From Team AFP links: https://www.facebook.com/note.php?note_id=10152093019075607
by Armed Forces of the Philippines on Monday, September 3, 2012 at 12:35pm ·
CAMP AGUINALDO, Quezon City –
In support of the National Peace Consciousness Month this September,
the soldiers of the Armed Forces of the Philippines (AFP) took a pledge
to promote peace and promote a culture of non-violence in the goal of
building a better future for Filipinos. This was during today’s flag
raising ceremony at the General Headquarters canopy area.
The AFP Chief of Staff, General Jessie D. Dellosa led the soldiers in pledging to work towards peace through their own initiatives and actions. The Secretary of National Defense, Voltaire T. Gazmin joined the soldiers in the activity and delivered his message for all AFP personnel. “Our recollection of this month shall become more fruitful by initiating and participating in relevant and meaningful activities. This is to instill greater consciousness and understanding among the Filipino people of the comprehensive peace process and the culture of peace agenda. By so doing, we can transform ourselves as instruments of peace,” Gazmin said in his speech. “The attainment of peace is the principal rationale in our consistent support of the objectives of the United Nations in the resolution of conflicts in our global communities. Thus, we continue to commit our Filipino peacekeepers in war-torn countries and conflict areas in many parts of the world,” Gazmin added. During the activity, the soldiers and civilian employees of both AFP and DND recited the Harmony Prayer to ask for harmony within Filipinos amidst discordant voices, and have faith when assailed by uncertainties. The National Peace Consciousness Month 2012 streamer and tarpaulin will also be publicly displayed in all military camps and bases throughout the month-long celebration. The AFP will also participate in an activity commemorating the International Day of Peace dubbed as “KaPEACEtahan,” a job fair on September 21 at the SM North EDSA. This year’s National Peace Consciousness Month will carry the theme “Ako. Ikaw. Tayo. Magkakaiba, Nagkakaisa sa Kapayapaan” which aims to raise awareness among Filipinos on the need to advance the government’s on-going peace process with Moro and communist rebel groups, and promote a culture of peace among Filipinos. “The AFP’s Pledge of Peace serves as a demonstration and reaffirmation of our commitment, sincerity and support to the primacy of the peace process. For our part, we will always pursue our support to the peace initiatives of the government and we will remain committed to follow the path of peace for the benefit of our people,” Dellosa said.
links:
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
------------------------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------------- --------------------------------- |
Friday, September 7, 2012
Soldiers Reaffirm Pledge for Peace
Labels:
Human Rights Updates,
Insurgency,
Internal Conflicts
MRLO - MORO RESISTANCE LIBERATIONS ORGANIZATIONS
MRLO
MORO RESISTANCE LIBERATIONS ORGANIZATIONSESTABLISHED IN 2005
NDF ALLIED MEMBER IN ARMED STRUGGLE
CPP/NPA/NDF WEBSITES
http://www.philippinerevolution.net/
http://theprwcblogs.blogspot.com/
http://ndfp.net/joom15/
links:
http://ndfp.net/joom15/index.php/readings-mainmenu-73/1439-the-political-underground-in-the-philippines.html
http://theprwcblogs.blogspot.com/2011/02/mensahe-sa-ika-42-taong-anibersaryo-ng.html
MRLO
MORO RESISTANCE LIBERATIONS ORGANIZATIONS
From: The Durian Post Website
links: http://durianpost.wordpress.com/2012/06/22/moro-resistance-and-liberation-organization/

Mensahe ng MRLO-NDFP sa okasyon ng ika-7 Anibersaryo ng Pagkakatatag
Assalamu Alaikum Warahmatullahi taala wa Barakatuhu.
