From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://cpp.ph/statement/kasinungalingan-ng-afp-inilantad-ng-mapagmatyag-at-mapanuring-mga-bikolano/
Kasinungalingan ng AFP, inilantad ng mapagmatyag at mapanuring mga Bikolano
Nagkakamot sa ulo ngayon ang pambansang kumand ng AFP
para isalba ang kanilang imahe matapos kahiya-hiyang malantad sa social
media ang kapalpakan ng 2nd IB ng Masbate sa pagpaparada ng niretokeng
larawan ng mga pekeng surrenderee. Binaha ito ng pagbatikos ng sa iba’t
ibang daluyan.
Nakabatay sa kasinungalingan ang naratibong nais ipinta ng buong
sibilyang junta. Nauutal ngayon ang mga tagapasalita’t upisyal sa iba’t
ibang antas ng kumand ng AFP sa paglalabas ng iba’t ibang dahilan para
iligtas ang kanilang imahe. Sa huli, ibinagsak ni Defense Secretary
Delfin Lorenzana ang sisi sa kainutilan ng kumand ng 2nd IB.
Desperado ang mga batalyon na kamtin ang kota na itinakda ng
pambansang kumand ng AFP sa mga pekeng surrenderee bago magtapos ang
taon. Hindi lang sa Masbate at sa buong rehiyon ng Bikol laganap ang
pagmamanupaktura ng mga estadistikang nagpapalobo sa pagpapatupad ng
Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP). Isa itong
pambansang kampanya sa ilalim ng National Peace Framework ng EO 70.
Isang pambansang kahihiyan!
Isinuko na ni Duterte ang manibela sa pamumuno ng bansa sa mga
lasing sa kapangyarihan na paksyong militar. Walang kapasidad ang
pangkating militar na pagkunutan ng noo ang pagsasalba ng sambayanang
Pilipino mula sa krisis sa pulitika at ekonomya. Sinabaw na ng dekadang
pasismo at terorismo ng estado, paninibasib para sa sariling interes at
pangangayupapa sa dayuhan ang kanilang lohika.
Pinupuri ng RJC-BHB-Bikol ang kapasyahan ng mamamayang Bikolano at
buong sambayanang Pilipino sa kanilang mapanuring tindig sa mga pekeng
balita. Ang kanilang karanasan ang mismong patunay ng tunay na naratibo
ng bayang pinapasakitan ng pangingibabaw ng estratehiyang militar sa
pamamahala ng isang gubyerno.
Talingkas sa pagkaoripon!
Lumaban at lumaya!
CPP/NPA/NDF Website
Article links:
https://cpp.ph/statement/kasinungalingan-ng-afp-inilantad-ng-mapagmatyag-at-mapanuring-mga-bikolano/
https://cpp.ph/statement/kasinungalingan-ng-afp-inilantad-ng-mapagmatyag-at-mapanuring-mga-bikolano/
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------