From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/09/denounce-aquino-and-afp-for-armed-siege.html#more
Denounce Aquino and the AFP for the armed siege against the MNLF in Zamboanga City
Communist Party of the Philippines September 14, 2013The Communist Party of the Philippines (CPP) denounces the Aquino regime and its armed forces for launching an armed siege against the forces of the Moro National Liberation Front (MNLF) over the past week in the heavily populated city of Zamboanga.
The siege by the AFP against the MNLF forces has resulted in a huge humanitarian crisis, with the lives of hundreds of thousands of people endangered, entire civilian populations forcibly evacuated, residents' human rights abused and economic activity put on hold.
The GPH could easily have allowed the MNLF to engage in its original plan to hold a politico-military protest action last Monday in the outlying villages of Zamboanga. For the past several months, the MNLF has launched such protest actions, bearing arms and denouncing the Framework Agreement forged by the reactionary Manila government and the MILF. The Aquino regime has largely tolerated these protest actions launched by MNLF fighters, including those held in city centers such as Davao.
Instead of simply allowing as before the planned protest action in Zamboanga City last Monday, the Aquino regime launched a siege against the MNLF fighters, resulting in an armed standoff, in complete disregard of the welfare and safety of the civilian residents in the area. The Aquino regime has caused the forcible evacuation of civilian residents under threat of armed action. The US military contingent in Zamboanga--the Joint Special Operations Task Force-Philippines (JSOTF-P)--based inside Camp Navarro, has taken advantage of the military standoff to fly its surveillance drones in violation of Philippine sovereign airspace.
Claims by Aquino's security officials that it cannot allow the MNLF to raise its banner are flimsy and unacceptable. That the Aquino regime has chosen to launch its siege against the MNLF while it is in a population center underscores its gross contempt of the people. The other day, Aquino went to Zamboanga City only to issue bellicose statements to "inspire" his fascist armed troops. He completely ignored the pleas of the people of Zamboanga City for a stop to the armed siege against the MNLF in order to pave the way for normalization. Aquino chose not to look into the eyes of the 24,000 people holed up in evacuation centers demanding water, food, medicine and proper shelter.
Many are convinced that the Aquino regime has chosen to launch its siege at this time to create a diversion in order to draw attention away from widespread protests against the Malacañang and congressional pork barrel.
The CPP demands that the GPH immediately stand down in order to effect a ceasefire and allow the safe withdrawal of the MNLF's forces from the residential centers.
The CPP censures the MNLF for engaging in politico-military adventurism with the narrow aim of protecting Misuari's fiefdom threatened by a new re-arrangement of resources and political power being forged between the Manila reactionary government and the MILF. Misuari and his clique of elite Moro leaders are making use of the cause of the Moro people's struggle for national liberation to lend credibility to his armed adventures.
At the same time, the CPP recognizes the validity of the Moro people's struggle for self-determination. The CPP calls on the Moro people to reject both Misuari's military adventurism and the tendency of the Moro Islamic Liberation Front (MILF) to capitulate to the reactionary Manila government.
Despite repeated declarations of "peace in Mindanao," the Aquino regime is bound to fail in forging a final peace deal that will resolve the outstanding demand of the Moro people for self-determination. Like its predecessors, the Aquino regime adamantly sticks to the chauvinist notion that the Moro people should submit themselves to the authority of the reactionary government and that any sort of "autonomous" Moro political authority will only be allowed if it first bows to the power of the oppressive Manila government.
The CPP urges the Moro people to persist in their cause by engaging in democratic mass struggles and revolutionary armed resistance. The Moro people have the support of the Filipino people in their cause of advancing their national and social liberation.
Batikusin si Aquino at ang AFP sa pagkubkob sa MNLF sa Zamboanga City
Partido Komunista ng Pilipinas Steyembre 15, 2013
Binatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas ang rehimeng Aquino at ang armadong pwersa nito sa pagkubkob nito sa Moro National Liberation Front (MNLF) nitong nakaraang linggo sa mataong bahagi ng Lunsod ng Zamboanga.
Ang paglusob ng AFP sa pwersa ng MNLF ay nagresulta sa malaking humanitarian crisis, na nagsapanganib sa buhay ng daan libong mamamayan, pwersahang nagpalikas ng buong populasyong sibilyan, pang-aabuso sa mga karapatang-tao ng mga residente at paghinto ng pang-ekonomyang aktibidad.
