links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/07/ika-apat-na-sona-ni-aquino-ulat-sa-amo.html
Ika-apat na SONA ni Aquino: Ulat sa amo nitong imperyalista at lokal na haciendero’t kapitalista; pagtalikod sa kapakanan ng sambayanan
Patnubay De Guia
NDFP Southern Tagalog Chapter
July 22, 2013
Walang maaasahang makatotohanang pagbabago ang mamamayan sa State of the Nation (SONA) Address ni Benigno Simeon Aquino III ngayong Hulyo 22. Sa kabila ng magagarbong retorika sa mga nagdaan niyang mga SONA at kunwang panata sa mamamayan na tinatawag niyang “boss”, inilalantad ng makadayuhan at kontra-mamamayang polisiya ng rehimeng US-Aquino II ang sagad-saring pagkatuta nito sa kanyang tunay na amo -- ang imperyalistang US at mga lokal na naghaharing-uri.
Noong 2010, sa unang taon ng kanyang administrasyon bilang pangulo, sumumpa si Aquino sa sambayanan na ang kanyang administrasyon ay mangunguna sa pagsusulong ng pagbabago--pagbabagong nakasentro sa pagtiyak ng trabaho at hanapbuhay para sa mamamayan, programa kontra-kahirapan, serbisyong panlipunan, kalikasan, at pangkalahatang pagpapabuti ng ekonomya.
Ngayong Hulyo 22, muling maririnig ang paghahambog at paglulubid ng kasinungalingan ni Aquino at mga papuri ng mga kapanalig niya ukol sa mga diumanong inaning tagumpay ng kanyang administrasyon at pangako ng kanyang tuwid na daan. Hindi kayang pagtakpan ng mga dilaw na propagandista ng Malakanyang na sa loob ng nagdaang tatlong taon, larawan pa rin ang bansa ng matinding krisis na mas lalong pinatitingkad ng naghihingalong ekonomya, kawalan ng hanapbuhay, kakulangan ng dekalidad at abot-kayang serbisyong panlipunan, nagtataasang presyo ng mga bilihin, malubhang paglabag sa karapatang pantao at lumalalang kahirapan.
Walang mapagpasyang mga hakbangin sa ekonomya ang administrasyong Aquino. Bagkus, patuloy na isinusulong nito ang mga makadayuhang programa at patakaran upang imaniobra ang ekonomya ng bansa sa direksyon ng mga adyenda ng globalisasyon ng “malayang pamilihan”. Ang ekonomya ng bansa ay nanatiling dominado ng dayuhan, nakasandig sa import at nakatuon sa eksport habang humahalik sa paanan ng imperyalistang US.
Bahagi ng mga hakbanging pang-ekonomya ang pakikipagkasundo ng rehimeng US-Aquino sa mga dayuhang mamumuhunan. Hinihikayat ni Aquino ang pagpasok ng dayuhang puhunan sa bansa sa pagtataguyod ng murang lakas-paggawa tulad ng pagpako ng mababang pasahod sa mga manggagawa, malawak na kontraktwalisasyon, labor flexibilization at mga iskemang shortened work week at two-tier wage system, na nagbibigay daan sa mas masahol na kapitalistang pagsasamantala at aliping paggawa.
Bigo ang rehimeng US-Aquino na lumikha ng sapat na trabaho para sa mamamayan. Naitalang tumaas ng 48,000 ang bilang ng walang trabaho sa bansa at umaabot na ito sa tinatayang 4.4 milyon sa kasalukuyan. Nasa 349,000 naman ang nadagdag na bilang ng kulang sa trabaho na umabot sa 7.5 milyon noong 2012.
