Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, November 18, 2011

Human Rights Promotions and Constructive Criticism and Analytical Comments






Human Rights Promotions and Constructive Criticism and Analytical Comments 

Peace Talks Issues

Root of Internal Conflicts
Discovering the Answer of The puzzles of Internal Conflicts

What are the Different parties in the Armed Conflict negotiable unity to End the War or Internal Armed conflicts or Good Agreement in the Peace Talks?

Every Parties has different Belief in Political and Economic Governance Implementations to rule over the Philippines and for the People.  The CPP-NPA-NDF are Fighting for Rights to Self Determinations changing the Governance Political System for National Democracy and Socialism and Communism of the Philippine Liberations and the MILF are Fighting also for their Rights of Self Determinations for the Bangsamoro or Muslim Liberations, the two parties insurgence are different in Political Perspective Struggles in fighting their Right to Self Determinations.  Our Present Government Political Party Governing and other Democratic parties are protecting the Governance for their Poltical belief.  Our Present Government Party running the Government are Liberal Party, our governance are attached and under with the United States and WB and IMF which our economy is always in Poverty and we are in third world country…..

How this different political parties and belief in Political will unite in one……Lets us tackle the National Democracy of CPP-NPA-NDF and the Present Governance

National Democracy ( Pambansang Demokrasya ) – Ito ay isang Linyang pampulitika kung saan ang adhikain nito ay kasarinlan at pagkakaroon ng sariling kapasyahan at pagpapalaya sa isang bansa mula sa kontrol ng dayuhan o ibang bansa sa pamamagitan ng Pulitika, Militar, Ekonomiya, Cultura at Edukasyon. Gayundin ang pakikipagugnayan sa ibat ibang bansa o pakikipag kasunduan sa usaping militar at pangekonomiya upang tayo ay pasakop sa mga tuntunin na kanilang inaatas sa atin, at gayundin sa mga institusyon ng mga sinasabing nagpapautang para sa pagunlad o World bank at IMF ang mga ito ay mga instrumento ng Imperyalismong US upang kontrolin ang ekonomiya ng isang bansa at diktahan ang kanilang pamamalakad at mga economic trade. Narito ang mga Programa ng Pambansang Demokrasya sa pagpapaunlad ng Bansa at pagahon sa kahirapan at pagkakaroon ng magandang Gobyerno at Hustisya, Pulitika, Ekonomiya at kultura at Panlipunan.

Sa ganitong sitwasyon ng isang bansa kung saan ay nasa ilalaim ng nabanggit na klase ng kalagayan na ipinapailalim ng mga Pulitikong namumuno ng bansang ito sa mga imperyalista ay patuloy na kontrol at sakal tayo ng bansa at mga institusyong ito at tayo ay sunud sunuran sa kanilang mga dikta sa mga naitulong at mga kasunduan na ating nilagdaan sa kanila. Ang ating bansa kung saan may mga nagaadhikain ng Pambansang Demokrasya upang makalaya sa sitwasyong pagpapailalaim sa poder ng dayuhan na patuloy na nagpapahirap sa ating bansa at maliiit na mamamayan na tinatawag nating poverty issues at nireresolba sa kasalukuyan ng Pantawid Kapamilya Program na parang feeding program ito upang makatawid ang nagugutom na milyong milyong Pilipino, isinasapraktika dito ang ating Right to Food and other Rights sa Pantawid Kapamilya Program, subalit hindi ito ang model applications nito kundi ang mabigyan ng sapat na pagkakakitaan at kabuhayan ang Lipunang Pinoy upang hindi magutom datapwat nauwi sa ganitong pangangailangan ang mga pinoy na kailangang ibigay ang Right to Food ng isusubo na lang sa kawalan ng hanapbuhay at patunay na hindi kaya ng bansa na bigyan ng kabuhayan ang milyon milyong Pinoy na ito kundi ang pakainin na lamang sa palad ng Gobyerno na isang masaklap na sitwasyon sa ilalim ng mga institusyong IMF-WB at US treaty at pamumuno ng liberal at mga namumunong may mga Pansariling interes at pagpapayaman lamang ang inaatupag at ang focus ng country development ay para sa kanilang mga negosyo at pamumuhay at hindi sa pagunlad ng buong bansa kagaya ng mga commercial spots dito sa atin na well develop at ibat-ibang tourist spots pero sa kabilang banda ay may payatas at mga barong barong o squatter sa mga pusalian sa ibat ibang parte ng bansa at walang malinaw na reporma sa lupa at mga pabahay at kabuhayan ang gobyerno hinggil dito, and national and local na programa dito ay hndi magkaisa kaya hindi tayo nagkakaroon ng develop geographical residence na kung saan pag napadako ka sa Lungsod ng maynila o isang probinsya ay makakasiguro kang may maayos na tahanan kang maiinuman o mapapagtatanungan.  Tayo ay may Karapatang Pantao kung saan ang karapatang Right to Self Determination na tinatawag ay ating ipinaglalaban upang sa gayon ay magkaraoon tayo ng kasarinlan at sariling katatayuan upang patakbuhin natin ang ating bansa mula sa ating sariling kakayanan at pagpapasya.    

