From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-krimen-sa-digma-ang-pagpatay-ng-israel-sa-mga-batang-palestinian-ndfp/
ahigpit na kinundena ni Kasamang Coni Ledesma, pinuno ng espesyal na tanggapan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para sa proteksyon ng mga bata, ang pagpatay sa mahigit nang 2,000 batang Palestinian sa kampanyang henosidyo ng Zionistang rehimeng Israel sa Gaza.
“Ang mga ito ay mga krimen sa digma at dapat lamang kundenahin ng internasyunal na komunidad,” ayon kay Ledesma sa kanyang pahayag ngayong araw.
Ayon sa mga ulat, isang batang Palestinian ang pinapatay ng mga bomba ng Israel kada 15 minuto simula noong Oktubre 7. Hanggang kahapon, Oktubre 23, hinddi bababa sa 2,055 nang mga bata ang kabilang sa 5,087 pinatay ng Israel mula Oktubre 7. Ibig sabihin, 100 bata kada araw ang marahas na pinapatay ngayon sa Palestine. Kasama ang mga bata sa milyun-milyon pang pinahihirapan sa walang awat na pambobomba at pagputol ng Israel ng suplay sa tubig, kuryente at panggatong sa Gaza. Kabilang sa nasa panganib ang buhay ng di bababa sa 120 bagong silang na sanggol na nasa neotanal intensive care unit sa isang malaking ospital sa Gaza.
Kinundena rin ni Ledesma ang US sa patuloy na pag-armas at pagsuporta nito sa Zionistang estado ng Israel na aniya’y “susing tagapagtaguyod ng proxy war (ng US) sa rehiyon sa layuning konsolidahin ang mga rekurso sa langis sa Middle East.”
Habang dapat papanagutin ang Zionistang rehimeng Netanyahu sa mga krimen sa digmang ito, dapat ring papanagutin ang US sa panunulsol nito ng sigalot at gera sa rehiyon (Middle East), ani Ledesma.
Kinundena rin ng kanyang upisina ang designasyon ni Ferdinand Marcos Jr sa Hamas bilang “terorista” na tinawag nitong “desperadong pangangayupapa” sa kanyang imperyalistang amo.
“Walang moral ascendancy si Marcos Jr na tawaging terorista ang armadong paglaban ng mga Palestinian lalupa at may madugo itong rekord ng terorismo ng estado laban sa mamamayang Pilipino,” aniya. “Katulad ng pambansa-demokratikong rebolusyon na kasalukuyang isinusulong ng Bagong Hukbong Bayan sa kanayunan ng Pilipinas, hinding-hindi maaaring ituring na akto ng terorismo ang pakikibakang Palestinian para sa kalayaan at pagpapasya-sa-sarili.”
Naninindigan ang NDFP para sa mamamayang Palestinian at kinikilala nito ang karapatan nilang humawak ng armas at magsulong ng armadong pakikibaka sa konteksto ng mahabang kasaysayan ng pasistang okupasyong militar, at laluna sa harap ng opensibong henosidyo ng mga pwersang Israeli na suporta ng US.
“Nananawagan kami sa international na komunidad na kundenahin ang malawakang pagpatay ng Israel sa mga bata at igiit ang proteksyon ng mga karapatan ng bata alinsunod sa mga alintuntunin sa digma at internasyunal na makataong batas,” aniya.
CPP/NPA/NDF Website
Article links:
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
--------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------