Walang laman ang pangako ni Aquino na inclusive growth o paglagong para sa lahat na diumano’y lilikha ng trabaho sa loob ng bansa. Sa katunayan ang administrasyong Aquino ang pinakamalaking eksporter ng manggagawa patungong ibang bansa. Naitalang umaabot sa 4,000 Pilipino kada araw ang lumalabas ng bansa para maghanap ng trabaho. Sa mismong datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) pinakikitang umaabot sa 1.4 milyon kada taon ang bilang ng Overseas Filipino workers (OFWs) sa ilalim ng administrasyong Aquino. Mas mataas ito sa panahon ng panunungkulan ng mga sinundang administrasyon na umabot sa taunang bilang ng 1 milyon sa panunungkulan ni Arroyo; 0.84 milyon kay Estrada; 0.69 milyon kay Ramos; at 0.47 milyon sa administrasyon ni Corazon Aquino. Ang masaklap pa rito, bigo ang administrasyong Aquino na pangalagaan ang karapatan at kaligtasan ng mga manggagawa sa ibayong dagat. Laganap ang pang-aabuso at paglabag sa kanilang mga karapatan. Maging ang mga embahada ay inutil na tiyakin ang kanilang seguridad. Bulag, bingi at inutil ang administrasyong Aquino na tugunan ang mga hinaing ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
Kasabay ng lumalalang krisis sa empleyo at paggawa ang patuloy na pagtaas ng halaga ng mga batayang pangangailangan ng mamamayan tulad ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Ganito rin ang larawan ng mga serbisyong panlipunan na pinangungunahan ng pagtaas ng singil sa kuryente at tubig. Sa katunayan, nag-udyok ng malawakang pagtutol at popular na galit mula sa mamamayan ang planong pagtataas ng singil sa tubig at ipapasan ng Maynilad at Manila Water sa taumbayan ang binabayarang income tax.
Nais ng Manila Water na magpataw ng dagdag P5.83 singil sa bawat kubiko kada metro na kinokonsumo; gayundin ang Maynilad na nagnanais ng dagdag na P8.58 na ipatutupad hanggang taong 2018. Sa ibabaw pa ng lahat ng ito, malalaman ng sambayanan na kinakargo rin nito pati ang buwis sa kita o income tax ng mga kunsesyunaryo sa tubig ng Metropolitan Waterworks and Sewerage system (MWSS).
Parehong ipinakakargo ng Maynilad at Manila Water sa mamamayang konsyumer ang kanilang buwis sa kita na responsibilidad na kung tutuusin ng kumpanya. Mula pa 2008, binabalikat na ng mamamayan ang pagbabayad ng buwis ng mga kumpanyang ito na nagkakahalaga ng Php3.1 bilyon kada taon. Umaabot na ang halagang ito sa Php15.3B mula 2008 hanggang 2012 at sa pagtatapos ng kontrata ng kunsesyon sa 2037, aabot sa Php64.1B ang babayaran ng mga mamamayan para sa buwis sa kita ng Maynilad at Php68.7B para sa Manila Water. Ganito ang sinasapit ng pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo na dapat para sa mamamayan kapag napasakamay ng mga pribadong negosyo.
Patuloy na pumapaimbulog ang presyo ng langis. Tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo na umaabot sa P1 hanggang P1.50 kada litro sa loob lamang ng linggong ito. Itinutulak ang walang habas na pagtaas ng presyo ng langis ng Oil Deregulation Law na nagkapon sa kapangyarihan ng gubyerno na makialam sa kalakaran ng pagtatakda ng presyo sa mga produktong petrolyo. Dahil dito, malaya ang mga kartel ng langis na manipulahin ang presyo sa merkado. Ito mismo ang bunga ng pakikipagsabwatan ng tatlong malalaking dayuhang kumpanya ng langis na Shell, Petron at Chevron sa rehimeng US-Aquino.
Upang pakitang-taong lutasin ang kahirapan, ikinampyon ni Aquino ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ni Gloria Arroyo. Sinimulan ang pagpapatupad nito noong 2008 at magtatapos ngayong taon ang unang batch ng mga benipisyaryo ng programa. Isang mapanlinlang na programa ang 4Ps. Hindi nito nilulutas ang ugat ng kahirapan ng masang anakpawis. Imbes na pangmatagalan at sustenableng programa, nagkakasya ang administrasyong Aquino na bigyang limos ang mamamayan at panatilihing aba ang kanilang kalagayan. Nagsasayang ng rekurso ang administrasyong Aquino sa programa na pinunduhan ng dayuhang utang na mamamayang Pilipino ang pumapasan.