Ang Lipunang Pilipino sa kasalukuyang Demokrasya na pinapatakbo ng Liberal Democracy at ibat ibang Pulitika sa nakaraan ay pawang hindi umuusad at nagkakaroon ng pagunlad mula sa panahon ni Marcos at ng kagalang galang na Senator Recto na kumalaban sa imperyalismo at  hanggang kay Aquino sa mga kasalukuyan.  Ang ating bansa ay hindi umuunlad sa pakikipag ugnayan sa United States at pagutang sa tinatawag na World Bank at IMF mula’t mula sa simula nuong umutang tayo dito upang magpaunlad ay wala tayong napala at hindi pagunlad ang ating nakuha kundi paglubog at pagiging aso ng mga institusyon na ito kundi upang suportahan lamang ang ganid na mga korup sa Pilinas na namumuno na kung saan ay sa kanila napupunta ang mga inuutang dito at hindi sa mga proyekto at kahit 100% sa proyekto ito mapunta ay malaki ang kapalit nito na hinihingi ng mga institusyong inutangan na instrumento ng US upang sakalin ang mundo sa kakulangan sa pera at masakop ng imperyalismo..

Hindi mabago bago ang istilo nga ating ekonomiya ang umuutang sa WB-IMF at humiingi ng tulong sa US of mangutang din sa kanila upang umunlad ngunit may pagunlad ba tayong natamo sa kanila.  Puro paghihirap lamang at paglabag sa mga karapatan at injustice ang ating nakukuha sa mga ito.  Ang Pilipinas ay palaging nasa karsonsilyo ng Bansang US at institusyong pautangang ito na nagdudulot lamang ng kahirapan sating bansa hindi tayo umunlad at nagkakaroon ng magandang buhay. Ang mga Partidong Pulitika namumuno ngayon at supporter nito ang siyang nakikinabang lamang dito, gaya ng Liberal at Nacionalista Party.

Dapat ang lipunang Pilino ay malaman na hindi tayo uunlad sa ganitong klase ng istilo ng ekonomiya upang umunlad.  Baon na sa utang ang Pilipinas at sunud sunuran din sa US ang bansang ito hawak nila tayo sa leeg at sila ang nagdidikta ng ating pagunlad at ang mga consultations nila sa ating economy at politics ay pawang paglubog lamang ng bansa. Ang ating mga pikikipaugnayan O mga Economic treaty sa US ay pawang hindi nakakapagpaunlad sa atin.  Ang mga naglalakihang korporasyon sa Pilipinas ay pagaari ng mga kano o mga Multinational Company of United States hindi upang ipamahagi ang kanilang produkto at galing kundi upang monopolyohin ang pilinas at kontrolin ang mga kalakaalan at produksyon na malakihan sa Pilipinas at sakupin ng kanilang imperyalismo.

Ang istilo ng ating produksyon sa mga agreement o treaty ay hindi mapapapagpaunlad sa ating Bansa at ang ating mode of produksyon na tinatawag ay hindi nagpapaunlad ating Bansa kung saan ay mga dayuhan ang nakikinabang una na dito ang US, ang mga raw material na produksyon sa ating bansa na ine-export natin ay hindi nakakapagpaunlad sa atin kundi tinutuyot nito ang ating likas na yaman at pinapakinabangan ng ibang bansa maging sa paglinang pa lamang nito ay dayuhan na din ang namumuhunan at kumikita dtio at tayo din ay umiimport ng mga yaring materials upang buuin dito sa ating bansa ang isang produkto na pagaaari ng isang malaking multinationals ang Manufacturing at Assembling Corporations na ito at ibinebenta sa ibat ibang bansa maging sa ating bansa ang ating bansa o local and for export manufactures at ang Pilipino ay walang sarili at kakayanan na magmanufacture mula sa pagyayari o produksyon ng raw materials hanggang sa isang finished products ng mga naglalakihang produkto gaya ng electronics at mga vehicles at etc kundi upang itrade dito sa ating bansa at maging pangexport man, sardinas at ibang mga produkto lamang ang finished products na kaya ng pilipinas ang packging nito o latang pinaglalagyan ay inangkat pa sa ibang bansa at hindi gawang Pinoy ang masaklap nito ay pagaaari pa ng dayuhan ang mga negosyong ito kundi naman ay mga mapaniil na uri na mga Pilipino at mga Chinese-Pinoy. Tayo ay pawang trabahador lamang o labor force at ang kakayahan lang ay bumuo sa isang manufacturing, ang mga makinaryang ginagamit sa produksyon ay mga angkat at pagaari ng dayuhan at kung ang produksiyon nito ay hindi sasapat na kita para sa puhunan sa equipment ay kumokontrata ng paggawa sa ibang bansa ang mga korporasyong ito upang ayuda sa kanilang produksiyon kagaya ng lata ng sardines sa pagmamanufacture ng sardines o ang spare parts ng isang sasakyan, electronics etc., para mabuo ito ay galing sa ibat ibang manufacturing din maging dito sa local o abroad.

