From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/10/alisin-ang-pabigat-na-korapsyon-sa.html#more
[VIDEO] Eliminate corruption which weighs down on the peasant masses
Ang Bayan 21 October 2013The vast countryside is a picture of extreme oppression and abuse. It is where millions of peasants and farm workers suffer from intensifying feudal and semifeudal exploitation and where hunger and penury are the fruits of their efforts to enrich the land and produce food. It is where they are victimized by widespread landgrabbing, back-breaking debts, and incomes that are woefully inadequate to buy even food and other basic needs.
Thus, it is doubly enraging to know that the peasants' poverty and oppression have been invoked by corrupt bureaucrat capitalists in connivance with other exploiters as pretexts to amass ever larger sums of money for themselves.
LINKS:
--------------------------------
Alisin ang pabigat na korapsyon sa balikat ng masang magsasaka
Editoryal
Ang Bayan
Oktubre 21, 2013
Download PDF here...
Larawan ng sukdulang pang-aapi at pagsasamantala ang malawak na kanayunan kung saan dinaranas ng milyun-milyong magsasaka at manggagawang magbubukid ang papatinding pyudal at malapyudal na pagsasamantala. Hirap at gutom ang katumbas ng pagpapayaman sa lupa at produksyon ng pagkain. Biktima sila ng laganap na pang-aagaw ng lupa. Baon sila sa utang at kulang na kulang ang kita para tustusan ang gastusin sa pagkain at iba pang pangangailangan.
Kaya naman doble-dobleng nakapagngangalit na ang mismong karalitaan at kaapihan ng masang magsasaka ang siyang isinangkalan ng mga bulok na burukrata kapitalista kasabwat ang iba pang mapagsamantala para lalo pang makapagkamal ng limpak-limpak na salapi.
Nakalulula ang malalaking halaga ng pondong publiko na nakulimbat ng sindikatong kinabibilangan nina Janet Lim-Napoles at matataas na upisyal ng reaksyunaryong gubyerno, gamit ang mga huwad na non-governmental organization na nagpapanggap na naglilingkod sa interes ng masang magsasaka. Isinasangkalan ang kanilang mga kahilingan at pangangailangan upang maglabas ng bilyun-bilyong piso para diumano ipambili ng binhi, abono, pestisidyo at iba pang pangangailan sa pagsasaka.
Sa katunayan, ginagamit lamang ang mga diumano'y programang pang-magsasaka at mga huwad na NGO bilang daluyan ng bilyun-bilyong pisong pondong publiko at pantabing sa korapsyon ng mga tiwaling upisyal ng gubyerno.
Sa halip na pakinabangan ng masang magsasaka, ang napakalaking mga pondong ito ay ibinubulsa ng mga burukrata kapitalista. Lumaganap ang ganitong sistema ng paggamit sa mga NGO sa ilalim ng rehimeng Arroyo. Sa likod ng buladas ng "matwid na daan," nagpatuloy ang ganitong sistema ng korapsyon sa ilalim ng rehimeng Aquino, laluna sa sektor ng agrikultura. Bukod sa pagpapadaloy ng pondo mula sa Kongreso at Senado, limpak-limpak na salapi rin ang pinadadaloy direkta mula sa Malacañang sa ilalim ng programang DAP.
Pati ang pagdurusa ng mga maralita sa kanayunan na nasalanta ng matitinding bagyo, baha at pagguho ng lupa ay pinagkakwartahan din ng mga ganid na burukrata at ng kanilang mga kasapakat.
Kagula-gulantang man ang laki ng mga kasong ito ng pagnanakaw sa kabang-yaman ng bayan, gapatak lamang ito kung ikukumpara sa daan-daang bilyong pisong dinambong ng iba't ibang reaksyunaryong rehimen sa pagpapatupad ng isa sa pinakaenggrande at mapanlinlang na proyekto sa kasaysayan ng bansa—ang huwad na reporma sa lupa.
Mula sa PD 27 ng diktadura ni Ferdinand Marcos, hanggang sa CARP ng rehimen nina Corazon Aquino, Fidel Ramos at Joseph Estrada hanggang sa CARPER ng mga rehimen nina Gloria Arroyo at Benigno Aquino III, P259.5 bilyon na ang ginugugol ng reaksyunaryong estado sa reporma sa lupa. Pero halos walang pinag-iba ang mukha ng pyudal at malapyudal na pagsasamantala sa kanayunan ngayong magtatapos na ang CARPER sa 2014.
Wala nang mas matingkad pang halimbawa ng pagkabigo ng huwad na reporma sa lupa kundi ang napakaganit na proseso ng pamamahagi ng lupa sa Hacienda Luisita na pag-aari ng angkan ni Aquino. Ipinamamarali ni Aquino ang pagiging makasaysayan ng pagpapatupad doon ng CARP samantalang wala naman talagang ipinamahagi kundi sertipikasyong ilampung taong huhulugan ng mga manggagawang bukid.
Samantala, sa buong bansa, laganap ang mga kaso ng pang-aagaw ng lupa sa muling pagpapalawak ng mga asyenda at plantasyon at paghahawan ng lupain para sa pagmimina. Kaliwa't kanan ang pagbawi ng mga papeles ng amortisasyon ng mga magsasakang dating naging "benepisyaryo" ng CARP. Hindi nauubusan ang mga panginoong maylupa at mga komprador ng mga iskemang may basbas ng reaksyunaryong batas upang tuluy-tuloy na mapalawak ang kanilang mga hawak na lupain.
Ibayong monopolyo sa lupa ang iniresulta ng lahat ng reaksyunaryong programa sa reporma sa lupa dahil tulad ng iba pang proyektong pangmagsasaka ng burgis na estado, ito ay "pera-pera lang." Wala itong pinagkaiba sa programang Conditional Cash Transfer na naglalayon din daw na maibsan ang kahirapan, laluna sa kanayunan. Agad din itong sinagpang ng mga ganid na burukrata para mapagnakawan ng pondong publiko.
Walang maasahang pagbabago ang mga magbubukid sa kanilang dustang kalagayan, laluna sa ilalim ng rehimeng Aquino. Patuloy lamang na gagamitin ni Aquino at kapwa niya bulok na burukrata ang kanilang karalitaan para makapandambong hangga't hindi winawakasan ang sistemang pinag-uugatan ng korapsyon, pagsasamantala at pang-aapi.
OTHER ARTICLES:
Buwan ng magbubukid, ginunita Kumokontra sa korapsyon, lalong lumalawak Malalaking bonus ng mga upisyal ng SSS, binatikos Bungkalan sa Negros Ang sistemang aryendo sa Negros Ka Mely at Ka Dado: Larawan ng buhay at pakikibaka sa Negros Ang industriya ng asukal sa Negros Masang magsasaka sa ST, biktima ng pagnanakaw ni Aquino Matatagumpay na taktikal na opensiba, inilunsad sa NCMR Militar, nagtamo ng 19 na kaswalti sa ST Ambus sa Capiz Pananalasa ng militar sa mga pambansang minorya Pag-aresto sa 18 myembro ng HERRIRA, kinundena ng NDFP Asembliya kontra _austerity_, inilunsad sa Detroit City Konstruksyon ng baseng nabal sa Oyster Bay, binatikos
Article links:
http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/10/alisin-ang-pabigat-na-korapsyon-sa.html#more
http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/10/video-eliminate-corruption-which-weighs.html
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------