From the Website of CPP-NPA-NDF
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/02/mga-operasyong-militar-ng-9th-idpa-sa.html#more
Mga Operasyong Militar ng 9th IDPA sa Bikol Binigo ng BHB
Gregorio "Ka Greg" BanaresNDFP-Bicol
12 Pebrero 2013
Apat na magkakasunod na mga pag-atake ng berdugong tropa ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa Bikol ang binigo ng mga pulang mandirigma at nagdulot ng malaking pinsala sa pasistang AFP.
Noong Pebrero 10 bandang alas-tres ng hapon, tinangkang kubkubin ng 25-kataong platun ng 49th Infantry Battalion ang pansamantalang himpilan ng isang platun ng Armando Catapia Command ng BHB-Camarines Norte sa Sityo Palale, Bgy. Exciban, Labo. Ang depensibang labanan ay naitransporma ng BHB sa opensiba nang maagaw ng mga pulang mandirigma ang inisyatiba sa labanan.
Pinasabugan ng mga pasabog ng mga pulang mandirigma ang mga umaatakeng sundalo at naagaw nila ang mataas na tereyn at bentaheng pusisyon. Napaatras ang mga sundalo sa isang mababang lugar na napapalibutan ng mga burol na naagaw ng mga pulang mandirigma. Ngunit dahil papadilim na sa gubat at nagkaroon ng limitasyon sa mga kagamitan, nagpasya ang pamununuan ng BHB na lisanin na ang lugar pagkalipas ng dalawang oras na labanan. Nasamsam ng mga pulang mandirigma ang tatlong military backpack ng mga sundalo.
Dalawang sundalo ang namatay at nakitang isinakay sa pahila ng kalabaw samantalang ang mga sugatan ay inilabas noong gabi at naririnig ng ilang taumbaryo na humihiyaw sa sakit mula sa tama ng mga bala. Ligtas na nakalayo ang mga pulang mandirigma sa lugar na pinaglabanan. Pinagtakpan ng upisyal ng 49th IBPA na si Lt. Col. Michael Buhat ang tunay na bilang ng mga kaswalti sa kanyang tauhan at inamin lamang ang dalawang sugatan na nakilalang sina Pfc. Dextero Debil at Pfc. Donhel Catangay.
Samantala sa Albay, binigo ng isang tim ng mga pulang mandirigma sa ilalim ng Santos Binamera Command ang pagkubkob ng 9-kataong iskwad ng berdugong 2nd IBPA bago magtanghali noong Pebrero 8 sa Sityo Gogon, Bgy. Tupaz, Ligao City. Naunahan ng putok ng mga pulang mandirigma ang umaatakeng mga sundalo at agad na namatay ang isang elemento nito. Itinago ng militar ang kanilang kaswalti at inilabas lamang ito noong hatinggabi ng Pebrero 8. Nagsinungaling sa media ang upisyal ng 2nd IBPA na si Lt. Col. Andrew Costelo nang sabihin nitong walang kaswalti sa kanyang mga tauhan habang di-mabilang umano ang sugatan sa panig ng BHB dahil sa mga patak ng dugo sa lugar.
Dahil sa pagkatalo, ginantihan ng mga death squad ng 2nd IBPA ang isang dating kasapi ng BHB na matagal nang namumuhay bilang sibilyan sa Bgy. Sukip, Pio Duran, Albay noong Pebrero 11 ng madaling araw. Binugbog at saka pinagbabaril ng sampung armadong nakatakip ng mukha si Romero Octabo habang nasa loob ng isang sayawan. Tumakas ang mga mamamatay-tao sakay ng mga motorsiklo patungo sa direksyon ng isang detatsment ng 2nd IBPA sa Bgy. Halabang Puro, Pio Duran, Albay.
Sa Ragay, Camarines Sur ay dagliang inambus ng mga pulang mandirigma ng Eduardo Olbara Command ang mga sundalo na tatlong araw nang nag-ooperasyon sa lugar. Inambus ng isang iskwad ng mga pulang mandirigma ang 9-kataong iskwad ng 42nd IBPA sa Sityo Colacog, Bgy. Cabadisan, Ragay noong Enero 29 bandang alas-10:30 ng umaga. Sugatan ang dalawang sundalo habang namatay ang isang CAFGU at giya ng mga sundalo na si Rolando Llandelar sa sampung minutong labanan. Si Llandelar ay nagtakas ng isang ripleng M-16 sa BHB noong 2009 at isinuko ito sa militar.
Sa isla ng Ticao sa probinsya ng Masbate ay inisnayp ng mga pulang mandirigma ng Jose Rapsing Command ang pinagsanib na tropa ng PNP Regional Public Safety Battalion (dating RMG) at 9th IBPA na ilang araw nang nag-ooperasyon sa lugar. Pinaputukan ito ng BHB pagdating sa Bgy. Cantorna, Monreal noong Enero 26. Isang sundalo ang tinamaan at agad na namatay. Sa sobrang pagkagitla ng mga sundalo, agad na sumugod sa lugar ang iba pang pormasyon ng militar at PNP na nasa karatig barangay ng Maglambong. Sa pag-aakalang mga pulang mandirigma ang naroroon sa lugar ay agad itong nagpaputok. Umabot ng dalawang oras ang palitan ng mga putok bago nila nalaman na sila-sila na pala ang naglalaban. Di-bababa sa limang sundalo at pulis ang kaswalti >at may dalawa pang nawawala.
Pinabubulaanan ng mga labanang ito ang ipinangangalandakan ng 9th IDPA na labis na umanong napahina ng kontra-rebolusyonaryong programa ng Oplan Bayanihan ang mga rebolusyonaryong pwersa at ang armadong pakikibaka sa rehiyon.
Patuloy na bibiguin ng mga rebolusyonaryong pwersa at ng Bagong Hukbong Bayan sa tulong ng mamamayan ang Oplan Bayanihan ng rehimeng US-Aquino at ng 9th IDPA sa rehiyon. Tiyak na susulong at magkakamit ng maraming tagumpay ang pakikibaka ng mamamayan para sa pambansang kalayaan at demokrasya.
CPP/NPA/NDF Website
http://theprwcblogs.blogspot.com/
http://www.philippinerevolution.net/
http://www.ndfp.net/joom15/
links:
http://theprwcblogs.blogspot.com/
http://www.philippinerevolution.net/
http://www.ndfp.net/joom15/
links:
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights
Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------