Ang Pilipinas ay puro simula na walang puhunan at palaging mangmang at hindi na tayo umabot sa estado na marunong na tayong gumawa ng makinaryang gagawa ng lata ng sardines o anupamang kailangan sa isang produksyon hindi basta bumuo ng isang produkto ang produkto na ating ginagawa ay pangoutput lang o consumers goods hindi yung nakakaproduce. Wala tayong mga parang machine shop industries na gumagawa ng makinarya, halimbawa yung makinaryang gumagawa ng lata ng sardines hindi natin kayang gawin yun aangkat pa tayo ng makinaryang yun, mina ng bakal madami tayo pero ineexport natin bilang raw materials at ibang bansa ang gumagawa nito upang gawing lata o turnilyo o steel sheet at ibabalik dito sa pilipinas at yung inangkat na makinaryang panggawa ng lata ang magmamanufacture naman ng lata para sa pagmamanufacture naman ng sardinas. Samantalang mula sa pagmimina tungo sa manufacturing ng may makinarya ng latang yari dito sa atin ang dapat na proseso at hindi na iexport pa at dapat pagaari ng Pilipino lahat ito at mas mabuti kung buong pilipino sa gayon Pilipino ang makikinabang sa lahat ng produsiyon sa output consuming of goods at profit. Ang usaping panlabas hinggil dito kung makakatulong sa ibang bansa at mundo ay ating ipapamahagi ang ating manufactures dito hindi surplus o upang monopolyohin ang mundo sa lata ng sardines o anupamang produktong yari sa Pilipinas. Ang iba pang nagyayari ay ineexport natin ang yaing pinoy na ed kalidad at umeexport tayo ng surplus at hindi de kalidad na produkto maging sa produksyon ng sakahan o Agraryo.  

Kung makukumpleto natin ang produksyon ng bawat mga kailangan sa isang finished products ay madaling uunlad ang ating bansa at may sarili tayong makinarya dito at pagaari natin ang mga negosyong ito at magkakaroon tayo ng full employments sa istilong at sitwasyong ito, ang EPZA ay patunay ng Sure Investments of Business ng ibang bansa at paggiging assembling country ng Pilipinas ng mga produkto ng ibat-ibang bansa na ikinakalakal nila sa ibat ibang bansa nagbibigay ito ng trabaho at taxes collections na ating pakinabang kumabaga subalit malaki ang pinsalang kapalit na waste nitong mga assembling na manufacturing na ito at ginagawa lang tayong manufacturing site lalo na toxic pa waste nito at ang kikitain dito ay sa dayuhan napupunta at hindi ganun ka strict ang pamamalakad dito pero kung titingnan mo ay parang Park ang assembling zone na ito na sobra kaganda din at lawak ngunit ito’y panlabas na kaanyuan lamang at hindi lamang yan ang malalaking cars manufacturing na nakabase sa Pilipinas na pagaari ng ibang bansa at pagkayari ay ibinebenta din sa ibang bansa at maging dito sa atin, for export and local manufactures at pawang dayuhan ang nakikinabang ng tubo o kita dito na dinadala nila sa kanilang bansa at hindi pinapakinabangan ng ating Bansa, Samantalang napakaganda nitong mga industrial site na ito at hindi kung saan-saan lang naglipana ang mga industrial plants sa Pilinas na kagaya sa Maynila na kulay itim na ang ilog Pasig sa mga waste ng industrial site at plants na kung saan-saan naglipana duon at kung ang industrial site o business na ito ay pagaari ng Pilinas o mga Pilino at ke for export at local manufactures pa ito at ating aalagaan ang ating kapaligiran sa anumang pinsala nito ay uunlad tayo dito. 

Ang mga Burges o mayayaman sa ating bansa na nagmamayari ng mga malalaking multinationals dito sa atin ay pawang mga aso rin ng mga kano at mga tautauhan ang hindi naman ay siya ding nagpapahirap sa atin at nagmamayari ng naglalakihang lupain at ang mga simpleng magsasaka ay ni walang sariling lupain upang pagyamanin at ang gobyerno ay walang magandang programa hinggil dito sa Reporma sa Lupa at usapin ng pagundlad sa Agraryo at walang mabuting usapin din sa sasahurin at benepisyo ng Labor Force, halos Contractual pa ang inihaharap ng mga kumpanya sa hiring upang hindi sila kumonsumo ng malaki sa benepisyo at malaking pasahod, ang minimum na pasweldo ay hindi pa kayang bumuhay ng isang pamilya o magkararon man lang ng matiwasay at maunlad na buhay o ni wala pa ito sa standard living ng isang tao o pamilya na maasaahan ang sinasahod sa maunlan na lipunan nito na kanyang ginagalawan na kung saan ay kumpleto ang suportang gobyerno sa lahat ng mga pulic service at kayang bilihin at konsumuhin ng isang manggagawa ang minimum niyang sweldo ng maunlad...…..     

