Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, September 1, 2023

Pandaigdigang Araw ng mga Desaparesido, ginunita

 




From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF

Article links:   https://philippinerevolution.nu/angbayan/pandaigdigang-araw-ng-mga-desaparesido-ginunita/

 

 

Pandaigdigang Araw ng mga Desaparesido, ginunita

ama-samang ginunita kahapon, Agosto 30, ng mga kaanak at kaibigan ng mga biktima ng sapilitang pagkawala ang Pandaigdigang Araw ng mga Desparesido. Iginiit nila ang kagyat na paglilitaw at pagbibibigay ng hustisya sa kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan na dinukot at winala ng mga ahente ng estado.

Sa Manila, nagpiket ang mga grupo sa karapatang-tao sa pangunguna ng grupong Desaparecidos sa Court of Appeals, sa Padre Faura para suportahan ang petisyon ng mga kaananak nina Dexter Capuyan at Gene Roz Jamil “Bazoo” de Jesus na nagsamapa ng Petition for Writ of Habeas Corpus sa nasabing korte, noon pang Hulyo 5.

Ang naturang petisyon ay kinatigan ng korte. Inutusan nito ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na ilitaw ang dalawa.

“Mula sa panahon ng rehimeng Marcos Sr noong dekada 1970 at dekada 1980 hanggang sa kasalukuyang administrasyong Marcos Jr, ang sapilitang pagkawala ay nagsilbing instrumento para maghasik ng takot at patahimikin ang mga kritiko,” ayon sa pangkalahatang kalihim ng Karapatan na si Cristina Palabay.

Sa tala ng Karapatan, higit 1,000 indibidwal ang sapilitang iwinala sa ilalim ng diktadurang Marcos Jr habang nakapagtala ng 821 biktima sa ilalim ng rehimeng Cory Aquino, 26 sa panahon ng rehimeng Estrada, 206 sa ilalim ng rehimeng Arroyo, siyam sa panahon ng rehimeng Aquino II, 20 sa panahon ni Rodrigo Duterte at walo sa unang taon ng rehimeng Marcos Jr.

“Ang sapilitang pagkawala ay hindi lamang mga numero…kumakatawan ito sa mga buhay na nawala, winasak na mga pamilya, at mga komunidad na nabubuhay sa takot,” ayon pa kay Palabay. Dagdag niya, ang mga ito ay lubhang paglabas sa karapatang-tao at lantarang pagbalewala sa pag-iral ng batas.

Samantala, nagtirik ng kandila ang mga grupo sa karapatang-tao sa dambana ng biktima ng sapilitang pagkawala na si Fr. Rudy Romano sa Redemptorist Church sa Cebu City matapos ang isang misang bayan. Nanawagan sila ng hustisya sa lahat ng biktima ng sapilitang pagkawala ng estado.

 

 



CPP/NPA/NDF Website




PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

--------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------