Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Thursday, July 25, 2024

Maysakit na Pulang mandirigma ng BHB-Rizal, dinakip at sadyang pinaslang ng 80th IB

 

 
From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article:  https://philippinerevolution.nu/angbayan/maysakit-na-pulang-mandirigma-ng-bhb-rizal-dinakip-at-sadyang-pinaslang-ng-80th-ib/




Maysakit na Pulang mandirigma ng BHB-Rizal, dinakip at sadyang pinaslang ng 80th IB


niulat ng National Democratic Front (NDF)-Rizal sa isang pahayag na hindi sa engkwentro napaslang ang Pulang mandirigma na si Kasamang Wally Agudes (Ka KM) noong Hulyo 18. Taliwas ito sa pinalalabas ng 80th IB na napaslang si Ka KM sa Barangay Burgos, Rodriguez, Rizal sa isang armdong labanan.

Ayon sa mga saksi, nakita nilang buhay si Ka KM na nagtangka pang tumakbo mula sa umatakeng mga sundalo. Kasunod nito, narinig pa umano nilang sumigaw si Ka KM na hindi siya lalaban at ang sigaw ng isang sundalo na mayroong pinadadapa.

Si Ka KM ay mayroong sakit na malalang trangkaso at mataas na uric acid na dahilan ng kanyang pananatili sa komunidad. Hindi siya makalakad ng maayos at walang kakayahang lumaban, na nangangahulugang isa siyang hors de combat na mandirigma ng BHB-Rizal.

Idiinin pa ng NDF-Rizal na ayon sa mga saksi, nakasuot ng sando si Ka KM subalit sa ipinakalat na larawan ng mga sundalo ng 80th IB sa social media matapos ang palabas na engkwentro ay nakahubad na ito. “Malinaw na paglabag sa internasyunal na makataong batas (IHL) ang ginawang uhaw-sa-dugong pagpatay sa isang wala nang kapasidad lumaban,” ayon pa sa NDF-Rizal.

Binatikos din ng NDF-Rizal ang pag-aresto ng mga pwersang militar kay Laila Ramos, isang organisador ng katutubong Dumagat-Remontado. Siya ay kababaihang Dumagat na aktibo sa pagtatanggol sa kanilang lupang ninuno at pagtutol sa mga mapanirang dambuhalang dam ng Kaliwa-Kanan-Laiban Dam.

Iniinda niya ang sakit ng biglang pagkabulag at mayroong bukol siya sa tainga na nakatakda sana niyang paoperahan. Giit ng NDF-Rizal na kagyat na palayain si Ramos sa mga makataong dahilan. Samantala, isang indibiwal pa ang sinasabi ng 80th IB na inaresto nito sa naturang lugar sa araw ding iyon.

Samantala, noong Hulyo 19 hanggang 20 ay dumanas ng panggigipit at pananakot mula sa mga sundalo ng 80th IB at mga pulis ng Rizal ang mga kasapi at tim ng Karapatan-Rizal na nagsagawa ng makataong misyon at imbestigasyon kaugnay ng pinalabas na engkwentro.

Anito, inilunsad ang imbestigasyon bunga ng kawalan ng konkretong impormasyon na inilalabas ang militar. “Iba-iba ang pangalan, bilang ng patay at hinuli, at sa huling post lamang naglabas ng larawan at pangalan ng patay, taliwas ito sa unang pahayag na dalawa ang huli at may mga pangalan pa na iba-iba,” anang grupo.

Matapang nilang iginigiit sa mga sundalo at pulis para tiyakin ang pagrespeto sa karapatang-tao at internasyunal na makataong batas.

 

 

CPP/NPA/NDF Website



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

--------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
----------------------------
-