From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/07/neoliberal-na-opensiba-ni-aquino-sa.html
Neoliberal na opensiba ni Aquino sa pamamagitan ng chacha at samutsaring panukala pang liberalisasyon, binatikos ng PKP
Kawanihan sa Impormasyon
Partido Komunista ng Pilipinas
Hulyo 17, 2013
Translation: CPP denounces Aquino’s neoliberal offensive through chacha and slew of liberalization bills
Binatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang rehimeng Aquino sa todo-todong pakana nito upang ibayong ibukas ang ekonomya ng Pilipinas sa dayuhang pandarambong at pagsasamanta sa pamamagitan ng pagtutulak ng samutsaring panukala ng liberalisasyon sa ekonomya kasabay ng pagtulak na amyendahan ang konstitusyon ng Pilipinas ng 1987 para sa panlahatang liberalisasyon ng Pilipinas.
Anang PKP, kapag nagtagumpay si Aquino sa pagtutulak sa kanyang opensibang neoliberal, "sasapitin ng sambayanang Pilipino ang mga kundisyong mas malala pa kaysa sa unang hati ng termino ni Aquino."
Sa nakaraang ilang linggo, naghain ng mga resolusyon ang mga kasapakat ni Aquino sa kongreso na naglalayong amyendahan ang konstitusyon ng 1987 ng reaksyunaryong gubyerno na tahasang naghahangad ng pagtatanggal ng mga probisyon sa ekonomya na itinuturing na mahigpit kontra sa dayuhang pamumuhunan, kabilang yaong mga nagbabawal sa mga korporasyong dayuhan na magmay-ari ng lupain at magkaroon ng higit pa sa 40% kontrol sa mga empresang lokal.
Kaalinsabay, ipinupursige rin ni Aquino at ng mga alagad niyang teknokratang sinanay ng IMF ang isang pakete ng mga batas sa ekonomya na naglalayong ibayong iliberalisa ang ekonomya ng Pilipinas at isailalim ito sa masasahol na uri ng kapitalistang dominasyon at pandarambong ng dayuhan. Inilarawan ng PKP ang pakete sa ekonomya ni Aquino bilang "isang pakana upang pigain ang bawat patak ng dugo sa ekonomya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasailalim sa todong liberalisasyon maging ang mga laylayang bahagi nito."
Tinukoy ng mga upisyal ni Aquino noong nakaraang araw ang mga prayoridad na panukalang batas na nais isulong ng rehimen sa nakatakdang pagbubukas ng kongreso ng Pilipinas. Kabilang sa mga panukalang ito ang Removal of Investment Restrictions in Specific Laws na tinukoy sa Foreign Investment Negative List (FINL), ang Rationalization of the Mining Fiscal Regime, Mga Susog sa Build-Operate-Transfer Law at ang Rationalization of the Fiscal Incentives Law.
Nakatakda ring itulak ng rehimeng Aquino ang Tax Incentives Monitoring and Transparency Act (TIMTA) at ang Customs Modernization and Tariff ACT (CMTA); Mga Susog sa BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) Charter; dagdag na pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Act; Mga Susog sa Act to Facilitate the Acquisition of Right-of-Way, Site or Location for National Government Infrastructure Projects and For Other Purposes; at ang Mga Susog sa Cabotage Law.
"Isinasakatuparan ang neoliberal na opensiba ng rehimeng Aquino sa harap ng matagalan at papalalang resesyon na sumasaklot sa pandaigdigang sistemang kapitalista sa nakaraang mahigit nang limang taon," pagdidiin ng PKP. "Nais ng mga monopolyo kapitalista na ibayong iliberalisa ang mga patakaran sa kalakalan at pamumuhunan upang imaksimisa ang supertubo."
Hinihimok ng PKP ang sambayanang Pilipino na "puspusang labanan ang pakanang liberalisasyon na itinutulak ng rehimeng Aquino na tuta ng US na tiyak na magpapalala sa talamak na problema ng kawalang-hanapbuhay, magiging sanhi ng ibayong pagkawasak ng mga produktibong pwersa at magiging dahilan ng mas matinding pang-ekonomyang paghihikahos ng sambayanang Pilipino."

----------------------------------------------------
Kundenahin ang 2nd Infantry Battalion sa Di-makataong Pagpaslang sa Dalawang Mandirigma ng Santos Binamera Command!
Ka Florante Orobia
Santos Binamera Command, BHB-Albay
Hulyo 16, 2013
Mariing kinukundena ng Santos Binamera Command-Bagong Hukbong Bayan-Albay ang di-makataong pagpaslang ng 2nd IB sa dalawang kasama na sina Louie “Ka Dennis” Olorsa at Alvin “Ka Peter” Retuirma sa Brgy. Badbad, Oas, Albay nitong Hulyo 16, 2013.
Si Ka Peter ay nasa iskedyul ng kanyang dalaw sa pamilya at si Ka Dennis naman ay itinalaga ng SBC upang maging ka-buddy ni Ka Peter. Ang dalawang kasama ay parehong nasa depensibong katayuan dahil sa nasabing programa ng dalaw. Ngunit sa kabila nito, hindi nirespeto ng mga tropa ni Lt. Col. Andrew Costelo ng 2nd IB ang pamilya ni Ka Peter at bigyang-puwang na makapiling ng ilang araw ang kanilang mahal sa buhay. Hindi rin binigyan ng pagkakataon ng mga pasista na sumuko ang dalawang mandirigma na labis na nahihigitan sa bilang ng mga sundalo ng 2nd IB.
Pinapatunayan lamang nito na walang tinitingnan na solusyon ang AFP sa pagrerebolusyon ng mga mamamayan kundi ang utak-pulburang pagsagupa sa sinumang magsasaka na humahawak ng armas dahil sa napakatinding krisis sa lipunan.
Pinakamataas na pagpupugay ang iginagawad ng Santos Binamera Command para sa dalawang magsasakang sumapi sa hukbong bayan na sina Ka Dennis at Ka Peter. Si Ka Dennis, 31 taong gulang, taga-Cabaloaon, Guinobatan, ay sampung taong naglingkod bilang hukbo ng mahihirap. Naging kasapi siya ng Partido Komunista ng Pilipinas noong 2004. Si Ka Peter naman, 36 taong gulang, taga-Badbad, Oas, ay noong 2006 sumumpa sa Partido upang kumilos nang buong-panahon upang ialay ang kanyang sarili sa pakikidigma ng mamamayan. Kinakatawan nila ang laksang Albayano na naninindigan sa pangangailangan at kawastuhan ng digmang bayan upang lunasan ang matinding pang-aapi at pagsasamantalang pumapatay sa buhay at kabuhayan ng mamamayan.

links:
http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/07/kundenahin-ang-2nd-infantry-battalion.html#more
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------