanilang kapasyahan
at determinasyon na makibaka para wakasan ang rehimeng US-Duterte.
Magiging mahirap at puno ng pasakit ang paglaban at kakailanganin ang
maraming sakripisyo. Gayunman, kung lalaban na isang nagkakaisang pwersa
ang bayan at sama-samang magmamartsa, tiyak ang tagumpay.
CPP/NPA/NDF Website
Article links:
https://www.philippinerevolution.info/2018/09/21/pakikiisa-sa-mga-kilos-protesta-sa-setyembre-21/
https://www.philippinerevolution.info/2018/09/21/pakikiisa-sa-mga-kilos-protesta-sa-setyembre-21/
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------