Jihad Al-Qursi
Tagapagsalita
Moro Resistance and Liberation Organization – National Democratic Front of the Philippines
MORO RESISTANCE LIBERATIONS ORGANIZATIONSESTABLISHED IN 2005
NDF ALLIED MEMBER IN ARMED STRUGGLE
CPP/NPA/NDF WEBSITES
http://www.philippinerevolution.net/
http://theprwcblogs.blogspot.com/
http://ndfp.net/joom15/
links:
http://ndfp.net/joom15/index.php/readings-mainmenu-73/1439-the-political-underground-in-the-philippines.html
http://theprwcblogs.blogspot.com/2011/02/mensahe-sa-ika-42-taong-anibersaryo-ng.html
MRLO
MORO RESISTANCE LIBERATIONS ORGANIZATIONS
From: The Durian Post Website
links: http://durianpost.wordpress.com/2012/06/22/moro-resistance-and-liberation-organization/
PRESS STATEMENT
20 Hunyo 2012
Mamamayang Moro, Magparami, Magpalawak, at Magpalakas! Isulong ang Armadong Pakikibaka tungo sa Pambansang Demokrasya na may Sosyalistang Perspektiba!Mensahe ng MRLO-NDFP sa okasyon ng ika-7 Anibersaryo ng Pagkakatatag
Assalamu Alaikum Warahmatullahi taala wa Barakatuhu.
Pinakamataas na pagpupugay sa ika-7 anibersaryo ng Moro Resistance and Liberation Organization, ang pangunahing boses ng mamamayang Moro na nakapaloob sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at nakikibaka para sa karapatan sa sariling pagpapasya ng Bangsamoro! Mainit naming binabati ang lahat ng kadre at miyembro ng MRLO na patuloy na kumikilos at nangahas na tahakin ang tamang linya ng pakikibaka tungo sa sariling pagpapasya ng Bangsamoro. Isang taas kamaong pagpupugay din sa mga miyembro ng MRLO na nagbuwis ng kanilang buhay alang-alang sa kalayaan ng Bangsamoro! Ikinararangal namin kayo!
Mga kasama, sa pagsanib ng ating lakas sa mga organisasyong nakikibaka
para sa pambansang demokrasya na may sosyalistang perspektiba, natatangi
ang MRLO sa ibang rebolusyonaryong organisasyong Moro na kasama natin
sa armadong pakikibaka. Tangan-tangan ang tamang linyang ito, batid
natin na pambansang demokratikong rebolusyon lamang ang solusyon upang
tuluyang lumaya ang mamamayang Moro sa kawalan ng lupa, matinding
kahirapan, at pambansang pang-aapi. Mula nang itinatag ang MRLO noong
Hunyo 20, 2005, nagtagumpay tayo sa maraming larangan, sa pag-rerekluta
ng mga miyembro, sa pagsapi sa armadong pakikibaka, at paglunsad ng
agraryong rebolusyon sa malawak na kanayunan. Indikasyon ito ng mahigpit
na suporta ng masang api sa mga adhikain at isinusulong ng pambansang
demokratikong rebolusyon. Sa loob ng dalawang taon, ipinakita ng
kasalukuyang rehimen na hindi ito seryoso sa problema ng Bangsamoro.
Hindi nito hinaharap ang ugat ng kahirapan at kaguluhan sa mga lupain ng
mamamayang Moro, bagkus ay patuloy ito sa panlilinlang at pagpapanggap
na gusto ng kapayapaan. Doble-kara ang rehimen dahil taliwas naman dito
ang kaniyang ginagawa. Kaya’t habang patuloy na naghihirap ang
mamamayang Moro at sambayanang Pilipino, kailangan nating pag-ibayuhin
at patatagin ang ating hanay upang labanan ang mapanlinlang, tuta, at
teroristang rehimeng US-Aquino.
PPP AT ANG PALALANG PANG-EKONOMYANG KALAGAYAN SA ILALIM NI PNOY
Ang mamayang Moro at ang buong sambayanan ay patuloy na nakararans ng
karalitaan at pasakit sa ilalim ng papet na rehimeng US-Aquino. Kagaya
ng nakaraang administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo, ipinagpatuloy ni
PNoy ang pagpapakatuta at pagiging sunod-sunuran sa kagustuhan ng amo
nitong imperyalistang US. Nangunguna itong sumusuporta sa mga neoliberal
na polisiya na nagsisilbi sa interes ng US at mas lalong nagpapahirap
sa mamamayan. Ang pagtataguyod ng public private partnerships o PPP
bilang pangunahing economic policy nito ay indikasyon ng pagiging alipin
ng rehimeng ito sa dikta ng neoliberalismo.