Ang Public-Private-Partnership o PPP ang centerpiece program ng adminstrasyong Aquino.Wala ito dili iba kundi ang pribatisasyon ng mga pampublikong pag-aari. Isa lamang ang MWSS sa naisapribado ang serbisyo sa patubig. Ang mga kunsesyunaryo ding ito (Pangilinan at Ayala) ang nakakopo ng iba pang malalaking proyekto sa ilalim ng PPP. Ang kauna-unahang PPP projectna Daang Hari-SLEX Link Road Project at ang pinakamalaking PPP project ni Aquino na LRT1 extension.
Sa gitna ng matinding kahirapan at pagkasiphayo ng mamamayan, ang pinagsama-samang kayamanan ng 40 pinakamayayamang Pilipino ay higit na dumoble. Lumaki nang 108% o US$24.6B ang kanilang mga pag-aaring yaman mula 2010 ($22.8B) hanggang 2012 ($47.4B). Katumbas na ito ng 1/5 o 21% ng GDP para sa taong 2012. Ang PPP ang pangunahing isinusulong ng gubyernong Aquino sa mga proyektong imprastruktura, kalusugan, edukasyon at pabahay. Ginagawang pang-engganyo ng gubyerno ang katiyakang pagtutubuan ng mga pribado laluna ng mga dayuhang mamumuhunan ang mga nasabing proyekto. Sa 3 taon ni Aquino sa poder, ang pagitan ng mayaman at mahirap ay lalong lumawak ang agwat.
Ang gubyernong Aquino, bukod sa pagbebenta ng mga institusyon ng gubyerno sa pribadong sektor ay talamak na mangungutang. Noong 2010, nagbenta ito ng mga bono na nagkakahalaga ng $1B, $1.25B noong 2011, $500M noong 2012 at $1B na karagdagan pa para pambayad sa interes ng mga dating utang. Ngayong 2013, ang kabuuang utang ng gubyerno ng Pilipinas ay nasaP5.78 Trilyon.
Hindi na maitutuwid pa ng rehimeng US-Aquino ang baluktot nitong daan. Lantad na lantad na sa mamamayan ang pagiging inutil at kontra-mahirap ng rehimen. Ang ipinagmamalaki nitong malinis at tuwid na pamamahala ay nababalot ng korupsyon at panlilinlang. Sa katunayan umalingasaw na ang korupsyon ng Kamag-anak at Kaibigan Inc. Ang mismong kapatid at bayaw ni Aquino na si Ma. Elena ‘Ballsy’ Aquino-Cruz at Eldon Cruz ang personal na nangikil sa kumpanyang Inekon ng $2 hanggang $20 milyon sa Czech Republic kapalit ng pangako na sisiguruhin nilang makukuha ng kumpanya ang kontrata sa MRT 3.
Upang patunayan ang patuloy na pagyakap ng administrasyong Aquino sa patakarang neoliberal na itinutulak ng imperyalistang globalisasyon, muling binuhay nito ang Charter Change (Cha-cha) na tahasang magbubukas ng ekonomya ng bansa sa dayuhang pamumuhunan nang walang interbensyon mula sa gubyerno. Katulad ng mga nagdaang reaksyunaryong rehimen, nais baguhin ng administrasyong Aquino ang probisyon sa konstitusyon na naglilimita sa pag-aari ng dayuhan sa bansa sa 40%. Layunin din ng Cha-cha na alisin ang probisyon na humahadlang sa pagpasok ng mga tropang militar ng US sa bansa at ihulma ang patakaran sa ekonomya, pulitika at militar ng bansa ayon sa geo-pulitikal na interes ng imperyalismong US. Winawarat ng mga probisyong ito ang kasarinlan at soberanya ng Pilipinas.
Katambal ng pandarambong sa ekonomya ang pagsiil sa mga karapatang pulitikal at sibil. Nagpapatuloy ang kawalan ng katarungan at lumalalang kalagayan ng karapatang pantao. Bigo ang administrasyong Aquino na panagutin si Gloria Macapagal Arroyo at mga kasabwat nito sa malakihang korupsyon at pandarambong. Patuloy pa ring malaya ang berdugong si Jovito Palparan na utak sa pagdukot sa mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na sina Empeño at Cadapan at responsable sa 1,268 kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa Timog Katagalugan mula Enero 2001 hanggang December 2003 bilang pinuno ng Joint Task Force Banahaw na sumaklaw sa Laguna, sa Una at Ikalawang Distrito ng Quezon, at Mindoro at bilang kumander ng 204th Brigade sa Mindoro mula 2000-2004.
