From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://cpp.ph/statements/hinggil-sa-trahedya-sa-masbate-noong-hunyo-6/
links: https://cpp.ph/statements/additional-remarks-on-the-masbate-tragedy/
---------------------------------------
Hinggil sa trahedya sa Masbate noong Hunyo 6
Ipinapahayag ng buong Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang taos-pusong pakikidalamhati kaugnay ng hindi napapanahon at hindi kinakailangang pagkamatay ng magpinsang Keith at Nolven Absalon at pagkapinsala sa iba pa dulot ng mga pagkakamali sa aksyong militar ng isang yunit ng BHB sa Barangay Anas, Masbate City nitong Linggo.
Inaako ng PKP at BHB ang buong responsibilidad sa trahedyang ito. Walang makapagbibigay katwiran sa pagdurusang idinulot nito sa pamilyang Absalon.
Taimtim naming hinihingi sa pamilyang Absalon, sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan, at sa buong sambayanang Pilipino, na tanggapin ang aming paghingi ng tawad, pagpuna-sa-sarili at kahandaang magbigay ng anumang nararapat na kabayaran sa pinsala.
Sa pagsulong ng digmang bayan, laging pinaalalahanan ang Bagong Hukbong Bayan na ibigay ang pinakamataas na prayoridad sa proteksyon ng buhay at ari-arian ng mga sibilyan. Kaugnay nito, hindi dapat nangyari ang naganap sa Masbate.
Batid naming may imbestigasyon nang isinasagawa ang Panrehiyong Komite ng Partido sa Bicol at Pamprubinsyang Komite ng Partido sa Masbate at ang matataas na kumand ng BHB para tukuyin ang mga pagkakamali at kahinaan na humantong sa trahedyang ito. Ang mahahalaw na aral ay dapat gumabay sa BHB para iwasan ang ganitong masamang insidente sa hinaharap, at pagtibayin ang kapasyahan nitong paglingkuran at ipagtanggol ang bayan.
CPP/NPA/NDF Website
Article links:
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
------------------------------------------------------------
-----------------------------