From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://cpp.ph/statement/iligal-na-pag-aresto-sa-62-sibilyan-sa-negros-larawan-ng-pangingibabaw-ng-militar-sa-sibilyang-batas-at-burukrasya/
Iligal na pag-aresto sa 62 sibilyan sa Negros: Larawan ng pangingibabaw ng militar sa sibilyang batas at burukrasya
Kaisa ang malawak na hanay ng mamamayan, kinukundena ng
LUMABAN-BIKOL ang panibagong serye ng pasistang operasyong Sauron sa
Negros bilang bahagi ng ganap na pagpapatupad ng crackdown laban sa mga
progresibo at makabayang mga organisasyon at indibidwal. Nitong Oktubre
31, iligal na inaresto ang 62 sibilyan ng pinagsamang tropa ng CIDG-6,
3rd IDPA, Joint Task Force-Negros at Police Provincial Office sa
magkakasabay na reyd sa upisina ng tatlong progresibong grupo sa syudad
ng Bacolod, Negros Occidental. Ang mga dinakip at pinaratangang NPA ay
mga kasapi ng BAYAN MUNA, Gabriela, National Federation of Sugar Workers
at Kilusang Mayo Uno. Kabilang din sa iligal na hinuli ang anim na
menor-de-edad at isang kagawad ng midya na si Anne Krueger, kasapi ng
National Union of Journalists in the Philippines. Kasabay nito, inaresto
rin ang tagapangulo ng Gabriela Metro Manila na si Cora Agovida at
asawa nitong si Mickael Tan Bartolome ng KADAMAY sa kanilang tahanan sa
Paco, Maynila.
Ito ang mukha ng de-facto batas militar na pinaiiral ni Duterte – ang walang sagkang pangingibabaw ng mersenaryong hukbo sa sibilyang batas at burukrasya. Sa ilalim ng Oplan Kapanatagan at EO 70-National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, maging ang batas ng kanilang sariling reaksyunaryong gubyerno ay malawakang binabaluktot at isinasantabi ng AFP at PNP upang mapatindi ang pandarahas, panggugulo at paglabag sa karapatan.
Sa kabiguang magapi o mapahina man lamang ang rebolusyonaryong
armadong pakikibaka, duwag nilang ibinabaling ang kanilang teroristang
pandarahas sa mga sibilyang walang ibang kasalanan kung hindi ang
matapang na labanan ang pang-aatake ng rehimeng US-Duterte sa mamamayan.
Sa kabila ng tabing ng kontrainsurhensya, nakatutok ang madudugo at
brutal na operasyong ala-Tokhang sa lahat ng tipo ng paglaban ng
mamamayan at pwersa ng oposisyon. Masahol pa, dahil nangingibabaw ang
kapangyarihang militar ay wala nang pakialam ang militar at pulis
gaanuman karami ang butas ng kanilang mga palabas.
Sa pinakabagong kaso ng pantutugis sa Negros, sino ang maniniwalang
mayroong yunit ng BHB na bultu-bultong magtitipon sa pampublikong lugar
na may bitbit na armas at eksplosibo kagaya ng iginigiit nila sa 62
inarestong sibilyan? Kahina-hinala ring ang lahat ng search at arrest
warrants ay pinirmahan ng iisang huwes na mula pa sa Quezon City, ilang
daang kilometro mula sa Negros.
Malinaw na walang maloloko si Duterte, ang AFP at PNP sa ganitong
palabas. Taliwas sa pagpapalagay na epektibo at suportado ng publiko ang
kanilang kampanyang pandarahas, higit lamang nilang ilinantad ang
kanilang sarili bilang mga tunay na tagapaghasik ng karahasan at
kaguluhan hindi lang sa Negros, kundi sa buong bansa.
Si Duterte, ang AFP at PNP ang dapat sampahan ng kaso, arestuhin at
papanagutin sa patung-patong nilang pasistang krimen sa mamamayan.
Nananawagan ang LUMABAN-Bikol sa mga makabayang abugado at
tagapagtaguyod ng batas na kundenahin ang pakanang de facto batas
militar at ang pasalalula ng rehimen maging sa kakarampot nang mga batas
na pumoprotekta sa mga demokratikong karapatan ng mamamayan. Bilang mga
manananggol ng bayan, marapat pahigpitin ang pakikiisa sa
lahatang-panig na paglaban ng mamamayan lalo pa at tiyak na mananalasa
rin sa ibang rehiyon ang Oplan Kapanatagan.
Nananatili ang katotohanang naglilingkod ang buong estado at ang
kasalukuyang mga batas sa interes ng iilan. Napakadaling baluktutin,
baligtarin at isantabi ng mga batas upang sumang-ayon sa pasistang
paghahari ni Duterte. Magkapuwang man, sadyang makipot ang
ipinapahintulot na pagbabago kahit ng mga pinakaprogresibong reporma sa
batas. Kaya naman, tunay na tanging sa paglulunsad ng makatarungang
armadong pakikibaka maipagtatanggol ng mamamayan ang kanilang sarili at
magagapi ang pasistang atake ng rehimeng US-Duterte. Makatitiyak ang
buong mamamayan ng Negros na ang kanilang pakikibaka ay pakikibaka ng
mamamayan sa buong bansa.
CPP/NPA/NDF Website
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------