From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://philippinerevolution.nu/angbayan/sibilyang-komunidad-pinagbabaril-ng-94th-ib-mga-bahay-nasira/
Sibilyang komunidad, pinagbabaril ng 94th IB; mga bahay nasira
Nasira ang bahay ng mga magsasakang sina Albascion Onopre at Rhoda Garnica sa Sityo Cabagnaan, Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental matapos paulanan ng bala ng mga sundalo ng 94th IB noong Marso 1. Ayon sa grupong September 21 Movement South Negros, nagpaputok ang mga sundalo matapos ang napaulat na engkwentro sa pagitan ng 94th IB at yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa isang lugar na saklaw ng sityo.
Labis na takot at troma ang idinulot ng naturang pamamaril sa mga residente. “Ang mga may-ari ng bahay…nagmadaling magtago para hindi sila matamaan ng bala. Lumikas na sila sa Barangay Carabalan,” ayon sa grupo.
Sa araw na iyon, nasa 100 pamilya ang lumikas tungo sa sentro ng barangay mula sa mga sityo ng Panagbaan, Florete, Cabalungan, at Daat. Kinonkontrol at binabantayan din ng militar ang kilos ng mga nasa sentro ng ebakwasyon. Unti-unti na silang nakababalik sa ngayon.
Iniulat ng mga residente ang patuloy na panggigipit at pananakot ng mga sundalo sa mga sibilyan. Anila sumisigaw ang mga ito ng “Nga kung sin-o ang isog dira, paguwa!” (Kung sino ang matapang diyan, lumabas!) at “Ubuson pamatay ang mga pumuluyo” (Uubusin ang mga tao dito).
Ang ginagawang karahasan ng militar laban mga sibilyan ay labag sa Ika-4 na Bahagi, Artikulo 4, Numero 4 ng CARHRIHL:
“Ang sibilyang populasyon at mga sibilyan ay itatrato bilang sibilyan at ipag-iiba sa mga mandirigma at, kasama ang kanilang ari-arian, ay hindi maaaring atakihin.”
CPP/NPA/NDF Website
Article links:
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
------------------------------------------------------------
-----------------------------