Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Thursday, May 3, 2012

Tropang AFP-PNP, gamit ang tortyur at pinakamaruming taktikang labag sa karapatang-tao at Internasyunal na Makataong Batas



From the Website of PRWC
links:  http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/05/tropang-afp-pnp-gamit-ang-tortyur-at.html




Tropang AFP-PNP, gamit ang tortyur at pinakamaruming taktikang labag sa karapatang-tao at Internasyunal na Makataong Batas

Florante Orobia
Santos Binamera Command, NPA-Albay
Mayo 2, 2012

Dinukot ng tropang AFP-PNP si Jay-jay Abache, 26 taong gulang, may asawa at anak, isang construction worker, residente ng Taisan, Legazpi City noong Abril 30. Habang nasa bakasyon sa kanyang trabaho sa Laguna, umuwi si Jay-jay upang makapiling ang kanyang pamilya noong Abril 27.

Abril 30, alas-12 ng tanghali, habang bumibili sa isang karenderia sa sentrong baryo ng Brgy. Taisan, pilit na pinadapa, pinosasan, tinutukan at dinukot ng mga armadong elemento ng AFP-PNP na nakatakip ng bonnet sa ulo. Walang ipinakitang warrant of arrest kay Jay-jay.

Alas-onse ng gabi ng parehong araw, nakawala si Jay-jay nang i-turn-over siya sa PNP Legazpi.

Habang siya ay nasa kamay ng mga intel operatives ng AFP-PNP, nakaranas ng pisikal at sikolohikal na pagpapahirap si Jay-jay. Bakas sa kanyang mga pasa sa mukha at katawan ang karahasang sinapit sa kamay ng mga intel. Pinilit siyang umaming maysala sa isang kasong murder at siya diumano ay myembro ng NPA. Pilit din siyang pinaaming may baril.

Si Jay-jay ay isang sibilyan at non-combatant. Dinukot siya ng mga intel upang gipitin at pilitin siyang ituro ang kinaroroonan ng kanyang kapatid, na isang kasapi ng BHB.  Sa nakaraan, ang iba pa nilang mga kapamilya ay nakaranas na din ng intimidasyon mula sa mga militar.

Walang ibang may motibo at kapasidad para dukutin at isailalim sa tortyur si Jay-jay Abache kundi ang tropa ng AFP-PNP. Sa sobrang desperasyon at kabiguang mapasakamay nila ang kapatid ni Jay-jay, humantong ang mga AFP-PNP sa paggamit ng pinakamaruming taktika ng pagdukot sa mga kamag-anak ng kasama.

Pagkatapos i-turn-over si Jay-jay sa PNP-Legazpi, arogante pang binanggit ng kanyang mga abductors na “maling tao pala” ang kanilang nakuha. Ipinakikita nito na ipinagmamayabang pa nila ang kanilang krimen at hindi natatakot sa anumang batas na kanilang nilabag.

Ipinagbabawal sa Internasyunal na Makataong Batas ang pagdukot at pag-hostage ng mga kamag-anak ng mga kalahok sa digma, bilang isang anyo ng sikolohikal at mental na tortyur. Tanging ang mga buhong na AFP-PNP ang buong-kalupitang umaatake sa sibilyang populasyon habang sinungaling na nagpapanggap na‘kampeon ng kapayapaan’ at ‘kampeon ng karapatang-pantao’.

Ang sistematikong kampanya ng panunupil at pananalasa ng pinakamalalang paglabag sa karapatang-tao ay nakasaad sa Oplan Bayanihan, tulad ng sa nauna nang Oplan Bantay Laya 1 at 2. Partikular na nakasaad sa Oplan Bayanihan na kailangang gawin nang kalkulado ang mga pagdukot at pagpatay (EJK), sa paraang desimulado. Hindi nakapagtatakang kinukupkop ng AFP-PNP at ng rehimeng US-Noynoy Aquino ang mga demonyong tulad ni Jovito Palparan. Tampok na katangian din ng Oplan Bayanihan ang pagpapaigting ng psychological war at panlilinlang.

Walang magagawa ang mga maruruming taktika ng AFP-PNP at lalo lamang nitong pinapatunayan sa mamamayan ang likas na pagiging berdugo at mersenaryo nito. Wala itong kinikilalang batas at karapatan ng mamamayan at handang gumawa ng anumang kabuangan upang makamit ang kanilang misyong militar sa kapinsalaan ng mamamayan.






PRWC Website


http://theprwcblogs.blogspot.com/


links:

 http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/05/tropang-afp-pnp-gamit-ang-tortyur-at.html









-------------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------------------------------
---------------------------------------
----------------------------