Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Wednesday, August 6, 2025

Aerial bombing at mga paglabag sa karapatang-tao ng 16th IB sa Quezon, iniimbestigahan

 

 

From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article : 
https://philippinerevolution.nu/angbayan/aerial-bombing-at-mga-paglabag-sa-karapatang-tao-ng-16th-ib-sa-quezon-iniimbestigahan/




Aerial bombing at mga paglabag sa karapatang-tao ng 16th IB sa Quezon, iniimbestigahan

agsasagawa ng fact-finding mission noong Agosto 3 sa bayan ng Tagkawayan, Quezon ang grupo sa karapatang-tao na Tanggol Quezon. Layon ng misyon na imbestigahan ang mga posibleng paglabag sa karapatang-tao at internasyunal na makataong batas (IHL) matapos maganap ang pang-iistraping at aerial bombing ng mga sundalo sa Barangay Maguibuay, Tagkawayan at mga karatig nitong barangay noong Agosto 2 ng hapon.

Gumamit ng dalawang helikopter ang mga sundalo para sa pang-iistraping at aerial bombing nito ayon sa ulat ng mga residente. Pangangatwiran ng mga sundalo, ganting salakay nila ito sa Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Quezon (Apolonio Mendoza Command) kasunod ng isang engkwentro noong umaga ng Agosto 2. Ayon sa National Democratic Front-Southern Tagalog, totoo ang naganap na engkwentro at namartir sa labanan ang isang Pulang mandirigma.

Dahil sa paggamit ng militar ng labis-labis at superyor na armas pandigma, nangangamba ang Tanggol Quezon sa naging epekto nito sa mga sibilyang komunidad. Karaniwan itong nagdudulot ng takot, troma at pangamba mga apektadong barangay.

Ayon sa paunang mga ulat, narinig ng mga residente ang malalakas na pagsabog. Habang dumanas ng mistulang lindol ang mga gumagawa ng bangka sa gubat na nahagip ng shockwave ng sumabog na bomba.

Ang mga ulat na ito ang nais pang alamin at imbestigahan ng fact-finding mission ng Tanggol Quezon. Sa ulat ng grupo, hindi pa man sila nakakalapag sa bayan ng Tagkawayan ay walang tigil na ang panggigipit at pagmamanman sa kanila ng mga pulis at militar. Mula pa man sa bayan ng Lopez, ipinahayag ng grupo na tuluy-tuloy ang pagbuntot at pagmanman ng mga hindi nakikilalang lalaking sakay ng motorsiklo, na hayagang kumukuha ng litrato at bidyo sa grupo.

Naglabas rin ng maling impormasyon at paninira ang mga sundalo sa social media laban sa Tanggol Quezon. Nagpalaganap rin ang 85th IB ng sertipikasyon ng “Pagpapatunay sa Lehitimong Enkuwentro” at “Kapasyahan Blg. 050-2025” ng Sangguniang Barangay ng Maguibuay para bigyang katwiran ang kanilang militarisasyon.

Ayon sa Tanggol Quezon, “bahagi na ng pormula ng militar ang pagpapagawa at pagpapalaganap ng mga ganitong dokumento upang pagtakpan ang matinding operasyong militar sa mga barangay na saklaw ng kanilang Focused Military Operations (FMO) at mga posibleng paglabag sa karapatang-tao laban sa mga sibilyan at maging sa mga katunggaling pwersa nito.”

Liban dito, nagpahayag ng pagkabahala ang grupo sa muling paglalabas ng mga deklarasyong “persona non grata” na nakalista ang halos lahat ng mga pangmasang organisasyon sa prubinsya at sa rehiyon na nagnanais mag-alam ng kalagayan ng karapatang-tao sa lugar at tiyaking sinusunod ang internasyunal na makataong batas.





CPP/NPA/NDF Website



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
----------------------------
-