Mas madali sanang pinahintulutan na lamang ng GPH ang orihinal na plano ng MNLF na maglunsad ng pulitiko-militar na aksyong protesta noong Lunes sa mga liblib na baryo ng Zamboanga. Sa nakaraang ilang buwan, naglulunsad ang MNLF ng aksyong protesta, dala ang kanilang mga armas at binabatikos ang Framework Agreement na pinagkaisahan ng reaksyunaryong gubyerno ng Maynila at ng MILF. Dati namang pinapayagan ng rehimeng Aquino ang ganitong mga aksyong protesta ng mga mandirigma ng MNLF, kabilang yaong mga idinaos sa mga sentrong lunsod gaya ng Davao.
Sa halip na pinayagan na lamang gaya ng dati ang nakaplanong aksyong protesta sa Zamboanga City noong Lunes, kinubkob ng rehimeng Aquino ang mga mandirgma ng MNLF na nagresulta sa armadong labanan, na tahasang nagbalewala sa kagalingan at kaligtasan ng mga sibilyang nakatira sa lugar. Pwersahang pinalikas ng rehimeng Aquino ang mga sibilyang residente dahil sa banta ng armadong aksyon. Sinamantala rin ng pwersang militar ng US na nasa Zamboanga--ang Joint Special Operations Task Force-Philippines (JSOTF-P)--na nasa loob ng Camp Navarro ang labanang militar para paliparin ang mga paniktik na drones nito na paglabag sa soberanyang panghimpapawid ng Pilipinas.
Ang sinasabi ng mga upisyal sa seguridad ni Aquino na hindi mapapayagan na iladlad ng MNLF ang bandila nito ay malamya at di-katanggap-tanggap. Ang paglusob ng rehimeng Aquino sa MNLF sa kalagitnaan ng karamihan ng tao ay nagpapatampok ng kawalang-malasakit nito sa mamamayan. Noong nakaraang araw, pumunta si Aquino sa Zamboanga City para lamang maglabas ng mapandigmang pahayag upang magbigay-"inspirasyon" sa kanyang mga pasistang armadong tropa. Tahasan niyang binalewala ang samo ng mamamayan ng Zamboanga City na hinto na ang armadong paglusob sa MNLF para bigyang daan ang normalisasyon. Hindi makatingin si Aquino sa mga mata ng 24,000 mamamayang naipit sa mga evacuation center na humihiling ng tubig, pagkain, gamot at maayos na masisilungan.
Marami ang naniniwalang pinili ni Aquino na ilunsad ang paglusob sa panahong ito para ilihis ang atensyon mula sa malaganap na protesta laban sa pork barrel ng Malacañang at kongreso.
Iginigiit ng PKP na kagyat na umatras ang GPH upang bigyang daan ang isang tigil-putukan at hayaan ang ligtas na pagkalas ng mga pwersa ng MNLF mula sa gitna ng kabahayan.
Mahigpit na pinupuna ng PKP ang MNLF sa pulitiko-militar na adbenturismo nito para lamang sa layuning ipagtanggol ang maliit na kaharian ni Misuari na humaharap sa banta ng bagong hatian sa mga rekurso at kapangyarihang pampulitika na binubuo sa pagitan reaksyunaryong gubyerno ng Maynila at ng MILF. Ginagamit ni Misuari at ng kanyang pangkatin ng mga elitistang lider Moro ang adhikain ng pakikibakang masa ng mamamayang Moro para sa pambansang paglaya para magkaroon ng kredibilidad ang kanyang armadong adbenturismo.
Gayundin, kinikilala ng PKP ang pagiging balido ng pakikibaka ng mamamayang Moro para sa pagpapasya-sa-sarili. Nananawagan ang PKP sa mamamayang Moro na ibasura kapwa ang adbenturismong militar ni Misuari at ang tendensya ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sumuko sa reaksyunaryong gubyerno ng Maynila.
Sa kabila ng paulit-ulit na deklarasyon ng "kapayapaan sa Mindanao," mabibigo ang rehimeng Aquino na makapagbuo ng kasunduang pangkapayapaan na mapagpasyang haharap sa kahilingan ng mamamayang Moro para sa pagpapasya-sa-sarili. Gaya ng mga sinundang rehimeng nito, pinananatili ng rehimeng Aquino ang sobinistang paniniwala na dapat isuko ng mamamayang Moro ang awtoridad sa reaksyunaryong gubyerno at ang anumang uri ng "awtonomong" pampulitikang awtoridad ng Moro ay mapahihintulutan lamang kung yuyukod muna ito sa mapang-aping gubyerno ng Maynila.
Hinihikayat ng PKP ang mamamayang Moro na ipagpatuloy ang kanilang adhikain sa pamamagitan ng demokratikong pakikibakang masa at rebolusyonaryong armadong paglaban. Sinusuportahan ng sambayanang Pilipino ang mamamayang Moro sa kanilang adhikain ng pagsusulong ng kanilang pambansa at panlipunang paglaya.
Article links:
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------