links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/05/paglilinaw-sa-labanang-naganap-sa-brgy.html
Paglilinaw sa labanang naganap sa Brgy Pinamanaan, Donsol, Sorsogon
Ka Samuel GuerreroCelso Minguez Command, NPA-Sorsogon
Mayo 8, 2012
Mayo 8 alas-5:00 ng umaga nang kubkubin ng isang platung tropang 31st IBPA mula sa Bayasong Detachment ang isang tim ng Bagong Hukbong Bayan sa Brgy. Pinamanaan, Donsol, Sorsogon. Namartir sa nasabing labanan ang tatlong magigiting na kasapi ng BHB na sina Ka Jig, Ka Richard at Ka Pepe. Taas-Kamao ang Pagpupugay ng Celso Minguez Command sa walang pag-iimbot na pag-aalay ng buhay ng mga kasamang martir.
Si Christian “Ka Richard” Llagas, 19 taong gulang ng Brgy. Bautista, Jovellar at si Leopoldo “Ka Jig” Nebres, 43 taong gulang ng Brgy. Sinagaran, Jovellar ay kapwa magsasaka bago sumapi sa BHB noong 2011. Gagap nina Ka Richard at Ka Jig na tanging sa pagsusulong ng Demokratikong Rebolusyong Bayan lalaya ang masang magsasaka sa makauring pagsasamantala. Si “ Ka Pepe “ o Joel Ascutia ay isang kilalang lider-organisador ng makabayang organisasyon ng transport sector, at naging Presidente ng Concerned Drivers and Operators – Pagkakaisa ng mga Samahan ng mga Tsuper at Operator (CONDOR-PISTON) – Bikol mula pa noong 2005.
Si Kasamang Joel Ascutia ay kilala sa bawat pang masang pagkilos, sa mga rally, at transport strike, nagpapaliwanag at naggigiit ng mga kahilingan ng ordinaryong mamamayan tulad ng pagpapababa ng presyo ng gasolina at mga bilihin, makatarungang sahod at pagpapalayas ng US troops. Mas nakilala pa siya nang tinangka siyang paslangin ng mga death squad ng AFP-PNP noong Hulyo 13, 2009 sa Daraga, Albay. Nasa paghahanda sila noon para sa paglahok sa isang nationwide transport strike nang pagbabarilin siya ng mga naka-bonnet at riding-in-tandem na death squad ng Rehimeng US-Arroyo sa panahon ng paghahasik ng terror ng Oplan Bantay Laya 2.
Bigo ang pasistang tropang AFP-PNP na kitlin ang mapanlabang diwa ni Kasamang Joel. Pagkatapos ng ilang ulit na panghaharass at tangkang pagpatay sa kanya, nagpasya siya na makipag-ugnayan at makiusap sa BagongHukbong Bayan upang magpakanlong (safekeeping) para sa kanyang kaligtasan. Noong nakaraang taon, iniwan niya ang kanyang pamilya at ang CONDOR-PISTON-BIKOL, upang magtungo sa kanayunan.
Sa panahong nagpapakanlong siya sa Bagong Hukbong Bayan, masigasig na nakipamuhay si Kasamang Joel sa masang magsasaka at tumulong sa pag-oorganisa at pagmumulat sa kanila. Sa prosesong ito, nagpasya siyang maging fulltime na mandirigmang Bagong Hukbong Bayan, pagkat batid niya na wala na siyang kalayaang mamahayag at mag-organisa sa ilalim ng bulok at marahas na estado.
Taas-Kamaong Pagpupugay sa mga Martir ng Sambayanan! Kailanma’y hindi malilimutan ang kanilang pag-aalay ng lakas at talino para sa paglilingkod sa sambayanan.
Website:
http://bhbsorsogon.blogspot.com/
http://bhbsorsogon.blogspot.com/2012/04/paglilinaw-ukol-sa-panibagong-biktima.html
PRWC Website
http://theprwcblogs.blogspot.com/
links:
http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/05/paglilinaw-sa-labanang-naganap-sa-brgy.html
http://theprwcblogs.blogspot.com/
links:
http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/05/paglilinaw-sa-labanang-naganap-sa-brgy.html
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------
------------------------------
------------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------
------------------------------
--------