From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2014/07/binabati-ng-pkp-ang-sambayanang.html
Binabati ng PKP ang sambayanang Pilipino sa desisyon ng Korte Suprema laban sa DAP
Kawanihan sa Impormasyon
Partido Komunista ng Pilipinas
Hulyo 02, 2014
Translation: CPP congratulates Filipino people for SC decision against DAP
Ipinararating ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang pagbati nito sa samabayanang Pilipino kaugnay sa desisyon kahapon ng Korte Suprema na nagdedeklarang labag sa konstitusyon ang Disbursement Acceleration Program (DAP), bagay na makapaggpapasikad sa pakikibaka para sa ganap na pagtatanggal ng sistemang pork barrel at para papanagutin ang rehimeng Aquino sa pandarambong at korapsyon.
Tumiklop ang Korte Suprema kahapon sa dumadaluyong na paglaban sa DAP at idineklara itong paglabag sa konstitusyon ng Pilipinas ng 1987. Gayunpaman, upang iiwas si Benigno Aquino III sa posibleng impeachement (o pagsasakdal sa kongreso) at sa kriminal na kaso pagkatapos ng kanyang termino, ipinahayag ng Korte Suprema na ang desisyon nito ay pumapatungkol lamang sa "mga ispesipikong bahagi" ng DAP, na maaaring gamitin bilang ligal na maniobra ni Aquino sa pananagutan. May usap-usapan din na idedeklara ng Korte Suprema na ang kriminal na pananagutan sa paggamit ng DAP ay aplikable lamang sa hinaharap.
Ang DAP ay isang sistemang niluto ng rehimeng Aquino na nagbibigay kay Aquino ng pribelehiyo na mamudmod ng bilyun-bilyong piso ng pondong publiko ayon sa kanyang sariling kapasyahan. Inaakusahan si Aquino na namumudmod si Aquino ng ilang milyong piso mula sa di programadong pondo sa mga senador sa panahon matapos ang botohan sa senado sa pagtatanggal sa pwesto sa dating punong mahistrado ng Korte Suprema na si Corona.
"Dahil sa desisyon ng Korte Suprema laban sa DAP, lumalakas ang sigaw na isakdal (impeach) si Aquino para papanagutin siya sa malakihang tiwaling alokasyon ng pondong publiko," anang PKP. "Pero malabong mangyari na ang resolusyon ng Korte Suprema na nagdedeklara sa DAP na di-konstituyunal ay mag-uudyok sa pagsasakdal kay Aquino sa kongreso, gayong dominado ang kongreso at senado ng mga alyado sa pulitika ng naghaharing pangkating Aquino na nakikinabang sa mga ipinamimigay na pondo mula sa DAP at PDAF sa ilalim ng rehimeng Aquino," anang PKP.
"Gayunpaman, ang gayong pagsasampa ng resolusyon ng impeachemnt sa mababang kapulungan ay makatutulong sa pagtukoy at paghiwalay sa mga alyado ni Aquino sa kongreso na malaon nang nakinabang sa DAP at PDAF at tumatangging papanagutin ang hari ng pork barrel sa kanyang mga krimen at paglabag sa kongreso," anang PKP.
Idiniin din ng PKP na "sa desisyon ng SC hinggil sa DAP, lalong mangunguyapit sa poder si Aquino at ang kanyang naghaharing pangkatin upang matakasan ang kriminil na paglilitis, katulad na ang dalawang nagdaang mga reaksyunaryong presidente ay kinasuhan at ikinulong sa krimeng pandarambong at korapsyon."
"Pinatatampok nito ang kahalagahang todo-largang paglalantad, paghihiwalay at pagpapatalsik sa rehimeng Aquino bago ang eleksyong 2016 sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga malawakang asembliyang bayan sa mga komunidad, paaralan, pabrika, upisina, simbahan at kung saan-saan pa upang magsilbing mga lugar na maihahayag ng mamamayan ang kanilang mga hinaing laban sa rehimeng Aquino at sa mga kasinungalingan nito sa ilalim ng ilusyon ng 'matuwid na daan' at 'mabuting pamamahala'," anang PKP.
"Dapat tipunin ng sambayanang Pilipino ang kanilang digusto sa rehimeng Aquino at papanagutin ito sa malawakang kawalang-trabaho, mababang sahod, pagtaas ng presyo ng pagkain at gamot, sa kawalang-lupa at sa paparaming mga kaso ng pangangamkam ng lupa, sa pambansang kataksilan sa paglagda sa EDCA at sa pagpapahintulot sa todo-largang presensyang militar ng US sa bansa, sa pagtaas ng matrikula sa pampubliko at pribadong paaralan, kriminal na kapabayaan sa milyun-milyong biktima ng kalamidad, sa nagpapatuloy na patakaran ng pagluluwas ng mga migranteng mangggagawa, sa paparaming bilang ng pang-aabuso ng militar sa mga karapatang-tao, sa paglulunsad ng gerang lahatang-panig laban sa masang magsasaka, sa korapsyon sa pagbibigay ng malalaking kontrata ng gubyerno sa mga oligarkiyang maka-Aquino, sa paggamit ng pondong pork barrel upang tiyakin ang katapatan sa pulitika at iba pang kahalintulad na krimen."
"Dapat maglunsad ang sambayanang Pilipino ng malawakang pakikibakang pulitikal upang patalsikin ang rehimeng Aquino at wakasan ang kanyang papet, bulok, sinungaling at brutal na paghahari," anang PKP.

OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
http://www.philippineinsurgency.co.nr/
http://www.philippineinsurgency.co.nr/
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------