Hindi na maitatago pa ni Aquino ang kawalan ng sinseridad na harapin ang usapang pangkapayapaan. Kung sa unang SONA ni Aquino ay nagpostura itong pabor sa usapang pangkapayapaan kasabay ng pagtuligsa sa National Democratic Front, arbitraryo nitong inabandona ang usapang pangkapayapaan. Lisensya ito para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na pakawalan ang buong lupit at bangis sa mamamayan sa ngalan ng pambansang seguridad at anti-terorismo. Nagpapatuloy ang walang habas na pananalakay at pag-atake sa mga batayang karapatan ng mamamayan sa balangkas ng OPLAN BAYANIHAN ng rehimeng US-Aquino. Sa ilalim ni Aquino o panahong sumasaklaw mula Hulyo 2010 hanggang Abril 30, 2013, naitala ang kabuuang 142 kaso ng extra judicial killings (EJK) kung saan ang 22 kaso (sa naitala noong Disyembre 2012) ay nasa rehiyong Timog Katagalugan, 164 na kaso ng frustrated killing, 16 na biktima ng enforced disappearance, 293 indibidwal ang inaresto at idinetine, 16 na mga batang umeedad mula apat hanggang 15 taon ang napaslang sa mga enkwentro na sangkot ang mga grupong paramilitar sa ilalim ng kumand ng mga yunit ng AFP.
Sa Catanauan Quezon, 27 residente na ang lumikas matapos makaranas ng pananakot at walang habas na pamamaril mula sa AFP nito lamang Mayo 2013. Binalingan ng AFP ang mga residente dahil sa tinamo nitong pinsala matapos maka-engkwentro ang pwersa ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na ikinasawi ng 14 na sundalo. Tampok din ang paglabag ng mga elemento ng AFP sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) nang paslangin ang hors de combat na mga Pulang mandirigma sa Juban, Sorsogon na kinabibilangan nina Ka Greg, Ka Nel at Ka Gary. Ang militarisasyon sa kanayunan ang sanhi ng lagim at takot na nararanasan ng mamamayan. Sinasalamin ng mersenaryong AFP ang reaksyunaryong katangian ng rehimeng US-Aquino. Sa halip na panagutin ang mga elemento ng militar na lumalabag sa karapatang pantao, patuloy pang kinakandili ng rehimen ang utak pulbura at pasista nitong katangian sa pamamagitan ng pagbibigay ng bilyun-bilyong badyet para sa modernisasyon ng AFP.
Tikom ang bibig ni Aquino sa mahahalagang isyung panlipunan tulad ng pamamahagi ng lupa sa Hacienda Luisita na pag-aari ng kanyang angkan. Patuloy ang pagmamaniobra ng pamilyang Cojuangco-Aquino para ikutan ang pamamahagi sa lupa ng Hacienda Luisita. Kamakailan, napag-alaman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na mula sa orihinal na 4,915 ektarya para sa 6,212 na pinalobong bilang ng mga benepisyaryo, naging 3,336 na ektarya na lamang ang ipapamahagi ng HLI. Inilalako naman ng mga kasabwat ng pamilyang Cojuanco-Aquino tulad ng Deparment of Agrarian Reform (DAR) at Deparment of Agriculture (DA) ang iskemang sugar block farming kung saan hinihikayat ang mga benepisyaryo na itayo ang mga block farm na pupunduhan diumano ng HLI sa pamamagitan ng partnership, contract growing, joint venture at iba pang kaayusan. Wala itong ipinag-iba sastock distribution option na ipinatupad ni Corazon Aquino. Sa ganitong iskema, ang pamilyang Cojuangco-Aquino pa rin ang magdidikta kung ano at saan magtatanim ang mga manggagawang bukid; gayundin ang kontrol kung paano at magkano ibebenta ang produkto ng lupa. Nanaig pa rin ang hacienderong republika ni Aquino na nagsisilbi sa interes ng mga panginoong may lupa at nagpapanatili ng pyudal na pagsasamantala.
