From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links:https://philippinerevolution.nu/angbayan/kabuhayan-ng-maliliit-na-minero-sa-benguet-inaagaw-ng-malaking-kumpanya-sa-mina/
Kabuhayan ng maliliit na minero sa Benguet, inaagaw ng malaking kumpanya sa mina
Nagbarikada ang mga minero ng Dontog-Manganese Pocket Miners Association (DOMAPMA) laban sa malaking kumpanya sa mina na Benguet Corporation, Inc. (BCI) sa Sitio Dalicno, Barangay Ampucao, Itogon, Benguet noong Mayo 13. Ang barikada ay bahagi ng kanilang pakikibaka para ipagtanggol ang kanilang karapatan sa lupa at kabuhayan laban sa sapilitang pang-aagaw ng BCI sa mga pocket mine ng DOMAPMA at hindi makatuwirang pagtataas ng upa sa mga kagamitang pangmina.
Nasa 500 hanggang 1,000 manggagawa ang mawawalan ng kabuhayan sa iligal na pagpapatigil ng kanilang kabuhayan. Apektado rin ang paghahanapbuhay ng mga katutubo sa komunidad at mga kalapit na barangay, at maging sa ibang prubinsya sa Cordillera at Cagayan Valley na dito nagtatrabaho.
Bago pa man ipatigil ang operasyon ng small-scale mining, sinubukan na ng BCI na ilusot ang kanilang Application for Production Sharing Agreement 105 (APSA 105) na sumasaklaw sa erya ng operasyon ng DOMAPMA kasama ang ilang bahagi ng mga barangay ng Ampucao at Virac. Kasabwat ng kumpanya ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) para iratsada at dayain ang mga dokumento at tuluyang makapag-operasyon. Humingi ang kumpanya ng Special Mining Permit para ikutan ang proseso ng pagkuha ng Free, Prior, and Informed Consent mula sa mga katutubo sa lugar.
“Mayroong rason para paniwalaan na ang pagpapahinto sa mga operasyon ng DOMAPMA sa pagmimina ay kaugnay ng interes ng BCI na angkinin ito,” pahayag ng Itogon Interbarangay Alliance (IIB-A). Anang grupo, gagamitin itong paraan para malayang makapasok ang BCI sa naturang komunidad sa kapinsalaan ng kabuhayan ng mga minero at residente.
Anang grupo, hindi lamang kabuhayan nila ang yuyurakan ng pagpasok ng BCI kundi tatapakan din nito ang kultura at tradisyon ng mga mamamayan ng Cordillera sa maliitang pagmimina at pagbubuo ng mga minahang bayan na ginagawa na ng mga katutubo bago pa man ang panahon ng kolonisasyon.
Noong Abril, nagsagawa na ng rin ng barikada laban sa mapang-abuso at mapandambong na BCI ang ibang residente ng Barangay Ampucao. Giit nilang gawing mas mura ang halaga ng mga kagamitang pangmina na ipinauupa sa kanila.
CPP/NPA/NDF Website
Article links
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
------------------------------------------------------------
-----------------------------