From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2015/02/magkaisa-upang-papanagutin-ang-us-at-si.html#more
Killing of civilians and US war of terror instigate retaliatory extremist violence
February 05, 2015Communist Party of the Philippines
----------------------------------
Magkaisa upang papanagutin ang US at si Aquino sa pagdanak ng dugo sa Mamasapano
Partido Komunista ng PilipinasPebrero 4, 2015
Translation: Unite to hold the US and Aquino responsible for Mamasapano carnage
Nananawagan ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa lahat ng sektor na magkaisa upang papanagutin ang gubyerno at militar ng US, si Benigno Aquino III at ang kanyang susing mga upisyal na responsable sa pagdanak ng dugo sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 kung saan halos 70 katao ang napatay, kabilang ang ilampung piling tropa ng pulisya, mga mandirgmang Moro at mga sibilyan.
Ang operasyon noong Enero 25 ng Philippine National Police (PNP) ay bahagi ng operasyong asasinasyon na Operation Wolverine na dikta ng US laban kay Zulkipli Bin Hir (Marwan) na mayroong multimilyong patong sa ulo. Nagbigay ng impormasyon sa paniktik ang mga pwersang militar ng US na nasa Pilipinas sa rehimeng Aquino, na buong pagkamasunrin namang nagmobilisa ng tropa nito upang tuparin ang plano ng US.
Kinukundena ng PKP ang interbensyunismong militar ng US sa Pilipinas at iba pang bansa. Hindi lamang sinulsulan at inudyok ng US ang operasyon sa Mamasapanao noong Enero 25, nagdeploy pa ito ng tropa sa lugar ng operasyon kung saan nakita ng mga residente ang bangkay ng isang sundalong Amerikano na kagyat na kinuha ng isang helikopter ng US.
Ang Operation Wolverine at ang mga lihim na operasyon ng US ay isang ganap na pag-alipusta sa pambansang soberanya ng Pilipinas. Ipinatutupad ng gubyernong Obama ang gera kontra-terorismo ng US na nagbibigay-katwiran sa interbensyunismo, nang-uupat sa rasismo at mga relihiyosong paninira na ginagamitan ng US ng pamatay na pwersa at mga sandata para sa maramihang pagpuksa kontra kapwa sa mga armado at di-aramdong tumututol, na nagiging sanhi ng siklo ng armadong karahasan at kontra-karahasan.
May laganap na pagkamuhi sa militar ng US dahil sa mga malalalang paglabag sa karapatang-tao at pambansang soberanya habang naghuhulog ito ng mga bomba, nagdedeploy ng mga armadong sundalo, nag-aarmas at nagsasanay sa mga grupong maka-US, nag-aarmas at nagpopondo sa mga gubyernong maka-US, naniniktik sa pamamagitan ng drone, kumukolekta ng mga pribadong eletronikong datos at nag-eespiya sa sarili nitong mamamayan.
Gaya ng mga kahalintulad operasyong asasinasyon ng US sa nakaraan, sinulsulan ng militar ng US ang rehimeng Aquino na ilunsad ang operasyon sa Mamasapano na isang ganap na paglapastangan sa karapatang-tao, sa alituntunin sa digma at sa mga umiiral na makataong pamantayan nang puntiryahin nito ang mga sibilyan at patayin ang hindi bababa sa pitong di-armadong residente, kabilang ang isang batang babae. Tulad nito, ilang sibilyan ang napatay noong Pebrero 2012 nang atasan ng US ang mga yunit ng Philippine Air Force na maghulog ng tinaguriang "smart bombs" sa Jolo, Sulu, kung saan ipinagyabang noon ng AFP na napatay na si Marwan.
Upang tuparin ang plano ng US, inapakan ni Aquino ang chain-of-command ng pulisya upang direktang utusan ang mga yunit ng Special Action Forces (SAF) ng PNP sa pamamagitan ng kumander nito, at sa mga napaulat, sa pamamagitan ng suspensidong hepe ng PNP na si Alan Purisima, ang kanyang paboritong alipures na upisyal ng pulisya.
Sa operasyon ay kinailangang pasukin ang lugar na itinuturing na armadong baseng lugar ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at ng Moro Islamic Liberation Force (MILF) na galit sa PNP at AFP. Nagsilbing bala ng kanyon ang yunit ng special forces ng PNP sa isang operasyon na talagang hahantong sa madugong engkwentro, anu't anuman, mayroon o walang koordinasyon sa AFP.
Kapalit ng suportang pinansyal ng US, bulag na nagsisilbi ang rehimeng Aquino sa gera kontra terorismo sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa militar ng US na magmantine at magpalawak ng presensya nito sa bansa at magkondukta ng mga operasyong paniktik at kombat. Ginagamit ng US ang malaking rekurso nito upang ilarawan ang sarili bilang isang pwersang makatao upang tabingan ang mga interbensyunistang operasyon nito na lumalabag sa karapatang-tao at pambansang soberanya at nagpapanatili ng neokolonyal na kontrol sa bansa.
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
http://www.philippineinsurgency.co.nr/
http://www.philippineinsurgency.co.nr/
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------