From the Website of PRWC
[VIDEO] Reyd sa PDT/SOT ng 49th IB sa Brgy Maot, Labo, Camarines Norte
Matagumpay na ni-reyd ng Armando Catapia Command-BHB ang isang Peace and Development Team ng 49th IB na nakabase sa barangay hall ng Maot, bayan ng Labo. Nakasamsam ng anim na M16 armalayt at isang K3 SAW machine gun, at isang cal. 45 mula sa pasistang tropa ng 49th IB. Magtatatlong buwan nang nakabase sa barangay hall ang nasabing PDT, habang naghahasik ng teror sa hanay ng taumbaryo, at iba pang mga pakulong aktibidad upang presyurin at tangkang wasakin ang suporta ng mamamayan para sa rebolusyonaryong kilusan.
--------------------------------------------------------------------
NPA Camarines Norte (Armando Catapia Command)
April 29, 2012
Focus topics:
People's War, Peace Talks, Uphold Human Rights!
Tags: People's War, tactical offensives, Revolutionary Justice, CARHRIHL, human rights violations
Tags: People's War, tactical offensives, Revolutionary Justice, CARHRIHL, human rights violations
Reyd sa 49th IB na Nagsasagawa ng Oplan Bayanihan sa Camarines Norte:
Nasamsam ng BHB ang anim na Armalayt, isang K3 Saw-Machine Gun at isang Laptop
Alas 12:11 ng tanghali kanina (Abril 29), matagumpay na nireyd ng BHB ang 49th IB na nagsasagawa ng Oplan Bayanihan-Peace and Development Team (PDT) sa Brgy Ma-ot, Labo Cam Norte. Nakahimpil ang sampung elemento ng 49th IB sa Barangay Hall, nang salakayin ng mga pulang mandirigma kaninang tanghali.
Nasamsam ng BHB ang anim na M16 armalayt, isang K3 Saw-Machine Gun, isang kalibre 45 at isang laptop. Sa panimulang ulat, tatlo ang namatay sa aktwal na labanan at may mga sugatan sa panig ng militar. Kasabay sa mga kaswalti ang commanding officer nito na si 2Lt Eric Estravelio. Walang kaswalti sa panig ng BHB.
Ang tropang ito ng 49th IB ang may kagagawan sa karumal-dumal na pagmasaker sa pamilya Mancera noong Pebrero 25 sa Purok 6, Brgy. Malaya, Labo kung saan namatay ang dalawang bata kasabay ang kanilang ama na si Benjamin Mancera. Nararapat na pagbayarin ang mga berdugong tropa ng 49th IB sa walang-awang pagpaslang sa dalawang bata na sina Michael (10 taong gulang) at Richard (7 taong gulang).
Mabangis na nananalasa sa buhay at kabuhayan ng mga magsasaka sa bayan ng Labo ang berdugong mga tropa ng 49th IB na nagsasagawa ng operasyong Oplan Bayanihan sa ngalan umano ng “kapayapaan” at “kaunlaran”.
Ang PDT ay ang dating tinatawag na SOT, ang pagpapalit ng pangalan ay pagtatangka ng rehimeng US-Aquino na burahin at tabingan ang madugong rekord sa paglabag sa karapatang pantao ng mga dati nang SOT ng militar.
Simula pa noong Enero, sinaklaw ng mga operasyon ng Oplan Bayanihan ng 49th IB ang 14 baryo sa bayan ng Labo. Ang paghimpil ng mga PDT sa mga sentrong baryo ay paglabag sa mga batas ng digma kaugnay sa paggamit ng mga pampublikong pasilidad at matataong lugar sa pagbabase ng mga militar. Nailalagay sa panganib ang kaligtasan ng mamamayan sa pagbabase ng PDT sa mga barangay hall, day care centers at sa mismong sentro ng baryo. Ginagawang human shield ng mga militar ang mga taumbaryo.
Ang reyd na ito ang tugon ng BHB sa kahilingan ng mamamayan na bigyang hustisya ang malupit na pagmasaker sa pamilya Mancera nitong Pebrero 25. Matagal nang nananawagan ang mamamayan dito na palayasin ang 49th IB sa mga barangay sa Labo na nilulunsaran ng Oplan Bayanihan, dahil sa malupit na rekord nito ng paglabag sa mga karapatang pantao.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------
-----------------------------
-------------
---------------------------------------------------------------------
-----------------------------
-------------