From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://www.philippinerevolution.info/statements/20171002-tumitindi-ang-karahasan-at-dumarami-ang-bilang-ng-mga-masbatenyong-biktima-ng-paglabag-sa-k
Tumitindi ang karahasan at dumarami ang bilang ng mga Masbatenyong biktima ng paglabag sa karapatan pantao ng 2nd IB, PA
Press Release
Muli na namang naghasik ng takot sa mga ordinaryong mamamayan ng Masbate ang 2nd IB, PA sa pinakahuli nitong operasyong militar sa mga bulubunduking baryo ng magkadikit na bayan ng Mobo at Uson. Mag-uumaga noong Septyembre 27, kasalukuyang taon ng arbitraryong inaresto ng mga pinagsanib pwersa ng 2nd IB, PA, 96th MICO at RIU 5 ang mga sibilyang sina Dagul Lalaguna, mag-asawang Locloc at Baby Merdegia, Boboy Dela Cruz, Opaw Balayan at Romy Pautan at ang dalawa nitong anak na lalaki, pawang mga residente ng Sityo Pili, sa hangganan ng Brgy. San Jose, Uson at Brgy. Sawmill, Mobo. Habang sa katabing baryo naman ng Madao, Uson, dinampot si Ompoy Escovilla at kasama nito na walang-awang pinagsasampal.
Samantala, iligal ding hinalughog ang mga kabahayan nina Dagay Lepalam, Charles Adi, Christian Adi, Opaw Balayan, Nene Valenzuela at mag-asawang Locloc Merdegia. Sinira ang bahay, nilimas at ninakaw pati ang mga kagamitan ng mag-asawang Merdegia kasama na ang halagang P50,000.00 naipon ng mag-asawa.
Dahil sa sama-samang pagkilos at paggigiit ng mga kamag-anakan ng mga biktima at mga opisyal ng barangay ay napilitan ang mga sundalo na pakawalan ang mga iligal nilang inaresto kinahapunan.
Ang iligal na pag-aaresto, paghahalughog, pagsira at pagnanakaw sa mga sibilyan ay malinaw na pagpapakita ng kawalang respeto sa karapatang pantao ng mga kasundaluhan. Kahiya-hiya ang kanilang ginawa at kabaliktaran sa katagang “Tagapaglingkod ng Bayan” na siya nilang ipinamamarali sa publiko. Sa kabila nito, sila ang pinaka-numero-unong naghahasik ng takot, pumapatay, nagnanakaw at nagkakalat ng maling mga gawi sa mga baryong kanilang pinupuntahan. Katunayan, ilan sa mga kasong kinakaharap ng mga kasundaluhan sa mamamayang Masbatenyo ay ang pagkakapatay nila kamakailan sa 15-anyos na batang lalaki sa Brgy. Libertad, Cawayan.
Ilang saksi ang nakakita na kasama ng mga sundalo ang mga nagtaksil sa kilusan at masa na sina Eliseo Jong Saricon Sampaga (dating Ka Fred), Arnan Banggalisan (dating Ka Jonas), Bunso at Mistah na may apelyidong Rivera. Ang apat na ito ay itinawalag ng kilusan dahil sa hindi pagsunod sa disiplina at mga maling gawi habang nasa kilusan pa. Dahil sa ayaw magbago ay tuluyan nang inalis sa pwersa ng BHB. Ang mga taksil na ito ang siya ngayong katulong ng mga sundalo sa paghahasik ng takot at paggawa ng krimen sa mamamayang Masbatenyo. Dati nang ginamit ng militar si Eliseo Sampaga o Ka Fred na isang upahang mamamatay tao, habang si Arnan Banggalisan o Ka Jonas ay ginamit naman ng talunang pulitiko noong eleksyong 2016.
Mabigat na binabalaan ng Jose Rapsing Command-BHB ang mga personaheng ito na tuluyang tumalikod sa kilusan at ngayon ay naghahasik ng takot sa mamamayan na itigil na ang kanilang pakikipagtulungan sa berdugong militar at naghaharing uri na mapahina ang kilusan sa probinsya. Kung sa akala nila ay mapapahina nila ang kilusan sa probinsya ay nagkakamali sila.
Pagsusumikapan pang lalo ng mga kasama na magpakatatag sa pagkapit sa prinsipyo at paninindigan para ipaglaban ang mga inaapi at patuloy na hawanin ang landas ng pagrerebolusyon at magtatag ng mga pampulitikang kapangyarihan sa lahat ng panig ng Masbate sa lahat ng pagkakataon.
Kahit ano pang gawin ng mga elemento ng 2nd IB,PA, kapulisan at paramilitar ay hindi nila mapipigilan ang takbo ng kasaysayan na habang tumitindi ang kanilang paghahasik ng karahasan ay tumitindi rin ang galit ng mamamayan. Dito nila lalong nakikita na ang AFP at PNP ay hindi tunay na nagsisilbi sa mamamayan; bagkus ito nagsisislbi sa iilang naghaharing uri. Walang maaasahang proteksyon sa kamay ng mga bayaran at berdugong AFP at PNP ang mamamayan; kundi sa sama-samang pagkilos at pagpapalakas ng kanilang hanay makakamit ang tunay na katarungan at hustisya.
Makatitiyak ang mamamayang Masbatenyo na tapat na maglilingkod at buong-puso silang paglilingkuran at ipagtatanggol ng Bagong Hukbong Bayan. Handang lagpasan at pangibabawan ng BHB ang mga sakripisyo’t kahirapang darating upang isulong ang makatwirang digma at ipanalo ito. Sa panahong tumitindi ang atake ng militar, pulis at paramilitar sa mamamayan ay makatarungan lamang na humawak ng armas upang magtanggol at durugin ang bulok na estado na yumuyurak at pumipinsala sa taumbayan.
Ang mga sundalo, pulis at personaheng mapapatunayan na nagkasala sa kilusan at masa ay may kaukulang parusang ipapataw, at makakaasa ang mamamayan na kasama nila ang BHB at PKP sa pagkamit ng lipunang walang nang-aapi at inaapi.
Nananawagan ang JRC-BHB Masbate na buong tapang na ilantad ng mga Masbatenyo ang mga paglabag ng mga mersenaryo at berdugong AFP at PNP sa karapatang pantao. Sa hanay naman ng mga kagawad ng midya, nananawagan din ang JRC-BHB Masbate na buong-tapat na maghatid ng balita sa mamamayan. Ilantad sa radyo, dyaryo at maging social media ang mga ginagawang paglabag ng mga sundalo at pulis sa probinsya.
Walang ibang babalingan ang taumbayan kundi ang pagtangan ng armas. Ibayong tumitingkad ang kawastuhan ng armadong pakikibaka bilang pangunahing paraan upang durugin ang kasalukuyang estadong yumuyurak sa karapatang pantao at gumigipit sa sinumang lalaban, sa tabing ng huwad na kapayapaan
Hustisya sa lahat ng mga biktima ng 2nd IB, 9th ID, PA!
Pagbayarin ang Mersenaryo at Berdugong 2nd IB,PA!
Pagbayarin ang Mersenaryo at Berdugong 2nd IB,PA!
CPP/NPA/NDF Website
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------