Ang Pilipinas halos marami pa sa ating mga Pilipino ang hindi pa nakakalam ng Pambansang Demokrasya at pamamalakad sa ekonomiya o istilo ng ating bansa sa ekonomiya at ano ba ang programa at pang-pulitikang stand ng Pambansang Demokrasya upang umunlad ang Pilipinas at makaahon sa kahirapan.  Ang nasabing ating pangksalukuyang ekonomiya na nakasandal tayo sa IMF-WB at US kung saan ay marami sa ating hindi alam ito at ang may alam ay patuloy lamang na tinatatangkilik ang ganitong klase ng ekonomiya gaya ng partido ng mga liberal at mga supporter nito na kung saan ay mga mayayaman lamang at mga nasa partido nila ang nakikinabang dito lalo na ang mga corrupt sa Gobyerno.  Pinipili nila na tayo ay palaging nasa karsonsilyo o ilalim ng US at IMF WB na kung saan ay sila ang nakikinabang dito at ang mga masang Pilipino ay hindi nakikinabang at umuunlad dito gayundin ang kalaban nilang mga mayayaman dito sa atin na iginugupo ng kapangyarihan sa pulitika at tratado upang iilan lang malakihang makinabang sa ating ekonomiya.  Ang Pilipinas ay isang Kapitalistang Bansa at may tatlong klase ng kalakalan mayroon tayo, Korporasyon at Partnership at Single Proprietorship at ang Cooperatives non profitable entity naman ito. Sa tatlong yan umiinog ang kalakaran ng bansa at pamumuhay at Sino ang nagmamayari ng mga korporasyong na iyan at mga negosyong mga yan kung susuriin natin ang Pilipinas sa mga negosyo ay pagaari ng mga dayuhan at mga tuta ng kano sa Pilipinas at mga mayayaman sa Pilipinas ang mga naglalakihang negosyo maging korporasyon o Partnership at mga Single Proprietorship. Paano uunlad ang Pilinas sa tatlong kalakarang iyan na ang mayorya ng pinoy ay lakas paggawa ng mga negosyong mga yan at pawang walang boses sa labor force ruling at benepisyo o mga usapin ng kikitain ng negosyo upang magtamasa din ang gumagawa at hindi lamang kakarampot na sahod o minimum wage na kulang ipampamilya kundi ito’y pang single na tao lang upang makaraos lang sa gutom at hindi pa rin tumungo sa pagunlad ang susweldo ng minimum wage.

Ang galaw ng mga negosyong mga yan ay naayon sa tratado natin sa US at mga treaty natin sa IMF at WB kung saan ay napapaboran palage ang mga negosyong mga yan at ang talunan ay palaging manggagawa at milyong milyong pilipino na hindi maaccomodate ng mga negosyong iyan at ng pamahalaan na nagdudulot ng poverty issues, sa isang salita gutom ang walang trabaho na siyang consumers din ng mga negoyo sa bawat isa. Lahat tayo ay gagawa sa ibat-ibang kakayanan upang mabuhay subalit hindi kaya ng Gobyerno bigyan ang bawat kakayanan ng pamumuhay at maging pagbibigay ng edukasyon sa bawat kakayanan ay bansot sa kakulangan ng edukasyon. Samantalang kukulangin ang manggawang pinoy kung makokompleto natin ang bawat industriya na pangangailangan ng tao lalo na sa maunlad at modernong panahon. May kumpetisyon pa sa industriya na makapagpapadami lalo ng trabaho at magpapamura ng bilihin. Kung puro national industries ito ay uunlad tayo at ang competing foreign country ay limitado at ang local manufactures ay tatangkilikin natin upang umunlad tayo laban sa limitadong foreign competitors. Gayundin kung pauunlarin natin ang agraryo na ating kailangan sa ating pangaraw araw na kakainin at ibat ibang pangangailangan at itaas ang antas ng kabuhayan sa mga agraryo ang kabuhayan. 

Dapat ay magising na tao sa ating kamangmangan na hind tayo magkakaroon ng pagunlad sa mga nasabing istilo ng ating Pamahalan at Ekonomiya.  Ang kailangan natin ay magsarili o putulin natin ang ugnayan sa US and IMF WB at iba pang bansang nagpapahirap satin upang tayo ay hindi nila makontrol at tayo ay umunlad ganun lang kasimple yun na stand ng Pambasang Demokrasya o pulitikang pananaw o Political Perspective ng National Democracy at mga nabanggit.  Ibasura natin ang mga economic treaty sa US at ibat-ibang maling pakikipagugnayan panglabas na hindi nakakapagpaunlad at Baguhin ang moda ng produksyon upang tayo ay umunlad. Lugmok na ang lipunang pinoy sa pakikipagugnayan at tratado sa Bansang US iyan at mga Insitusyong iyan at maling pamamalakad at paggogobyerno at mode ng produksyon sa ating ekonomiya at ang simpleng produksiyon ng ating natural resources ay nililinang at pinakikinabangan ng mga dayuhan at mga sakim na pulitiko at negosyante sa Pilipinas na sanay makakapagpaahon sating bansa sa kahirapan sa mga kikitain dito at ang lakas paggawa nasanay ang produksiyon ay pilipino ang nakikinabang kahit ito ay iexport pa ay dayuhan ang nakikinabang sating lakas paggawa o labor force sapagkat puro kumpanya ng dayuhan ang naglalakihan sa Pilipinas na ating pinagsisilbihan kundi naman ay tuta ng kano at mga switik at mapangapi na negosyanteng pinoy it means ang ipinagtratrabaho natin ay mga dayuhan at mga mapangaping Pilipino at hindi parehas sa kinikita ng negosyo at hindi para sa ating kapakinabanan at pagaari…..  

