From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://cpp.ph/statement/tunay-na-panlipunang-pagbabago-hindi-huwad-na-eclip-program-ang-panawagan-ng-mamamayan/
Tunay na panlipunang pagbabago, hindi huwad na ECLIP program ang panawagan ng mamamayan
Kung ipagmayabang ni Maj. Ricky Aguilar, tagapagsalita ng 9th IDPA,
ang limpak-limpak na pondong ginagastos nila para sa kampanyang
pagpapasurender ay tila ba tuwang-tuwa pa siyang nawawaldas ang
kabang-bayan para sa walang katuturang pang-aatake nila sa mamamayan at
rebolusyonaryong kilusan. Paano man bihisan, sadyang lumilitaw ang babaw
at labnaw ng pagsusuri ng mersenaryong hukbo sa kalagayan ng lipunang
Pilipino.
Paano naman matutugunan ng ipinagyayabang na P450,000 pondo sa
pabahay at kung anu-ano pang pabuya kapalit umano ng pagsuko ang
problema ng masa sa kahirapan kung wala ngang programa ang gubyerno para
sa milyun-milyong pamilyang walang katiyakan sa panirahan at trabaho?
Ano ang kakayahan ng berdugong militar mangakong ECLIP ang tugon sa
suliranin ng masa sa kabuhayan kung ni wala ngang anumang malinaw na
programa para sa lupa ang rehimen? Tatlong taon na ang lumipas ngunit
wala ring anumang makabuluhang pagtaas sa sahod ng mga manggagawa,
laganap pa rin ang kontraktwalisasyon at lalo pa ngang bumagsak ang
bilang ng nalilikhang trabaho. Kaya bang solusyunan ng Oplan Kapanatagan
ang pagkalumpo ng ekonomyang dulot ng mga patakarang neoliberal na
ipinagpapatuloy ng rehimeng US-Duterte?
Para sa kaalaman ni Aguilar, pinatutunayan lamang ng kanyang
pahayag kung ano ang tunay na prayoridad ng pagpopondo ng rehimeng
US-Duterte – pasismo at hindi mga serbisyong tunay na magsisilbi sa
mamamayan. Linalayon lamang niyang iwasiwas ang pasismo upang busalan
ang paglaban ng sambayanan. Sa katunayan, sa panukalang P4.1 trilyong
badyet para sa 2020, pumapalo sa P2.1 trilyon ang kabuuhang badyet para
sa pasismo at pork barrel ng mga pulitiko. Habang nagkaroon ng
malalaking bawas sa badyet ng sektor edukasyon, agrikultura, industriya
at paggawa at kalusugan, lumobo naman ng halos doble ang badyet para sa
depensa. Umaabot sa P236.2 bilyon ang badyet ng Dept. of Interior and
Local Government (DILG) at P189 bilyon naman ang Department of National
Defense (DND). Katumbas ito ng lampas 9% bahagdan sa kabuuhang badyet.
Mayroon ding P8.28 bilyong badyet na nakalaan para sa confidential at
intelligence funds ng iba’t ibang ahensya kabilang na ang Tanggapan ng
Pangulo.
Samantala, P8.4 bilyon lamang ang nakalaan para sa Department of
Agrarian Reform (DAR) at P6 bilyon lamang ang badyet ng Department of
Trade and Industry (DTI). Ang Department of Social Welfare and
Development ay makatatanggap lamang ng P158.6 bilyon.
Ang pondo para sa ECLIP at mga kahalintulad na proyekto ay
nagsisilbi lamang balon ng korupsyon ng militar at pulis. Noong 2018
naglaan na ng lampas P400 milyon para sa pagpapagulong ng National Task
Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng Oplan
Kapanatagan. Daragdagan pa ito ngayong 2020 at magbibigay ng P622 milyon
para rito. Saan napunta ang pondong ito? Mayroon na bang anumang bayan
sa rehiyong nagsabing nalutas ang kanilang suliranin sa kahirapan dahil
sa Oplan Kapanatagan? Wala.
Nagsasayang lamang ng laway si Maj. Aguilar sa pagwawasiwas ng kung
anu-anong benepisyo umanong matatanggap ng mga susuko. Ang pang-aapi at
pagsasamantalang dinaranas ng masa ay hindi matutugunan ng kanilang
halfway houses at kakarampot na konswelo-de-bobo. Ang panawagan ng
mamamayan ay tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon at
makabuluhan at pangmatagalang pagbabago sa lipunang pakikinabangan
hanggang sa mga susunod na henerasyon ng masang Pilipino. Sa paglalantad
ng kanilang makitid na pagkalulong na gapiin ang rebolusyonaryong
kilusan sukat na atakehin ang buhay at kabuhayan masa, higit na nagiging
malinaw na tanging sa landas ng demokratikong rebolusyong bayan tunay
na malulutas ang kahirapan.
CPP/NPA/NDF Website
Article links:
https://cpp.ph/statement/tunay-na-panlipunang-pagbabago-hindi-huwad-na-eclip-program-ang-panawagan-ng-mamamayan/
https://cpp.ph/statement/tunay-na-panlipunang-pagbabago-hindi-huwad-na-eclip-program-ang-panawagan-ng-mamamayan/
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------