From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://cpp.ph/angbayan/araw-ng-kalayaan-maagang-ginunita-sa-new-york/
Daan-daang pamilya sa Maguindanao, Lanao at Ifugao, lumikas dahil sa pambobomba at militarisasyon
----------------------------
Araw ng Kalayaan, maagang ginunita sa New York
Bilang maagang paggunita sa ika-124 taon ng kalayaan ng Pilipinas, nagmartsa ang mga myembro ng Malaya Movement at Makibaka Coalition kasama ang 1Sambayan US sa Madison Avenue, New York City sa US. Daan-daan ang nakiisa sa protesta na may panawagang “Never Forget!” Para sa Makibaka Coalition, ang laban para sa demokrasya ay nagpapatuloy laluna sa harap ng panunumbalik ng mga Marcos at Duterte sa Malacañang.
“Dapat managot ang pamilyang Marcos sa $10 bilyon na kanilang dinambong, ₱203 bilyong buwis na hindi nila binayaran at malawakang paglabag sa karapatang-tao sa panahon ng batas militar,” ayon sa mga nagprotesta.
Gayundin binigyang-diin nila na dapat isakdal si Duterte sa kanyang mga krimen sa sangkatauhan na nagresulta sa pagkasawi ng hindi bababa sa 3,500 Pilipino.
Nakatunghay ang buong bayan sa pinakanotoryus na kumbinasyon ng oligarkiya sa kasaysayan ng bansa, anila. Ngayon, higit kailanman, dapat na magpunyagi sa pakikibaka para sa tunay na demokrasya. Krusyal ang susunod na mga taon para irehistro ang pagtatakwil sa kronyismo at pagbabaluktot sa kasaysayan.
CPP/NPA/NDF Website
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
--------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------