Ang insurgency ay umusbong sa ating lipunan sa ganitong sitwasyon ng ating bansa.  Ang mga gustong magkaroon ng Pambansang Demokrasya ay pinapatay ng ating pamahalaan at mga alyado nitong mayayaman sa tulong ng US sa mga tulong na ibinigay nila sa ating military.  Humawak ng armas ang mga nagadhikain nito at nagpalalim ng pampulitikang pananaw at nagtatag sila ng Partido ng komunista ng Pilipinas upang kalabanin ang ating gobyerno at palayain ang ating bansa sa pakikipaglaan sa ating kasarinlan na nabanggit at sila ngayon ang kaharap sa ating Peace Process.  Ang sinumang tumututol sa sa mga treaty ng ating pamahalalaan ay pinapatay at bumabatikos sa mga anomalya nito at nagaadhere ng mga pangekonomiyang kung saan ay ang lipunang pinoy ang makikinabang.

Ang Pambansang Demokrasya ay hindi imbento sa pilipinas lamang kundi ito ay mga karanasan din sa ibat ibang bahagi ng ating mundo na kung saan ay kinakailangan ipaglaban ang pambansang demokrasya ng bansa upang makalaya sa kontrol ng isang dayuhan.

Hindi lamang ang pakikipagungnayan sa US ang nagpapahirap sa atin subalit ang mga gawain ng US sa world trade at world market at world organizations ay puro pagpapahirap at sila lamang ang nakikinabang ng mga mauunlad ding mga bansa.

Ang Pilipinas ay hindi naging matalino sa mga pakikipagugnayan sa ating mundo kagaya ng APEC etc., na kinakailangan din ng ating bansa para sa kaunlaran at pamamahagi din ng ating kaunlaran at talino at yaman. Hindi nangangahulugan ng Pambansang Demokrasya o kasarinlan ay hindi na tayo makikiisa sa mundo bagkus ang bawat nagsasariling bansa sa mundo ay may ugnayan din para sa ikakaunlad ng mundo at bawat bansa.   

May isang magandang pamamahagi ng talino at kakayanan ang United States sa mundo na ikinauunlad ng mundo ito ay ang internet at computers at softwares nito napakagandang pamamahagi nito sa kaunlaran ng mundo subalit hindi natin dapat monopolyohin ito at turuan natin ang bawat bansa ng kakayanan upang paunlarin ito at ibalik tulong sa bawat isa. Napakagandang teknolohiya na nagpapausad ng mundo.  Sanay hindi nila ginagamit ito sa mga imperyalismo nilang gawain at magpaunlad na lamang sila ng mundo at modernisasyon ng tao. Sanay maging orientasyon ng mga bansa sa Modernong panahon ay magtulong tulong sa pagunlad gaya ng pagimbento ng computers at internet at hindi ang magkaroon ng sariling pagunlad lamang at pakikinabang sa mundo at sakupin ito sa di tuwirang armed battle gaya ng imperyalismo na sinasakop ang bansa sa pamamagitan ng ekonomiya, pulitika, kultura na nagagawa nilang diktahan ito at maging sunod sunuran sa kanila sa mga galling nila sa ekonomiya at pulitkang pagkontrol gayan ng IMF–WB policy na umiipit sa bawat bansang lubog sa utang dito ang pautangang isntitusyon na ito ay sinasamantala ang bansang matindi ang korupsyon upang palagiang umutang dito sa mga deficit ng bansa at mga proyektong kunwariy pagunlad subalit pansariling bulsa lamang gaya ng controversial Internet broadband Government Development ZTE deal sa China nuong panahon ni Gloria Arroyo na nabubuko ang anomalyang ito matapos na ang mag naglalakihang transaksyon at napapalusutan nila ito ng walang pasubali. Sanay maging vigilant at nationalist at makatao at makaDiyos ang mga kawani ng gobyerno upang ang mga ganitong deal at mga malaanomalyang proyekto ay nabubuko at natutulan na dagdag pahirap sa bulsa ng pangkaraniwang juan na inaawas sa mga VAT purchase at ibat ibang taxes pa upang makabayad sa utang sa IMF at WB.

