From the Website of Philippine Army
links: http://www.army.mil.ph/pr/2015/apr/160415_3.html
Mga Army at Rebelde Nagkasagupa sa Albay
CAMP ELIAS ANGELES, Pili,
Camarines Sur – Nakasagupa ng pinagsamang pwersa ng 91st Division
Reconnaissance Company, Philippine Army at 5th Regional Public Safety
Battalion ang mga rebeldeng NPA dakong alas 4:15 ng hapon, Abril 15,
sa Sityo Batag, Brgy Sinagaran, Jovellar, Albay.
Nasamsam ng tropa ng pamahalaan mula sa tumakas na mga rebelde ay mga bala sa M16 rifle, 2 backpack, 1 ICOM handheld radio, 2 duyan, pang taas na Battle Dress Attire BDA Uniform at mga subersibong dokumento.
Ayon kay Captain Mardjorie P. Panesa, Public Affairs Officer ng 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army habang nagsasagawa ng security operation sa lugar ang tropa ng pamahalaan ng makabakbakan ang mahigit kumulang 20 NPA. Tumagal ng 20 minuto ang palitan ng putok hanggang sa mapilitan na magsitakas ang rebeldeng grupo.
Walang naiulat na nasugatan sa panig ng pamahalaan at hindi naman matiyak sa panig ng NPA. Pinaigting na ang seguridad sa lugar. Nagpapatuloy pa ang pursuit operation ng Philippine Army laban sa rebeldeng grupo.

PHILIPPINE ARMY
AFP Websites
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
----------------------------