Hindi tinutugunan ni PNoy ang batayang pangangailangan ng Bangsamoro
bagkus ay inuuna nito ang pagsuporta mga polisiyang neoliberal na siyang
nagpapahirap pa sa kalagayan ng mamamayang Moro. Kaakibat ng PPP ang
pagtalikod ng rehimen sa payak na pangangailangan ng mamamayan sa
pamamagitan ng pagkaltas sa badyet sa social services at paglalako ng
mga lupain at kayamanan ng Bangsamoro sa dayuhang mga imbestor. Ang
gobyerno ni Pnoy ay nagsilbing tagapagsulong ng pang-ekonomiyang interes
ng Estados Unidos. Ang lupain ng Bangsamoro ay puspusang ibinukas sa
dayuhang pandarambong, ipinagpatuloy nito ang planong 15 oil and gas
exploration contracts na nagkakahalaga ng $7.5 billion dollars sa kabila
ng pagtutol ng mamamayan dahil ilan sa mga exploration na ito ay nasa
teritoryo ng Moro ancestral domain. Binalak din nitong isapribado ang
Agus at Pulangi Hydro Power Complex na inaasahang magdudulot ng mahal na
presyo ng kuryente sa mamamayan ng Mindanao.
Wala pa ring lupa ang magsasakang Moro. Marami sa mamamayan ay walang
trabaho at napipilitang mangibang bansa na lamang upang buhayin ang
pamilya. Habang pababa nang pababa ang badyet para sa social services,
tumitindi ang dehado nang pangekonomyang kalagayan ng mamamayang Moro.
Kung kaya, nananatili pa rin ang ARMM sa estado nito bilang isa sa
pinakamahirap na rehiyon sa bansa. Marami sa mamamayang Moro ang hindi
nakakapag-aral at ang mga komunidad ay hindi inaabot ng pinakapayak na
serbisyong panlipunan. Sa pagbaba ng badyet para sa social services ay
itinataas naman ang pondo sa digma at kasangkapang pang-giyera. Sa ARMM
pinakamataas na buhos ng gastos militar sa patuloy na paglulunsad ng
todo giyerang kampanya dito.
TODO GIYERA AT PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO
Ang rehimeng US-Aquino ang numero unong tagapaglabag ng karapatan ng
Bangsamoro. Libu-libo nang insidente ng paglabag sa karapatang pantao
ang naitala sa loob lamang ng halos 2 taong panunungkulan ni PNoy.
Patuloy itong nagbubulag-bulagan at walang pakialam sa mamamayang Moro
sa walang humpay na pagsuporta nito sa war on terror ng Estados Unidos.
Nananatili itong bingi sa sigaw ng mamayan ng hustisya para sa biktima
ng paglabag sa karapatang pantao subalit todo suporta ito sa mga human
rights violator na mga tropang Kano na isang dekada nang nananatili sa
bansa sa bisa ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Ang anti-Moro na rehimeng US-Aquino ay walang-kiming ibinabandila ang
kanyang pagiging papet sa paglulunsad ng mga todo gyerang kampanyang
militar sa lupain ng Bangsamoro bilang suporta sa war on terror.
