Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Wednesday, August 6, 2025

Bagong Punong Heneral, pinangunahan ang "boodle fight”, hudyat ng pagkakaisa at pagpatibay ng pwersa

 

From the Website of Philippine Army 



Bagong Punong Heneral, pinangunahan ang "boodle fight”, hudyat ng pagkakaisa at pagpatibay ng pwersa

FORT BONIFACIO, Taguig City – Pinangunahan ng Punong Heneral Lt. Gen. Antonio G. Nafarrete ang tradisyunal na boodle fight kasama ang halos 3,000 sundalo at kawani sa Headquarters Philippine Army Grandstand, Fort Bonifacio, Taguig City ngayong ika-5 ng Agosto, 2025.

Sa kanyang talumpati bago ang boodle fight, binigyang-diin ng Punong Heneral ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pagtupad ng misyon ng Hukbong Katihan. Ayon kay Lt. Gen. Nafarrete, ang aktibidad ay hindi lamang isang simpleng salu-salo kung hindi isang mahalagang tradisyon na nagpapakita nang matatag na pagkakaisa at samahan sa serbisyo.

Inilahad ng Army Chief ang kanyang direktiba na nakasentro sa pagpapalakas ng kakayahan at kapabilidad ng mga kasundaluhan at pagpapahusay sa mga programang morale at kapakanan para sa mga tropa, ang pinakamahalagang yaman ng organisasyon. Aniya, ang lakas ng Hukbong Katihan ay nakasalalay sa mga taong bumubuo sa organisasyon mula sa mga enlisted personnel sa larangan hanggang sa mga kumander na namumuno sa iba’t ibang yunit.

"Ang lakas ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ay hindi lamang nasusukat sa dami ng mga armas at kagamitan kung hindi maging sa ating pagkakaisa at tiwala sa isa't isa. Ang ganitong mga pagtitipon ay nagpapaalala sa atin na tayo ay isang pamilya na naglilingkod para sa kapakanan ng ating mga kababayan at sambayanan," saad ni Lt. Gen. Nafarrete.


Mga kuha ni SSg. Cesar P. Lopez PA/OCPA

#MatatagNaSandiganNgBagongPilipinas

#StrongerArmyStrongerCountry

#ServingthePeopleSecuringtheLand

#67thCGPA




  Phil. Army Websites
 


Links




OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES


Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

--------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
---------------
--------------