

From the Website of PRWC CPP-NPA-NDFArticle links: https://cpp.ph/statement/alok-na-tigil-putukan-ni-duterte-sa-harap-ng-krisis-ng-covid-19/
Alok na Tigil-Putukan ni Duterte sa Harap ng Krisis ng Covid-19
Sa harap ng krisis na iniluwal ng pandemic ng Covid-19 sa
bansa, isa lamang ang maaaring gawin ng rehimeng Duterte upang bumaba
ang antas ng mga sagupaan sa pagitan ng NPA at mersenaryong AFP at PNP.
Kailangan lamang atasan ng rehimen ang AFP at PNP na iatras ang mga
pwersa nito na nagsasagawa ng focus military operations sa mga larangang
gerilya upang ituon ang pansin sa pagharap sa epidemya ng Covid-19.
