Naglunsad ito ng kampanyang “intensified war on terror” at giniyera pa
nito ang Sulu sa panahon ng Ramadhan. Binomba ang mga komunidad na Moro
at maraming inosenteng sibilyan ang apektado. Hindi nito ginalang ang
buwan ng Ramadhan na sagradong buwan at buwan ng kapayapaan para sa
mamayang Moro. Nilunsad din nito ang todo gyerang kampanya na pinabango
na sa pangalang “All-out justice” at binomba ang mga komunidad sa
Basilan at Payao, Zamboanga del Sur na nagdulot ng 40,000 mga bakwit,
nasirang mga tahanan, kabuhayan at mga masjid na siyang bahay sambahan
ng mamamayamg Moro. Nagmistulang mga ghost town ang mga komunidad at
marami sa mamamayan ay hindi pa nakakabalik hanggang ngayon. Pinatunayan
ni PNoy na wala itong ipinagkaiba sa pagiging berdugo ng sinundang
rehimeng ipinangako niyang kanyang wawastuhin. Utak-pulbura at
militarista pa ito at ipinapakita nya ang kanyang pagiging berdugo sa
mga komunidad na Moro na ginagawang experimental ground ng makabago at
modernong kasangkapang digma, katulad na lamang ng drones na napatunayan
nang ginagamit ng Estados Unidos sa Sulu.
Patuloy pa rin ang panghuhuli sa mga sibilyang Moro. Kaliwat-kanan ang
paglabag sa karapatan, pag-tortyur, pagdakip kahit walang kasalanan at
pagbibintang na terorista sa ordinaryong mamamayan. Lalo itong
ipinalubha ng “Rewards for Justice” na programa ng imperyalistang US na
may kaukulang pabuyang binibigay sa bawat makakapagbigay ng impormasyon
na makahuhuli ng umano’y terorista. Sa kasalukuyan ay daan-daang Moro pa
rin ang nakakulong dahil sa mga gawa-gawang kaso na isinampa sa mga
ito, kabilang na dito ang tinaguriang Basilan 73 na isang dekada ng
nakakulong sa Camp Bagong Diwa.
Walang halaga sa gobyerno ang karapatan ng mamamayan, maipakita lamang
sa amo ang kanyang katapatan. Nananatili sa bansa ang mga tropang Kano
sa mukha ng VFA na mariing tinututulan ng mamamayang Moro. Sa isang
dekada nang pananatili ng mga tropang Amerikano ay marami nang paglabag
sa karapatang pantao sa pagkokondukta ng Balikatan exercises — ang
pinakahuli ang pagkakapatay ng mangingisdang si Ahban Juhirin nitong
Abril 19, 2012. Sinagasaan siya ng isang barkong ginagamit sa Balikatan
sa Basilan. Liban pa dito ay ang panggagahasa ng Pilipinang si Nicole,
ang pagbaril kay Buyung-Buying Isnijal, pagbomba at pagkakasugat ni
Bisma Juhan, at pagpatay sa interpreter na si Gregan Cardeño. Ilan
lamang ito sa mga natalang paglabag ng mga tropang Kano.
USAPING PANGKAPAYAPAAN AT KARAPATAN SA SARILING PAGPAPASYA
Sa simula pa lamang ay lantad na ang kawalan ng respeto ng rehimeng
US-Aquino sa karapatan ng Bangsamoro sa sariling pagpapasya o right to
self determination. Sa kabila ng kaliwa’t kanang pakulo sa midya upang
ipakita ang kanyang kaseryosohan sa pagsulong sa kapayapaan ay
kabaliktaran naman ang mga isinasakatuparang mga polisiya na patungkol
sa usaping pangkapayapaan at RSD. Sadyang nagsasawalang-bahala ito sa
pagkilala ng ugat ng armadong tunggalian na isinusulong ng Bangsamoro at
ng buong sambayanan. Ang mga sinasabi ni PNoy ay pawang panlilinlang
lamang sa mamamayan at wala itong balak na harapin ang tunay na problema
ng mamamayang Moro.
Sa unang taon pa lamang ng pagkaupo ay nilapastangan niya na ang
awtonomiya ng ARMM na kinikilala ng Konstitusyon mismo ng reaksyunaryong
gobyerno sa kanyang kagustuhang ikonsolida ang kaniyang pampulitikang
kapangyarihan sa Mindanao. Walang hiya nitong minaniobra ang batas
upang makapagtalaga sya ng kanyang mga tao sa ARMM. Nagpapakita lamang
ito ng mababa niyang pagtingin sa estado ng Moro sa lipunan. Nagpakita
lamang ang rehimen ng kanyang pagka-anti-Moro at pagiging kasing-gahaman
sa kapangyarihan sa mga nasundan niyang pangulo.
