Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, October 16, 2020

Singilin ang pasistang rehimen sa pandarahas kay Baby River at kanyang ina

 




From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links:  https://cpp.ph/statements/singilin-ang-pasistang-rehimen-sa-pandarahas-kay-baby-river-at-kanyang-ina/

 


Lima ka inosenteng sibilyan, gidakop sa PNP ug 36th IB, giplanteran og mga himang eksplosibo

links:  https://cpp.ph/statements/lima-ka-inosenteng-sibilyan-gidakop-sa-pnp-ug-36th-ib-giplanteran-og-mga-himang-eksplosibo/


-----------------------------------------


Singilin ang pasistang rehimen sa pandarahas kay Baby River at kanyang ina

Kinokondena ng Kabataang Makabayan sa pinakamariin, mataas, at malakas na pamamaraan ang pambabastos at pandarahas ng pasistang kapulisan sa lamay at libing ni Baby River — isang tatlong buwang sanggol na walang habas na pinatay ng terorismo ng rehimeng Duterte!

Nagpupuyos sa galit ang nagkakaisang masang Pilipino sa paniningil ng hustisya sa lantarang pambabalahura ng mga berdugo sa bangkay ng anak ni Reina Mae Nasino. Si Reina Mae ay iligal na inaresto at ikinulong batay sa mga gawa-gawang kaso — isang bilanggong pulitikal na simula’t sapul ay hindi dapat napunta sa likod ng rehas! Sa kabila nito, hindi pinalaya at sapilitan pa ring ibinalik sa presuhan kahit matapos ang pagpanganak niya kay Baby River na hindi maganda ang kalusugan. Sa hindi pagpapalabas ng rehimeng Duterte kay Reina Mae kahit sa mga huling sandaling nabubuhay ang iyang anak, walang pagdududang nasa kamay ng diktador na si Duterte, mga alipores niya, at bawat berdugo at pasistang sunod-sunuran sa kanyang bawat salita ang dugo ng inosenteng sanggol!

 

Matapos nakawin ng pasistang rehimeng ito na ang buhay ni Baby River, ninakaw nito pati ang lamay, bangkay, at libing niya. Ninakaw ng mga berdugong kapulisan, sa kumpas ng rehimeng Duterte, ang karapatan ni Reina Mae na makapagluksa!

Nang pansamantalang makadalo si Reina Mae sa lamay ng kanyang anak noong Oktubre 14, tinrato siya ng kapulisan na tila isang mamamatay-tao, magnanakaw, mandarambong — lahat ng mga katangian ng bawat kurakot at kriminal na burukratang tinatamasa pa rin ang kanilang kalayaan ilalim sa proteksyon ng estado at militar. Hindi siya pinayagang humarap sa midya taliwas sa karapatan niya na ipahayag ang kanyang mga saloobin. Hindi tinanggal ang kanyang posas kahit sa panahon ng kanyang pagkain. At ilang ulit na tinangka ng mga pulis na bitbitin si Reina Mae kahit wala pa ang nakatakdang oras ng pag-alis nito.

Higit pang kasuklam-suklam ang mga pangyayari sa libing ni Baby River kung saan walang konsensyang hinablot ng kapulisan ang bangkay nito at humarurot papuntang sementeryo habang naiwan ang pamilya. Sa mismong programa ng libing, pinaligiran ng napakaraming pulis si Reina Mae habang nagluluksa sa harapan ng kabaong ng kanyang anak. Kahit bumula pa ang bibig ng mga berdugong ito, walang pagsisinungaling nila ang makabubura sa katotohanang nilapastangan nila ang isang pumanaw na tatlong buwang sanggol —sa dahilan lamang na militanteng binabatikos ng ina nito ang pinagsisilbihan nilang diktador at estado.

Ito ang itsura ng isang pasistang rehimen na takot na takot sa lakas ng masa. Pumapaslang kahit ng mga sanggol tulad ni Baby River. Tinuturing na banta ang isang nagluluksang ina. Tinatawag na terorismo ang pagbatikos at pakikiramay. Sa desperasyong maibalandra ang katiting na natitira sa lakas nito, dinadahas kahit ang sanggol at nagdadalamhating ina na walang ibang panlaban kung hindi ang mga salita nito ng paninindigan at pakikibaka.

Ang rehimen na ito ay hinding hindi patatahimikin ng mga iyak ng pumanaw na sanggol kasabay ng dumadagundong na sigaw ng taumbayang naniningil! Hustisya para kay Baby River! Palayain lahat ng bilanggong pulitikal!



CPP/NPA/NDF Website


OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES




PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------