Sa buong tatlong taon, sa halip na tugunan ni Aquino ang mga batayang suliraning sosyo-ekonomiko, ang tanging pinagtuunan nito ay ang obsesyon sa kampanyang anti-korupsyon. Isang inutil na kampanya dahil kung tutuusin, hindi naman niya nasapul ang mga utak at malalaking nandambong sa kaban ng yaman ng bansa. Nananatiling laya si Arroyo at mga kasapakat sa multi-milyong kaso ng pandarambong at mga kasong kriminal na isinampa ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa kanyang panahon bilang commander-in-chief ng AFP. Patuloy na nakalalaya si Palparan at mga tauhan niya na pasimuno sa malawakang EJK at mga pagdukot at pag-atake sa progresibong kilusan ng mamamayan. Ang kabalintunaan ng lahat, patuloy ang malaganap at talamak na smuggling, suhulan sa customs, korupsyon sa mga proyekto ng gubyerno, korupsyon sa mga programa ng gubyernong may sangkot ng salapi tulad ng NAPC, DSWD, DPWH, PPP center, DOJ, COMELEC at marami pa.
Kinakapos na ng sisisihin si Aquino sa mga kapalpakan ng administrasyon nito. Inutil ang administrasyong Aquino na maghapag ng reyalistikong plano at bigyang direksyon ang takbo ng ekonomya at pulitika ng bansa na mag-aangat sa mamamayan mula sa bangin ng krisis. Inutil ang rehimeng US-Aquino na itaguyod ang makabayan at demokratikong interes ng mamamayan. Ang SONA ni Aquino ay ulat ng mga tagumpay ng harapang pangbubusabos at pang-aabuso sa mamamayan ng rehimeng US-Aquino.
Laksang mamamayan ang maglalantad sa kabulukan ng sistemang panlipunan na itinataguyod ng kasalukuyang rehimen. Tanging sa pagpupunyaging isulong ang makabayan at makamasang programa ng demokratikong rebolusyon ng bayan malalagot ang tanikala ng kahirapan at pagsasamantala.
Kabilang sa mga programa na ito ang pagkaisahin ang sambayanan para ibagsak ang sistemang malakolonyal at malapyudal sa pamamagitan ng digmang bayan at kumpletuhin ang pambansa-demokratikong rebolusyon. Itatatag ang demokratikong republikang bayan na nakabatay sa koalisyon ng lahat ng demokratikong uri at patriyotikong pwersa ng lipunan. Bubuuin ang hukbong bayan at ang sistema ng tanggulang bayan.Itataguyod at isusulong ang mga demokratikong karapatan ng mamamayan. Wawakasan ang lahat ng di-pantay na relasyon sa US at iba pang dayuhang entidad. Ipatutupad ang tunay na repormang agraryo, itaguyod ang kooperasyong agrikultural, itataas ang produksyon at empleyo sa kanayunan sa pamamagitan ng modernisasyon ng agrikultura at industriyalisasyong rural at titiyakin ang sustenableng agrikultura. Wawasakin ang dominasyon sa ekonomya ng US at iba pang imperyalistang kapangyarihan, malaking kumprador at panginoong maylupa; ipatutupad ang pambansang industriyalisasyon at itatayo ang ekonomyang malaya at umaasa-sa-sarili. Ipatutupad ang isang kumprehensibo at progresibong patakarang panlipunan.Isusulong ang pambansa, syentipiko at pangmasang kultura. Itataguyod ang mga karapatan sa pagpapasya-sa-sarili at demokrasya ng mamamayang Moro at mamamayan ng Cordillera at iba pang pambansang minorya o mamamayang katutubo. Isusulong ang rebolusyonaryong pagpapalaya sa kababaihan sa lahat ng larangan. Ipatutupad ang aktibo, malaya at mapayapang patakarang panlabas.
Labanan ang papet, pasista at anti-mamamayang rehimeng US-Aquino!
Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan sa bago at mas mataas na antas!

links:
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------