From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2014/09/kinukundena-ng-ndf-fsmr-ang-pambobomba.html#more
Video: Oppose emergency powers and Aquino’s push for a second or extended term [ANG BAYAN 2014SEP21]
Ang Bayan VideoSeptember 24, 2014
Kinukundena ng NDF-FSMR ang pambobomba sa GenSan
Ka Efren Aksasato
NDFP Far South Mindanao Chapter
September 21, 2014
Translation: Gipanghimaraut sa NDF-FSMR ang pagpamomba sa GenSan
Mariing kinukundena ng National Democratic Front-FarSouth Mindanao Region (NDF-FSMR) ang pambobomba sa Rizal Freedom Park sa Gen. Santos City noong Setyembre 16, 2014.
Ipinapaabot din namin ang aming pakikiramay sa mga sibilyang nabiktima sa naturang marahas na pangyayari.
Ang pambobomba na ginawa sa isang pampublikong lugar at itinaon sa gabi na maraming tao ang naglilibang ay isang malinaw na teroristang gawain na naglalayong lumikha ng kapinsalaan sa mga inosenteng sibilyan.
May magkakaibang mga posibilidad na malamang na nasa likod ng naturang pambobomba. Maaari itong ginawa ng mga tao o ekstremistang grupo na may galit sa estado o kaya isa itong pakana ng estado mismo.
Dahil sa kabulukan, korapsyon at kawalang-katarungan ng malakolonyal-malapyudal na sistemang pinaghaharian ng malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa, dumarami at lumalawak ang paglaban mula sa iba’t ibang hanay ng mamamayan sa bansa. Samantala, dahil sa pagiging sagadsarin at masunuring tuta nito sa imperyalismong US ay naiuugnay ang bansa sa mga gerang agresyon ng US, at nadadamay din ito sa ipinagyayabang ng US na “global war on terror” laban sa mga bansa at mga entidad na nagmimithi ng kalayaan. Ang pambobomba ay maaari ring maruming laro ng mga pwersang paniktik at mga eksperto sa saywar ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ang nangyari sa Gen. Santos City at ang iba pang pambobomba sa iba’t ibang lugar sa Mindanao ay nagpapaalala sa Oplan Greenbase ng dating rehimeng US-Arroyo noong 2003. Inilarawan sa naturang oplan na ipinalabas ng Department of National Defense sa ilalim ni Arroyo ang paglikha ng mga teroristang aksyon na ibibintang sa kilusang Moro. Sa gayunding paraan, isasangkalan ng gubyerno ang galit ng mamamayan at ang kaguluhan sa lipunan itulak ang emergency powers para sa pangulo o kaya ang deklarasyon ng batas militar.
Ang pagdurusa ng mga biktima sa karahasang dinanas nila ay hindi madaling mapapawi habang patuloy silang pinagkakaitan ng katarungan. Dapat lamang na singilin ang Philippine National Police (PNP), ang AFP at ang gobyerno sa kainutilan nilang protektahan ang mamamayan.
Sa pamamagitan lamang ng nagkakaisang tindig at pagkilos ng mamamayan para ibagsak ang bulok, pabaya at mapang-aping estado matatamasa ang tunay na katarungan at katwiran sa bansa at mapapawi ang banta ng terorismong dulot ng dominasyon ng imperyalismong US at lokal na mga naghaharing pangkatin sa lipunan.

OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
http://www.philippineinsurgency.co.nr/
http://www.philippineinsurgency.co.nr/
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------