Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, January 26, 2024

Ikinulong na mamamahayag na sinampahan ng kaso kaugnay sa “terorismo,” muling iginiit na palayain


 

From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://philippinerevolution.nu/angbayan/ikinulong-na-mamamahayag-na-sinampahan-ng-kaso-kaugnay-sa-terorismo-muling-iginiit-na-palayain/

 

 
Ikinulong na mamamahayag na sinampahan ng kaso kaugnay sa “terorismo,” muling iginiit na palayain


Muling ipinanawagan ng mga grupo ng mamamahayag at mga tagapagtanggol ng karapatang-tao na palayain ang pinakabatang mamamahayag na nakakulong sa buong mundo, si Frenchie Mae Cumpio, noong Enero 23. Nagprotesta sila, sa pangunguna ng Altermidya Network, sa Department of Justice sa Maynila. Itinaon ang protesta sa ika-25 kaarawan ni Cumpio at sa pagbisita ng Special Rapporteur ng United Nations para sa kalayaan sa opiniyon at pagpapahayag na si Irene Khan sa Pilipinas.

Si Cumpio ay mamamahayag ng Eastern Vista, alternatibong midya sa rehiyon ng Eastern Visayas. Inaresto siya kasama sina Marielle “Maye” Domequil ng Rural Missionaries of the Philippines, Alexander Philip Abinguna, Mira Legion at Marissa Cabaljao sa isang iligal na reyd ng mga pulis noong Pebrero 7, 2020 sa isang upisina sa Tacloban City. Sinampahan sila ng mga kasong illegal possession of firearms.

Noong Hulyo 2021, sinampahan ng estado ng dagdag na kasong “financing terrorism” sina Cumpio at Domequil. Pinalalabas ng estado na ang pondong nasamsam mula sa kanila ay para umano sa mga operasyon ng Bagong Hukbong Bayan na pilit nitong binabansagan bilang “teroristang organisasyon.”

Nagpatunog ng maliliit na kampana ang mga nagprotesta na ginamit nilang simbolo kaugnay ng programa ni Cumpio sa radyo na ‘Lingganay Han Kamatuoran’ o ‘Bells of Truth.’ Umaasa ang mga nagprotesta na maririnig ni UNSR Irene Khan ang kanilang mga panawagan at iimbestigahan ang mga pag-atake ng mga pwersa ng estado laban sa mga mamamahayag pangkomunidad at alternatibong midya.

Dapat umanong may mapanagot sa patung-patong nang mga kaso ng panggigipit, red-tagging, at paggamit sa mga batas gaya ng Anti-Terror Law at cyberlibel laban sa mga mamamahayag. Anila, nilalabag nito ang batayang karapatan ninuman sa malayang pagpapahayag.

 

 



CPP/NPA/NDF Website




PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

--------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------