From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2014/10/stand-against-aquino-support-for-us.html
Video: Aquino clings to power like a leech amid mounting calls for his ouster [Ang Bayan, 07 Oct 2014]
VideoAng Bayan
October 8, 2014
Benigno Aquino III is clinging to power like a leach in refusing to heed mounting calls for his resignation, removal or ouster from power. His stuuborn refusal to leave Malacañang is reminiscent of Gloria Arroyo's intransigence amid mounting protests from 2005 onwards.
Over the past several weeks, the stench of the Aquino regime's corruption continued to reek.
Aquino's insistence that the Disbursement Acceleration Program (DAP) is a system by which billions of pesos are being realigned as "savings" for use in priority projects has been thoroughly exposed as a lie. The list of projects and its proponents under DAP recently made public clearly shows that DAP funds were released mainly to Aquino's political allies, especially key officers of the Liberal Party.
----------------------------
Kawanihan sa Impormasyon
Partido Komunista ng Pilipinas
Oktubre 07, 2014
Translation: CPP denounces willful “mistake” in arrest of Pampanga senior citizens
Binatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas ang Philippine National Police sa "sadyang maling pag-aresto" sa dalawang inosenteng matatandang sibilyan sa Mexico, Pampanga noong isang linggo.
Pinabubulaanan ng PKP ang sinasabi ng pulisya na sina Bb. Lourdes Quioc, 64, isang komadrona sa komunidad at lokal na taong-simbahan, at ang kanyang pinsang si Reynaldo Ingal, 63, isang retiradong drayber ng kumpanya, sa San Antonio, Mexico, ay ang mga lider ng PKP na sina Eugenia Magpantay at Agaton Topacio.
Anang PKP, sa paggigiit na ang matatandang inosenteng sibilyang inaresto at dinetine nila ay mga lider ng PKP, gusto lamang makopo nina Chief Supt. Raul Petrasanta ng PNP ng Central Luzon at ng kanyang mga korap na alagad ng pulisya ang multimilyong pabuya.
"Malinaw na hindi ito lang ito kaso ng katangahan sa pag-aresto ng mga pinagkamalang tao," anang PKP. "Batay sa mga ulat, kilalang-kilala si Bb. Quioc sa kanilang komunidad na isang komadrona habang ang pinsan niyang si G. Ingal, ay may rekord ng pagtatrabaho bilang dating drayber sa National Power Corporation sa Bataan."
"Kahit sa simpleng gawaing paniktik, alam na alam na ng mga operatiba ng pulisya ang di mapagkakailang pagkakakilanlan nina G. Ingal at Bb. Quioc at ng kanilang katayuan sa kanilang komunidad na hindi talaga sila ang mga diumanong lider ng PKP na sina Magpantay at Topacio," anang ng PKP.
"Kitang-kitang ang malisyosong pakay ng pulisya sa pag-aresto kina G. Ingal at Bb. Quioc sa pagtanggi ng PNP na tingnan man lamang ang mga dokumento ng pagkakakilanlan at senior citizen cards na ipinipresenta ng kanilang mga kamag-anak, o pakinggan ang mga pahayag ng konseho ng barangay at alkalde ng bayan na gumagarantiya sa kanilang pagkakakilanlan," dagdag ng PKP.
"Gayundin, ngayong sila'y nakakulong, isang simpleng paghahambing ng mga fingerprint nina G. Ingal at Bb. Quioc doon sa mga fingerprint nina Topacio at Magpantay, maging sa mga litrato na nasa rekord bunga ng mga naunang pagkaaresto, ay sapat na upang patibayin ang pagkakakilanlan ng mga detenido."
"Subalit kahit ang gayong saligang hakbang ay hindi ginawa upang mapanatili nang matagal ng mga gahaman sa perang pulis ang mga kaawa-awang biktima sa bilangguan para makolekta nila ang pabuya."
"Sina G. Reynaldo Ingal at Bb. Lourdes Quioc ang pinakabagong biktima ng 'huli-award' o ng gawain ng pulis at militar ng pag-aresto sa mga inosenteng sibilyan at palabasing sila'y matataas na lider ng PKP na may patong sa ulo upang maibulsa ang multimilyong salaping pabuya," pagdidiin ng PKP. "Walang iba ito kundi isang mas ligal na bersyon ng 'huli-dap'."
Nanawagan ang PKP sa mga tagapagtaguyod ng karapatang-tao at mga samahan ng mga abogado na tulungang idepensa sina G. Ingal at Bb. Quioc at igiit ang pagpapalaya mula sa di-makatarungang pagkakapiit.
"Ang gayong gawain ng paggamit ng pulisya at militar upang makapagbulsa ng multimilyong piso ng tinaguriang 'salaping pabuya' ay mas nagiging palasak mula nang ipatupad ng rehimeng Aquino ang Joint Order 14-2012 na inilabas ng Department of Interior and Local Government at ng Department of National Defense."
Noong Agosto, inaresto ng militar si Eduardo Almores Esteban sa Jaro, Iloilo, at sinabing siya ay isang lider ng PKP na may patong sa ulong P5.8 milyon. Ang totoo, si Esteban, ay isang retiradong upisyal ng PKP na tahimik nang namumuhay kapiling ang kanyang pamilya nang halos isang dekada na.
"Noong 2012, inaresto at tinortyur ng militar ang gwardyang si Rolando Panesa na ipinagpipilitan ng AFP na siya'y si 'Benjamin Mendoza,' diumano'y kalihim ng komite ng PKP sa Southern Tagalog. Iniutos ng korte ang pagpapalaya kay Panesa matapos ang halos isang taon nang maipirme ang kanyang pagkatao, subalit ginawa lamang ito matapos makubra ng mga upisyal ng Southern Luzon Command ng AFP ang halos P10 milyong pabuya."
Tinukoy din ng PKP ang pag-aresto at pagkulong kay Oligario Sebas, isang lokal na residente ng Manjuyod, Negros Oriental, na sinasabi ng AFP na si "Felimon Mendrez" na kabilang sa listahan ni Aquino na may P5.8 milyon patong sa ulo.
"Ibayo ring kinukwestyon ng PKP ang operasyon ng pulisya at militar upang tugisin sina Bb. Magpantay at G. Topacio, kapwa kilalang personalidad ng NDFP na may mga hawak ng Dokumento ng Pagkakakilanlan at protektado ng JASIG bilang mga konsultant sa usapang pangkapayapaan," anang PKP.

PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------