Sinasabi ng rehimen na nirerespeto nito ang RSD ng Bangsamoro at handa
raw na umupo at makipag-usap para sa kapayapaan ngunit ito ay
pagbabalatkayo lamang dahil habang nakikipag-usap ito ay ginigyera naman
ang Bangsamoro. Nakabalangkas din ang usaping pangkapayapaan sa
pagnanais ng rehimen na pagsasapribado, pagbebenta ng likas na yaman at
pagbubukas ng lupain ng Bangsamoro (ancestral domain) sa dayuhang
pandarambong. Kaya dapat mapangahas na nilalabanan ng mga kapwa
rebolusyonaryong organisasyong Moro ang anumang tangkang angkinin ang
lupain ng Bangsamoro para pakinabangan ng dayuhang transnational
corporations.
PAMBANSANG DEMOKRATIBONG REBOLUSYON ANG SOLUSYON
Napatunayan natin na tama ang ating pagsusuri sa tunay na mukha ng
reaksyunaryong estado, anumang pakana man ang ilunsad nito. Walang
pinagkaiba ang pagiging papet, pasista, at anti-Moro ng rehimeng
US-Aquino sa mga nailuklok sa poder sa nakaraang mga rehimen.
Magpahanggang ngayon, sadlak sa kahirapan, kawalan ng lupa, at kawalan
ng karapatang magdesisyong para sa sarili ang Bangsamoro. Sa
kapit-tukong pusisyon nito sa PPP at neoliberal na dogma pinapatindi ng
rehimen ang pangekonomyang krisis ng mamamayang Moro. Lalo pang
nilalapastangan ang pang-ekonomiya at pampulitikang karapatang ng
Bangsamoro sa patuloy na pagpapalakas ng interbensyon ng Estados Unidos
sa mga lugar ng Moro. Lalo pang dinadagdagan ang badyet para sa digmaan
ng magdudulot ng malawakang paglikas, kahirapan, at paglabag sa
karapatang pantao.
Sa loob na naghaharing malakolonyal at malapyudal na sistemang
panlipunan, magiging bigo ang mamamayang Moro kung umasa sa
reaksyunaryong rehimen upang ibigay ang tunay na awtonomya. Hindi
kailanman ibibigay ng rehimeng US-AQuino ito. Kasama ng lokal na
naghaharing-uri, ang uring kumprador burgesya at panginoong maylupa, ang
nais lamang ibigay ng rehimeng US-Aquino sa mamamayang Moro ay palalang
krisis pang-ekonomya, paglapastangan sa pampulitikang karapatan, at
terorismong estado. Kaya’t ang hangarin ng Bangsamoro sa tunay na
karapatan sa sariling pagpapasya o RSD ay hindi hinihiling o
ipinakikiusap kundi ipinaglalaban! Pambansang demokratikong rebolusyon
lamang ang solusyon!
Kaya’t sa ika-7 anibersaryo ng Moro Resistance and Liberation
Organization, nananawagan tayo: kamtin natin ang tunay na kalayaan sa
pamamagitan ng pagpapalakas ng ating hanay.
Itaguyod ang armadong pakikibaka, sa balangkas ng pambansang
demokratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba! Dito lamang
makakamtan ang tunay na kalayaan at kapayapaan!
Hanggang sa tagumpay!