Sana kahit tayo ay nasa poder ng US at mga institusyon ng WB-IMF kung ito naman ay nagpapaunlad sa ating bansa at walang Pilipinong naggugutom at naapi at inaabuso ay bakit pa natin aadhikain ang Pambansang Demokrasya o anumang Pulitika na Pinagtatalunan ngayon sa Peace Table ang CASER at Political Reforms na Pagbabago ng pamamalakad. Simulat sapul ay hindi nga tayo magkaroon ng pagunlad sa mga pag-ugnay sa kanila at pakikipagdasunduan gayundin sa mga pang-mundong kasunduan na kung saan ay ang US ang nagdodomina dito at mga malalaki ding bansa na siyang nakikinabang dito o mga naglalakihang korporasyon sa mundo na nagpapainog ng kanilang mga bansa at pulitiko upang ito ang kanilang iharap sa mga kasunduan ang dikta ng mga nagmamayari ng mga multinationals na ito at imperyalismo at mga burukrata kapitalista ng mga bansang ito gaya ng Pilipinas...

Hindi nangangahulugan na naniniwala ka sa Pambansang Demokrasya ay komunista ka na o sosyalista ka na o Ipinaglalaban mo ang Right to Self Determinations mo, itong karapatang ito ay bibinibigyan ang lipunan at mga tao na magpasya ng Pulitikang isusulong o gagawing pamahalaan na wala sa poder ng dayuhan of kontol ng dayuhan and CPP-NPA-NDF at MILF ay magkaiba ng Pulitikang isinusulong subalit parehong Right to Self Determinations ang kanilang karapatang ipinaglalaban na kung saan ay pareho silang nagadhere ng Arm struggle sa pagbabago na tinatawag nating insurgence of internal conflicts. 

Ang Pambansang Demokrasya ay inaadhere ng mga nasa midlle class status at mga Dating Senator na kumakalaban sa Imperyalismo upang magkaroon ng sariling kapasyahan at hindi kaya ng mga midlle class ang sumabak sa congressional seat at senate at Presidential seat, iilan lamang ang Senator upang isulong duon ang pagkalaban sa imperyalismo at isulong ang Pambansang Demokrasya at tutulan ang pakikipagugnayan sa tratado sa US at mga pinakikinabangan lang ng ibang bansa at mga pagpapatakbo ng ating ekonomiya kinakailangan dito ay pwersang pulitika upang madomina mo ang pulitika sa bansa at ang CPP-NPA-NDF ay paghawak ng armas ang naging kapasyahan upang kalabanin ang Gobyerno at palayain ang bansa sa mga kontol ng dayuhan at maigiit and Pambansang Demokrasya at ang sosyalismo nilang pananaw.

Ang CPP-NPA-NDF ang pangunahing nagaadhere ng Pambansang Demokrasya at may pulitikang partido na silang dinadala at kumpleto ito. Iisa ang layunin ng lahat nga mga may pagtingin sa Pambansang Demokrasya maging legal man at sakal ang mga nasa legal na may adhikain nito at dinadaan sa dahas upang magtigil kaya ang CPP-NPA-NDF ay humawak na ng armas upang ipaglaban ito bata’y sa mga ganitong experiensya sa pakikibaka nito nuon pang panahon ni Marcos.  Sa ngayon ay may Peace Table dito o Peace process upang pagusapan ng mapayapa ang Root of Internal conflict upang matigil ang digmaan at maresolba ng labanan ng magkabilang panig sa mga insurgence.

Sa ngayon ay Pinaguusapan dito ang Human Rights IHL-International Humanitarian Laws at ng napagkasunduan nilang CARHRIHL bilang disiplina sa Labanan, naformulate din dito ang CASER at Political and Constitutional Reforms at dispostion of Forces ang Pinka Pinale bilang pagpapalawak ng usapin kung saan magkakaisa ng bawat panig at ibat-iba pang napagkasunduan sa peace table gaya ng JASIG at kung ano ano pa…..

May pagasa ba na matigil ang labanan at magmeet halfway ang CPP-NPA-NDF at GPH Gobyerno sa mga Prospectives nila sa usaping ng pagkakaisa sa Political Reforms at CASER o ano pa mang kanilang mapapagkasunduan?  Langit at Lupa ang agwat at pagkakaiba ng Pulitika ng Bawat isa wika ngay taliwas at magkaiba at napakahirap nilang magmeet sa gitna upang sundin ang bawat Constitusyon na gustong ipamalakad at mafoformualte sa Peace Talks sa usapin ng Political Reforms.

