Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, February 20, 2015

Kundenahin ang paglapastangan ng US sa soberanya ng Pilipinas sa operasyon sa Mamasapano at sa gera kontra terorismo ng US



From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links:
  http://theprwcblogs.blogspot.com/2015/02/kundenahin-ang-paglapastangan-ng-us-sa.html




Kundenahin ang paglapastangan ng US sa soberanya ng Pilipinas sa operasyon sa Mamasapano at sa gera kontra terorismo ng US

Partido Komunista ng Pilipinas
Pebrero 16, 2015

Translation: Condemn US violations of Philippine sovereignty in Mamasapano operations and US war of terror

Dapat matatag na manindigan ang sambayanang Pilipino sa pagkundena sa gubyerno at militar ng US sa pagpapakana, pagpaplano, pagmamando at pagpapatupad ng operasyon noong Enero 25 upang patayin si Zulkifli Bin Hir (Marwan) sa Mamasapano, Magunidanao. Nagpasiklab ng matinding bakbakan sa pagitan ng mga piling tropa ng pulisya at mga lokal na mandirigmang Moro ang operasyon na nagresulta sa pagkamatay ng halos 70 katao, kabilang ang mga residenteng sibilyan.

Malala ang ginawang paglabag ng gubyerno at militar ng US sa soberanya ng Pilipinas. Iginigiit ng sambayanang Pilipino ang pagpapatalsik kay Benigno Aquino III sa kanyang pananagutan sa pagpahintulot sa isang dayuhang pwersang militar na walang pakundangang lapastanganin ang soberanya ng Pilipinas.

Kinukundena ng sambayanang Pilipino ang gubyernong US at ang US Embassy sa Maynila sa pagtatago ng katotohanan hinggil sa papel ng US sa operasyon sa Mamasapano. Iginigiit nila na dapat ihayag ang buong katotohanan sa papel ng militar ng US. Hindi sila umaaasa na ganap na maihahayag ang katotohanan sa kasalukuyang mga publikong pagdinig na ginagawa ng mga senador at kongresman, na ugali nang iwasan ang pagpapalalim sa katotohanan ng pakikialam ng gubyernong US sa mga panloob na usapin ng Pilipinas.

Ang iba't ibang impormasyon, kabilang yaong nagmula sa mga disgustadong tauhan ng pulisya, ay nagkumpirma sa namumunong papel ng militar ng US sa pagpaplano at pagpapatupad ng operasyon sa Mamasapano ng Special Action Forces (SAF) ng PNP. Binigyan ng JSOTF-P ang 84th at 55th na mga kumpanya ng SAF ng pasilidad sa pagsasanay sa loob mismo ng Vista del Mar resort, na kilala noon pa, na isang pasilidad militar ng mga Amerikano sa Zamboanga City.

Ang militar ng US ang nagsuplay ng tinaguriang pakete ng paniktik na nagtukoy sa kinaroroonan ni Marwan. Para tukuyin si Marwan, nagbayad ito ng lokal na giya at nagpalipad ng mga paniktik na drone ilang araw bago ang operasyon. Pinili nitong gamitin ang 84th Seaborne Company ng SAF. Dinirihe mismo ng mga upisyal ng US ang operasyon sa pamamagitan ng taktikal na baseng kumand sa Shariff Aguak, Maguindanao. Isang nagngangalang Allan Konz ang upisyal na Amerikano ang tunay na kumander sa operasyon sa Mamasapano na nagtuwang at nagbigay ng instruksyon kay Gen. Getulio Napeñas, kumander ng PNP-SAF. Mahigpit silang nakipagtulungan sa mga pwersang Amerikano sa pangangasiwa sa pasilidad para sa mga drone sa Zamboanga City.

Taliwas sa sinasabi ni Aquino, walang planong "arestuhin" si Marwan. Ang plano talaga ng US ay ang asasinasyon o tahasang pagligpit kay Marwan. Planado rin ang pagputol sa daliri ni Marwan para sa pag-eksamen sa DNA. Kagyat na ipinadala ang daliri sa General Santos City, kung saan naghihintay ang forensics team ng Federal Bureau of Investigation.

Malaon nang binalak ng militar ng US, sa pamamgitan ng Joint Special Operations Task Force-Philippines (JSOTF-P), ang pagpatay kay Marwan sa Pilipinas. Noong Pebrero 2012, inarmasan at sinanay ng militar ng US ang AFP para maghulog ng tinaguriang "smart bombs" sa Jolo, Sulu na ang target ay si Marwan pero ang napatay ay 15 sibilyan.

Dapat kundenahin ng sambayanang Pilipino ang interbensyunismo at ang paglapastangan ng US sa soberanya ng Pilipinas sa operasyon sa Mamasapano, mula sa paggamit sa himpapawid ng Pilipinas sa pagpapalipad ng mga paniktik na drones, pagpaplano at pagpapatupad ng isang armadong operasyon sa teritoryo ng Pilipinas, pagsasagawa ng operasyong asasinasyon na paglabag sa batas kaugnay sa krimen sa Pilipinas, pagsasanay ng mga yunit ng pulisya at sikretong pag-agaw ng kumand rito na paglabag sa chain-of-command ng PNP at iba pa.

Dapat kundenahin ng sambayanang Pilipino ang rehimeng Aquino sa pakikipagkutsabahan sa militar ng US sa pagsasagawa ng operasyon sa Mamasapano na paglabag sa soberanya ng Pilipinas.

Dapat itakwil ng sambayanang Pilipino ang sinasabing walang hangganan ang tinaguriang "gera kontra terorismo". Dapat nilang kundenahin ang mga kagaya ni Sen. Trillanes at ang kanyang mga kauri na pabor sa interbensyunsimong US at nais na isuko ang sobernaya ng Pilipinas upang pahintulutan ang militar ng US na mag-operasyon at paigtingin ang kanilana teroristang gera. Ang ipinangangalandakang "pandaigdigang gera" ay pinalalaganap ng mga imperyalistang US at mga tagapagtanggol nila upang bigyang-matwid ang interbensyong militar ng US at ang mga paglabag sa soberanya hindi lamang sa Pilipinas.

Sa pagsisikap na kontrolin ang rekurso sa langis, mga rutang pangkalakalan at upang palawakin ang larangan ng impluwensya nito, pinaiigting ng mga imperyalistang US ang brutal at teroristang gerang agresyon at interbensyon tulad ng inilunsad nito sa Kuwait, Iraq, Afghanistan, sa mga bansa sa Balkan, sa Africa at iba't iba pang bansa. Sinuportahan nito ang Israel ng armas at pinansyang militar sa paglulunsad ng henosidyong gera laban sa Palestine. Sa mga bansang ito, nagdulot ang imperyalistang agresyon at interbensyon ng US ng malawakang pagkamatay ng mga sibilyan at nang-upat ng ektremistang karahasan.

Dapat muling igiit ng sambayanang Pilipino ns wakasan ang presenyang militar ng US at ang pagwawakas sa Mutual Defense Treaty, sa Visiting Forces Agreement, sa Enhanced Defense Cooperation Agreement at lahat ng iba pang tratado na nagpapahintulot sa militar ng US na walang pakundangang lapastanganin ang soberanya ng Pilipinas.









OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES


http://www.philippineinsurgency.co.nr/


PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------