ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Peace Talks – GPH and NDFP & GPH and MILF
Panayam ni Ms. Sonia Capio ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison, NDFP Chief Political Consultant hinggil sa kalagayan ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP at GPH at MILF.
April 9, 2015
Mga Tanong para sa peace talks sa pagitan ng GPH at NDFP at GPH at MILF
1. Ano po ang update sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP? Matutuloy pa rin po ba ito bago pa matapos ang termino ni Pangulong Noynoy Aquino?
JMS: Patuloy na handang makipag-usap ang NDFP. Pero ang GPH ang hindi handa. Kung gayon, nagiging malabo na ang resumption ng formal talks ng GPH at NDFP. Sabi ng Malakanyang na nakabuhos ang atensyon nila sa pagtutulak ng BBL at paghahabol ng peace with MILF.
Hanggang ngayon walang maliwanag na negotiating panel at chairman ng GPH para makipag-usap sa NDFP. Lumilitaw na sa buong panahon ng rehimeng Aquino wala talagang interes sa peace talks kundi paggamit ng dahas laban sa kilusang rebolusyonaryo.
2. Ano po ang inyong masasabi sa usapang pangkapayapaan sa pagitan naman ng GPH at MILF? Tila nagkahati-hati po ang mga pananaw ng mga nasa pamahalaan at matindi ang mga banggaan sa usapin ng Bangsamoro Basic Law (BBL) at ang kawastuhan kung dapat pa bang ituloy ang pakikipag-usap nila sa MILF o hindi na.
JMS: Sa loob at labas ng GPH, lumakas ang sumasalungat sa BBL dahil sa Mamasapano at constitutional issues. Tiyak na maraming susog ang gagawin sa Kongreso, laluna sa Senado, hanggang sa posibleng ayaw na ng MILF ang lalabas na final draft ng BBL.
Kahit tanggapin ng MILF ang anumang BBL na aprubahan ng Kongreso, may mga magdadala pa rin ng constitutional issues sa Korte Suprema. Baka mauuntol ang BBL hanggang maubos na ang termino o buhok ni Penoy Bugok.
3. Ano po ang inyong pagtingin sa Bangsamoro Basic Law o BBL?
JMS: May constitutional issues na nakasalang sa Kongreso ng GPH. Hanggang ngayon, walang pinal na anyo ng BBL dahil susugan nang susugan pa yan sa Kongreso. Habang wala pang pinal na anyo ng BBL, mahirap mangahas ng opinion ng pagkatig o pagtuligsa sa kabuuan ng BBL.
CPP/NPA/NDF Website
http://theprwcblogs.blogspot.com/
http://www.philippinerevolution.net/
http://www.ndfp.net/joom15/
http://theprwcblogs.blogspot.com/
http://www.philippinerevolution.net/
http://www.ndfp.net/joom15/
Article links:
http://josemariasison.org/?p=15137#more-15137
http://josemariasison.org/?p=15137#more-15137
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
http://www.philippineinsurgency.co.nr/
http://www.philippineinsurgency.co.nr/
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------