Ang Human Rights and IHL-International Humanitarian Laws ay maaring marepaso at kinisin upang 100 percent na maimplementa ito at sundin ng bawat isa bilang tuntunin at disiplina sa labanan.  Ang Human Rights din at kumprenhensibong saklaw nito sa Politics, Economics at Social at Culture ay pagusapan at igiit upang ipatupad ng GPH o Gobyernong kasalukuyan at darating pa kahit purely Human Rights lang at walang halong Pulitikal na Linyang pananaw at matamasa ng tao ang kanilang karapatan. Ang Right to self Determination ang karapatan na hindi ganun kadaling ibigay ng Gobyerno at partidong namumuno dito subalit ang ibang karapatan ay maaring syento por siyento o 100 percent na maipatupad at maigiit ng NDF sa GPH-Gobyerno sa Peace Table at matamasa ito ng tao sa lalong madaling paanahon.  Ngunit kung ang Pulitikang pananaw ng CPP-NPA-NDF ang paiiralin upang magmeet halfway at pagsanibin ang konstitusyon ng bawat isa ay mga 20 to 30 percent lamang ang posibleng maiibigay ng Gobyerbo sa Prospective drafts nito at alam nating lahat na hindi papayag ang Gobyerno dyan o ang partidong namamalakad ng ating Gobyerno, ang kanan at kaliwa ay hindi pwedeng magkaisa maliban sa pananampalataya at himala ng Diyos sa atin. 

Ang Right to Determination kung saan may National Democracy nang Pulitikang isinusulong dito at hindi ganun kadaling ipatupad ito bilang Human Rights o karapatan mo lang isigaw sa lansangan ang Pagbabago may pultika na itong dinadala upang palitan ang sistema ng Gobyerno at ang kasalukuyang Gobyerno at mga batas natin ay nasa karsonsilyo ng US-IMF at WB, at pinaguusapan sa Peace Table ang halfaway dito upang magkaisa muli. Ang Legal at Judicial Remedy nila dito ay malabong pagkakaisa sa magkahiwalay na pamamalakad dito ng kanilang mga bawat konstitusyon o pananaw at nabanggit sa mga paragraph ang National Democracy at sosyalismong pananaw hinggil ng CPP-NPA-NDF sa Right to Self determination na ipinaglalaban ng CPP-NPA-NDF, Gayunpaman ay sanay magkamabutihan sila at magkasundo sa usapin ng  Human Rights hinggil dito kung Human Rights ang basis ng Drafts ng pagbabago ng Constitution at pagsasanib ng konstitusyon ng bawat isa o anupamang mga Himalang solusyon na mapapagkaisa sa kanila sa usapin ng Political reforms upang matigil na ang digmaan.

Pagusapan din ang mga issues upang maiwasan ang mga opensibang hindi naman dapat at May God give the Goverance to the True and Equal Government who will Govern the Philippines, kahit kailan ay isusulong ng liberal at ibang partido ang pagsunod sa US-IMF WB at maprotektahan nila yaman nila at interes nila at maigting na kalabanin ang CPP-NPA sa Pananaw nito na Pambansang Demokrasya at Sosyalismo at ang CPP-NPA-NDF naman ay patuloy na ipaglaban ang paghiwalay dito sa IMF-WB-US at isulong ang Pambansang Demokrasya at Sosyalismong pananaw para sa pagbabago ng sistema at pagahon sa kahirapan tungo sa pagkakapantay pantay na pamumuhay……
  
Sanay ipaglaban ng CPP-NPA-NDF sa Peace Table ang comprehesibong karapatan ng lahat ng tao sa Pilipinas at iyon ang mabute. Napakarami ng usaping karapatan ang ipapatupad at dapat ipatupad ng Gobyerno at maibigay lahat ito ay giginhawa pamumuhay ng lipunang Pilipino. Sa karapatan pa lang ay hindi na kagkakaugaga ang gobyernong ipatupad ito at sundin ito mahaba pa siguro sa ipinaglalaban ng CPP at pananaw nila ang karapatang pantao para sundin ng Gobyerno. Ipaggiitan ng CPP-NPA-NDF ang tunay na karapatan ng tao sa GPH dyan sa Peace table mula sa usapin ng CASER at iiba pang comprehensibong sakop ng Human Rights at kahit purely Human Rights lang at hindi lang basta ito nakatuon sa pangdisiplinang protocol sa labanan at palagay ko ay 100 percent na matatamasa ng Pilino ang Human Rights sa usapin ng formulations sa CASER at iba pang usapin na maiiformulate at Idraft ng mabute ang Right to self determinations kung paano mapapaglabanan ng maayos.

Ang Pambansang Demokrasya ay nakasusug sa Right to Self Determinations na karapatang pantao at ating dapat alamin ito.

