Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, June 8, 2012

Ulat hinggil sa Mga Paglabag ng mga tropa ng AFP at CAFGU sa CARHRHIL sa hangganan ng Mountain Province at Ifugao noong Abril-Mayo 2012


From the Website of PRWC
links:  http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/06/ulat-hinggil-sa-mga-paglabag-ng-mga.html#more


Ulat hinggil sa Mga Paglabag ng mga tropa ng AFP at CAFGU sa CARHRHIL sa hangganan ng Mountain Province at Ifugao noong Abril-Mayo 2012


Leonardo Pacsi Command
NPA-Mountain Province
Hunyo 6, 2012

Laganap ang pagnanakaw sa mga baboy, kambing, manok at iba pang alagang hayop ng mga masa sa paligid ng detatsment ng CAFGU sa Brgy. Ubao, Aguinaldo, Ifugao. Walang ibang itinuturo sa likuran nito na nagaganap kundi ang mga nakakampong militar na kung saan lagi't lagi silang naglalasing, nagsusugal, nagpapatugtog nang malakas at madalas din silang nagpapaputok ng baril.

Noong Abril 2012, mayroong 5-kataong nagpanggap na myembro ng NPA na nangikil ng P1,500 mula sa isang sibilyang si Eusebio dela Cruz na residente ng  Brgy. Ubao. Maliban pa rito, pinilit pang kuhanin nila ang kanyang alagang baboy.


Madalas ding  naaabala ang pag-aaral ng mga estudyante ng Ubao, National High School dahil sa pagtuloy doon ng mga tropang militar ng 54th IB ng  AFP mula sa kanilang operasyong militar.

Parang nag-away-away na mga kalabaw ang mga tropa ng 5th ID PA na sumira sa pananim na mais sa mga kaingin sa Sitio Dalanao, Brgy. Bantay, Paracelis, MP habang isinasagawa ang operasyong militar noong 31 Mayo 2012.  Dahil dito, nagreklamo ang may-ari ng kaingin na nagngangalang si Kimpee.  Subalit, sa halip na humingi ng paumanhin at bayaran ang nasirang pananim, insulto pa ang inabot ng kawawang magsasaka mula sa mga tropa ng AFP.

Sa iba pang kaganapan, pinigil at inimbestigahan ng mga tropa ng militar ang isang sibilyan na nagngangalang Sabado at ang kanyang kasamahan na nakasakay sa motorsiklo sa Sitio Dagawe, Brgy. Poblacion, Paracelis, Mountain Province.  Pinagsuspetsahan sila na mga myembro ng BHB dahil daw sa mahaba ang kanilang buhok. Pinagtawanan at ininsulto  rin ang dalawa nang sabihing miyembro sila ng sektang Baptist Church.  Sa pareho ring lugar, kinasahan din ng mga baril ang mga pasahero ng isang van nang walang malinaw na kadahilanan sa Sitio Tanufong, Brgy. Poblacion, Paracelis, MP sa kanilang operasyon noong Mayo 2012.  Sa Sitio Amulong, Brgy. Poblacion din, matindi ang galit ng mamamayan nang malaman nilang pinagnanakaw ng mga tropa ng militar ang kanilang pananim na gulay noon ding Mayo 2012.





PRWC Website

http://theprwcblogs.blogspot.com/


links:

http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/06/ulat-hinggil-sa-mga-paglabag-ng-mga.html#more







----------------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------
---------------------------