Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, October 20, 2017

Sagot sa pagmumura ni Duterte sa mga drayber




From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://www.ndfp.org/sagot-sa-pagmumura-ni-duterte-sa-mga-drayber/



Sagot sa pagmumura ni Duterte sa mga drayber 
Tumitindig ang Partido Komunista ng Pilipinas, kaisa ng sambayanang Pilipino, sa panig ng masang anakpawis na mga drayber ng jeep sa pagtatanggol sa kanilang kabuhayang pinagbabantaang ipagkait ng rehimeng Duterte. Binabati ng Partido at mga rebolusyonaryong pwersa ang matagumpay nilang dalawang araw na welga sa transportasyon.


Kahapon, sa ikalawang araw ng welga, pinagmumumura ni Duterte ang mga drayber ng jeep: “Mahirap kayo? P*******a, magtiis kayo sa hirap at gutom. Wala akong pakialam!” Ipinakita na naman ni Duterte ang tunay niyang kulay: galit sa mga gutom at mahirap, laluna ang mga marunong manindigan at lumaban para sa kanilang interes.



Nagmamatigas at nagmamadali si Duterte na ipatupad ang anti-mahirap, maka-dayuhan na “modernisasyon” ng jeep. Isa itong planong pag-agaw sa kabuhayan ng maliliit na opereytor at drayber ng jeep. Sino ba talaga ang pinapaburan ni Duterte? Ang malalaking kapitalista (kasama na ang iilang malalaking opereytor), pati na ang mga dayuhang kapitalistang pag-aangkatan ng bagong mga piyesa ng mga “modernong” jeep.

Duterte, isa kang malaking hambog na peke: Nagpupuputok ang butse mo sa ibinubugang usok ng mga jeep, pero tameme ka naman sa napakakapal na usok ng mga coal-fired power plant na lumalason sa kapaligiran sa buong bansa. Ang totoo, gusto mo lang patayin sa hirap at gutom ang mga drayber at maliliit na opereytor ng jeep, para lang mapagsilbihan mo ang tunay mong mga amo.


Dahil dito nakasalalay ang kanilang buhay, hindi mananahimik ang mga drayber at opereytor ng jeep kahit pa isagasa ni Duterte ang planong itaboy sila sa mga kalsada. Hindi sila papayag na pahirapan at gutumin ni Duterte. Sa buong bansa, libu-libo sa kanila ang naninindigang mamamatay sa paglaban!






CPP/NPA/NDF Website


OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------