Maaring pagusapan sa Political Reforms ang Plebesito bilang options sa mapayapang labanan at usapin kung hindi mapagkakasunduan ang merging ng Constitution ng bawat isa. At paglabanan nila ito sa mapayapang labanan sa botohan at I-draft nila ito ng maayos upang maging mabuti ang hakbang at patuloy na usapin dito bilang mapayapang labanan. Maaring isa ito sa solusyon na hindi natin nakikita at ating tinutudla at kung paguusapan ay maaring umepektibo kung maayos ang mga rekesitos nito. Labanan din ang solusyon subalit mapayapang tinig ng tao sa balota sa pamamagitan ng Plebesito at Prinsipyo ng Demokrasya ang malayang pagpili na kinakabilangan ng lahat at hindi ang liderato lamang. Hindi na kinakailangan pang humawak ng baril ng mga tao at ayudahan ang nauna nang nakikipaglaban upang pairalin ng pulitikang pinagkakaisahan kung madadaan naman ito sa balota sa pamamagitan nga lamang ng Plebesito kung saan ay pwede pang maniwala tayo ng parehas na laban. Gayunpaman ay pagisipan pa ang ibat–ibang options maliban sa nakahain ng mga draft sa Peace table upang humantong sa sulosyon and malabong mangyaring pagkakaisa at may awa ang diyos upang matuklasan natin yan gaya ng aking nabagngit may himala ang Diyos hindi man niya daanin ito sa mga Aparisyon ay sa matalinong pagiisip natin ito matuklasan at ipasisip sa atin ito ng Diyos na may lalang, Kung nagkaroon ng Peace Table siguradong may posible sa malabong mangyari. 

Ang Chairperson ng OPPAP na si Secretary Deles ay nagsasabi na May Milagrong dapat mangyari sa Peace Table upang magkasundo at matapos na ang Digmaan at tuldukan ang mga usapin.  Sa aking pananaw at Paniniwala sa Diyos ay talagang may himalang dapat mangyayari upang matigil ang digmaan at patuloy na magkaroon ng kapapaan. Sana’y gumawa ng Himala ang Diyos at aking ipagdadasal sa Diyos at pananampalatayahan ang Himala na unang una Igiya siya ng Diyos upang magi siyang sincero at may puso sa peace Talks sampu ng kasamahan niya at Gobyerno at patigilin ang Gobyerno sa kanilang abusadong pangGO-Gobyerno, etc. mga kaabusaduhan at katiwalian at mali at di parehas na pamamalakad at gaya ng mga madayang pakikipag Peace Talks o illegal na pag detain sa mga representatives ng Panel ng NDF sa Peace Talk ito ay pagpapalala ng Internal Conflict o pagpaparami pa ng mga aanib sa kanila na hihikayat sa tao sa kanilang ginagawang kaabusaduhan na malinaw sa mata ng mga tao ang mali ng gobyerno at hindi pagbabawas ng mga nahuli nilang tao ng NDF at mga pagpaslang nilang pangaabuso gaya ng Tineg ABRA issues at ibat iba pang mga kaabusaduhan.

Kung magmimilagro si Mother Mary ng kapayapaan sa Peace Talk ay sana’y Mag Aparison sya sa pece Table na magkaisa na sila o Bigyan niya ng mapayapang labanan sa Pulitika ang magkabilang panig upang ibigay ang pamumuno sa wastong Pulitika na dapat mamuno sa bansa at kung sinong bibigyan niya ng kaliwanagan na mamuno sa Bayan. At paghimalaang ibigay nya ang Karapatan ng bawat isa sa para masaganang buhay at protektahan niya din dito ang bawat isa at patuloy nyang kaliwanagan sa bawat isa at mananampalataya sa Diyos mula kay Jesus at sa Milagro ni Mother Mary.  I keep faith on it, the Peace in the country and fairness and unity and I hope the lights of God Be with us and the Peace Table be Blessed for the Right move…..    

Ang Human Rights Promotions ay patuloy na nag-Propromote ng Human Rights at IHL sa Internal Armed Conflicts bilang displina sa labanan sa magkabilang panig at lipunan upang pagkaisahan at pairalin ito sa ating pamayanan o lipunan at irespeto ang karapatan ng bawat isa lalo na ang inosenteng mamamayan at suportahan ang Peace Talks hinggil dito. Pagusapan ang mga issues na hindi pagmumulan mga special na opensiba ng bawat isa na napeperwiso ang tao. Patuloy ang pagpropromote ng Human Rights Advocacy ng pagsulong ang Kumprehensibong Human Rights sa Politics at Ecomonics, Social at Culture ating Lipunan at Gobyerno upang ipatupad ito ng Gobyerno at aking Ipinopromote din ito sa CPP-NPA-NDF ang igiit sa Peace Table ang Comprehensive na Human Rights o malawak na saklaw nito upang ipatupad ng GPH.

For the Meaning and Explanation of National Democracy I hope it is understand simply by the Peoples and I hope the People know the National Democracy promote it so it will know by the People to know what is this Politics. The Author of this National Democracy in the Philippines and its supporter Promote it well and explain it well to people to understand it and we hope our explanation in Our Human Rights Promotions directly point out the exact meaning of National Democracy.   

The Human Rights Advocacy are Promoting Human Rights only and we are not making Promotions of Political Line. We recommend Political Line what is good as we see  in Human Rights matter but we do not directly Promoting Political Line.....    

The Lights of Mother Mary and Peace and love and Blessing of God be with us in the Peace Talks.

God and Jesus and Mother Mary lights lights Us……

Human Rights Promotions
Human Rights Promoter