Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, July 11, 2014

Hindi nakinabang ang sambayanang Pilipino sa dibersyon ng pondo sa ilalim ng DAP--PKP



From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links:  http://theprwcblogs.blogspot.com/2014/07/binabati-ng-pkp-ang-sambayanang.html


Video
Ang Bayan

July 08, 2014

Hold Aquino and his co-conspirators accountable
 [ANG BAYAN 2014 July 07]




------------------------------------


Hindi nakinabang ang sambayanang Pilipino sa dibersyon ng pondo sa ilalim ng DAP--PKP

Kawanihan sa Impormasyon
Partido Komunista ng Pilipinas
Hulyo 05, 2014

Translation: Filipino people did not benefit from fund diversion under DAP—CPP

Sinalungat ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang ipinamamarali ng rehimeng Aquino na nakinabang ang sambayanang Pilipino sa paglilihis ng pondo sa ilalim ng Disbursement Acceleration Program (DAP) ng Malacañang at ibinasura ito bilang imbing pagtatangka upang bigyang-matwid ang maanomalyang paglilihis ng rehimeng Aquino ng halos P177 bilyon ng pondong publiko.

Idiniin ng PKP na ang pamumudmod ni Aquino ng pondo sa ilalim ng DAP ay hindi nakatulong sa paglutas ng mga umiiral na suliranin ng sambayanang Pilipino ng kawalang-trabaho, mabang sahod, kawang-lupa, kawalang-tahanan, kahirapan at pagtaas ng presyo ng mga bilihin na patuloy na lumalala sa ilalim ng rehimeng Aquino.

Noong Lunes, naglabas ang Korte Suprema ng Pilipinas ng desisyong en banc (ng buong korte) na nagdedeklarang di-konstitusyunal ang DAP, na pumapabor sa petisyon ng BAYAN at iba pang organisasyong masa at demokratikong mga personalidad. Gayunpaman, sa pagsabing ang pananagutan ay mailalapat lamang sa hinaharap, nag-iwan ng ligal na butas ang Korte Suprema na maaaring gamitin ni Aquino upang iwasan ang kriminal na prosekusyon at impeachment (pagsasakdal sa kongreso).

"Ang mga tagasuporta sa pulitika ni Aquino, mga kagawad at alyado ng Liberal Party, mga kaibigan niya at malalaking oligarkiyang negosyo ang nakinabang sa ginawang paglilipat ng pondo sa pamamagitan ng DAP," pagdidiin ng PKP. "Ang isang detalyeng pagtutuos at pag-awdit ng DAP ang magpapakita kung paano ginamit ni Aquino ang pondong publiko para sa kanyang sariling pampulitikang interes."

"Tulad ng pondong pork barrel, ang pondong inililihis ng Malacañang at ng mga upisyal nito sa badyet sa pamamagitan ng DAP ay inilalaan sa mga proyektong 'epal' ng mga pinapaborang pulitiko, tulad ng mga pampublikong proyektong impraistruktura na tinatatakan ng mga pangalan ng mga alyado ni Aquino na pulitiko, maging ang iba pang malalaking pangunahing proyekto sa ilalim ng Programang Public-Private Partnership na ang mga kontrata ay ibinigay sa mga pinapaborang mga negosyante," dagdag ng PKP.

"Kahit walang kongkretong impormasyon para suhayan ang kanilang paghahambog, iginigiit ng mga tagapagsinungaling ni Aquino na ang pondong ipinamigay sa ilalim ng DAP ay ginawa nang may 'mabuting intensyon' upang ilayo ang atensyon sa katotohanang ang gayong paglilihis ng pondo ay iligal na isinasakatuparan at sa solong kapasyahan ni Aquino."

Idiniin din ng PKP na ang dibersyon ng DAP ni Aquino ay halos 500 ulit na mas malaki kaysa sa maanomalyang dibersyon ng P366 na pondong PCSO ni Arroyo. Kabilang dito ang kaduda-dudang paglalabas ng P4.5 bilyon para sa "karagdagang bagon" na wala naman sa plano ng departamento sa transportasyon, ang inilaang P1.82 bilyon para sa maanomalyang programang kontra-insurhensyang PAMANA, ang P26.9 bilyon dagdag na alokasyon para sa mga korporasyon ng gubyerno, ang P8.5 bilyon para sa mga tinaguriang "pampasikad na programa" sa ARMM, ang P1.29 bilyon para sa Agrarian Reform Communities ng DAR at ang P625 milyon para sa sarbey na gagawin ng mga kagawaran sa repromang agraryo at agrikultura.
















OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES


http://www.philippineinsurgency.co.nr/








PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS



-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------