Friday, May 8, 2015

Reyd Isinagawa ng yunit ng Jose Rapsing Kumand ng New People's Army Laban sa Tropa ng 9th Infantry Batalyon sa Masbate!


From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF / NDFP BICOL
links:
http://ndfpbicol.blogspot.ro/2015/05/reyd-isinagawa-ng-yunit-ng-jose-rapsing_4.html

Reyd Isinagawa ng yunit ng Jose Rapsing Kumand ng New People's Army Laban sa Tropa ng 9th Infantry Batalyon sa Masbate!

Nireyd ng isang yunit ng Jose Rapsing Command -New People's Army (JRC-NPA) ang temporaryong kampuhan ng 9th Infantry Batallion na nagsasagawa ng Project Development Team (PDT) sa baranggay Cantorna, Monreal, Masbate noong Mayo 2, 2015 alas 10:00 ng umaga. Nasamsam ang yunit ng JRC-NPA ang 4 pirasong backpack, 2 piraso ng US-back pack, 2 piraso ng regular na back pack, isang box bala ng M16 na may 2,500 rounds at 2 kadena ng M60, 2 piraso ng amaputs ng M16 na may 13 pcs magasin na may lud na bala, medicine bag na may mga lamang mga gamot at dental set. Matamang minomonitor ng mga yunit ng JRC-NPA ang temporaryong base ng 9th IB na abala sa pagtaya para manalo sa tinaguriang Higanteng Boksing ng Mundo kaya nang magkaroon ng pagkakataon ang mga kasamang pinasok ang nasabing kampo nang anumang balang ginamit.

Nagsimula ang PDT noong Marso 20, 2015 hanggang ngayong buwan ng Mayo 2015 sa mga baranggay ng Rizal, Cantorna, McArthur, Toguran, Maglambong ng Monreal, Masbate. Sinaklaw din ang mga baranggay ng Jagnaan, Danao, Mabini, Bartolabac at Pena, Batang, San Isidro, Bagacay ng San Jacinto, Masbate. Isinabay din ang isang baranggay ng Talisay sa San Fernando, Masbate. Ang mga pinagmamalaking PDT na bitbit ang mapanlinlang na programang tabing sa isinasagawang matinding operasyong militar na labag na omuokupa ng mga baranggay hall, eskwelahan at health center ng mga baranggay. Nagpapatawag ng mga pulong-pulong, pananakot at iba pang tipo ng operasyong saywar sa mga mamamayan. Kontrolado ang lahat ng kilos ng mga tao na lumalabag sa karapatan sa pribadong aktibidad at kalayaan maglakad na ligtas sa kanilang patutunguhan. Bago nagkaroon ng PDT sa lugar nagsagawa ng mga reyd at pamamarusa sa Panginoong Maylupang nagmamantine ng mga goons at armas na ginagamit sa krimen laban sa mamamayan at kalikasan ng isla. Sinagot ito ng 9th IBPA ng paghahasik ng terorismo sa mamamayan hanggang nagkaroon ng mis-encounter sa pagitan ng PNP at Philippine Army dahil sa nausyaming planong kubkob laban sa mga kasama.
ITIGIL ANG PAGLABAG SA PROTOCOL SA DIGMAAN!
BIGUIN ANG MAPALINLANG NA PEACE AND DEVELOPMENT NG 9th INFANTRY BRIGADE SA MASBATE!
LT COL. ERICSON ROSANA, BERDUGO NG 9th INFANTRY DIVISION!
MAPAGPASYANG IPAGTAGUMPAY ANG DIGMANG BAYAN!
Maria Roja Banua

Tagapagsalita


National Democratic Front-Bicol






OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES


http://www.philippineinsurgency.co.nr/


PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------