From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/07/hinggil-sa-nangyaring-labanan-sa-brgy.html
Hinggil sa nangyaring labanan sa Brgy. Calomayon, Juban, Sorsogon noong Hulyo 4, 2013, at ang matinding paglabag ng 31st Infantry Battalion sa mga Batas ng Digma
Ka Samuel Guerrero
Celso Minguez Command
Hulyo 6, 2013
Mariing kinukundena ng Celso Minguez Command ang di-makataong pagpaslang ng 31st Infantry Battalion sa pamumuno ni Col. Virginson Aquino sa walong (8) kasama sa Brgy. Calomayon, Juban, Sorsogon nitong Hulyo 4, 2013. Isinagawa ng mga berdugo ng 31st IB ang masaker sa mga kasama bandang 5:20 ng umaga. Namartir sina Ka Greg Bañares, tagapagsalita ng NDF-Bicol (Frankie Joe Soriano), Ka Miloy (Pehing Hipa), Ka Nel (Christine Puche), Ka Gary (Ted Palacio), Ka Rey (David Llunar), Ka Nene (Romero Añonuevo), Ka Jay (William Villanueva, Jr), at Ka Kevin (Ailyn Calma).
Ayon sa pagsisiyasat ng Celso Minguez Command at gayundin sa ibinigay na ulat ng mga taumbaryo, tatlo sa walong kasamang namartir ang nakalayo na sa bahay na pinaglabanan at walang dalang mga armas. Sa kabila nito, walang habas pa ring pinagbabaril ng mga sundalo sina Ka Greg, Ka Nel, at Ka Gary. Hindi pa nakuntento ang mga pasista, lahat ng nalugmok na kasama ay binaril sa mukha -- malinaw na paglabag sa internasyunal na mga batas ng digma na nagtitiyak sa kaligtasan ng mga di-armado at mga wala nang kakayahang lumaban. Haharapin ni Col. Aquino at ng kanyang mga tauhan ang patung-patong na kaso ng paglabag sa Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law.
Ito ang tunay ng mukha ng Oplan Bayanihan. Sa likod ng mga pakitang-taong pagpapalamuti, kahayupan ang siyang iniuumang ng estado sa mamamayang lumalaban sa kawalan ng tunay na kalayaan at demokrasya. Walang natatanging paraan para sa mamamayan kundi ang magpursigi sa kanilang pagrerebolusyon upang wakasan ang isang sistemang nagkakait sa kanilang karapatan at kabuhayan, at pumapatay sa sinumang naghihimagsik.
Dapat ding ilantad ang pagnanakaw ng mga upisyal at sundalo ng 31st IB sa mga rekurso ng mamamayan. Hindi iniulat ng 31st IB ang kanilang ibinulsang 300T pera na nasa pangangalaga ng mga kasamang namartir. Itinago din nila ang apat (4) na laptop computer, gayundin ang mga cellphone na ginagamit ng mga kasama sa paggampan nila ng mga rebolusyonaryong gawain.
Pinakamataas na parangal ang iniaalay ng Celso Minguez Command, kaisa ang buong mamamayan ng Sorsogon, sa walong kasamang nagbuwis ng kanilang buhay sa daloy ng kanilang paglilingkod sa mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan. Inspirasyon sila sa iba’t ibang uri at sektor ng lipunan na humawak ng armas at maglingkod sa mamamayan sa kanilang pagkamit ng isang lipunang tunay na malaya, makatarungan, at maunlad.

links:
http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/07/hinggil-sa-nangyaring-labanan-sa-brgy.html
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------