Jihad Al-Qursi
Tagapagsalita
Moro Resistance and Liberation Organization – National Democratic Front of the Philippines
(MRLO-NDFP)
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------
---------------------------------
---------------------------------
Labels:
Human Rights Updates,
Insurgency,
Internal Conflicts
Basagin ang ilusyon ng "mabuting pamamahala"
From the Website of PRWC
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/08/basagin-ang-ilusyon-ng-mabuting.html
Basagin ang ilusyon ng "mabuting pamamahala"
Partido Komunista ng PilipinasAgosto 30, 2012
[Pilipino, Waray and Hiligaynon versions]
Magdadalawang linggo na ngayon na nagpapakulo ng propaganda sa midya ang rehimeng Aquino, ang dilawang hukbo ng mga eksperto sa opinyong publiko at mga grupong repormista kaugnay sa pagkamatay ni Jesse Robredo. Si Robredo, dating matagal na nagsilbing alkalde ng Naga City at interior and local government secretary ni Aquino ay namatay noong Agosto 18 sa pagbagsak ng eroplano sa hilagang baybayin ng isla ng Masbate.
Hindi iilan ang namighati sa pagkawala ni Robredo. Naiiba siyang pulitiko na may estilong kaiba sa karamihan ng maruruming pulitikong pulpol. Ang simple niyang pamumuhay nang pagbiyahe sa bus, pagsisinelas, pagdi-jogging sa plasa at simpleng pananamit ay nagtangi sa kanya sa mga pulitiko at upisyal ng gubyerno na todong gwardyado, lango sa kapangyarihan at mahihilig sa magagarbong pananamit. Si Robredo ay bugso ng sariwang hangin para sa maraming sawang-sawa't nauuyam na sa kabulukan ng pulitika at burukrasya sa Pilipinas.
Labels:
Human Rights Updates,
Insurgency,
Internal Conflicts
2 NPA rebels, 2 soldiers killed in firefights
From the Website of ABS-CBN
links: http://www.abs-cbnnews.com/
links: http://www.abs-cbnnews.com/
2 NPA rebels, 2 soldiers killed in firefights
ABS-CBNnews.com
Posted at 09/06/2012 10:41 PM | Updated as of 09/06/2012 10:41 PM
MANILA, Philippines - Two soldiers and 2 communist rebels
have been killed in firefights in Sorsogon and Camarines Sur provinces,
the military said Thursday.
Army troops clashed with around 45 New People's Army (NPA) rebels near San Isidro village in Bulusan town, Sorsogon on Thursday morning, killing 2 government soldiers.
Three other soldiers were injured in the firefight, according to Maj. Angelo Guzman, spokesman of the Army's 9th Infantry Division.
"Though we did not recover a body, there are indications of casualties on their side. There are blood traces in the area and we believe they carried their injured or dead comrades as they retreated," he said.
In a separate clash in Iriga City in Camarines Sur, a firefight between troops belonging to the Army's 42nd Infantry Battalion and the NPA resulted in 2 fatalities on the rebel side.
"They soldiers were on their way to conduct a patrol when they were fired upon by the rebels. We believe they (rebels) went down the mountains to collect money," Guzman said.
The bodies of the 2 slain rebels, identified only as one alias Jeff and one alias Tony, were recovered.
Government troops also found a caliber .45 pistol and a 9 mm handgun in the area.
Edgardo Sevilla, alias Palong, an alleged NPA finance officer, was also captured by soldiers, Guzman said.
A Ligao City court has issued arrest warrants for Sevilla, who is wanted for murder, attempted murder and frustrated murder, the Army spokesman said.
Army troops clashed with around 45 New People's Army (NPA) rebels near San Isidro village in Bulusan town, Sorsogon on Thursday morning, killing 2 government soldiers.
Three other soldiers were injured in the firefight, according to Maj. Angelo Guzman, spokesman of the Army's 9th Infantry Division.
"Though we did not recover a body, there are indications of casualties on their side. There are blood traces in the area and we believe they carried their injured or dead comrades as they retreated," he said.
In a separate clash in Iriga City in Camarines Sur, a firefight between troops belonging to the Army's 42nd Infantry Battalion and the NPA resulted in 2 fatalities on the rebel side.
"They soldiers were on their way to conduct a patrol when they were fired upon by the rebels. We believe they (rebels) went down the mountains to collect money," Guzman said.
The bodies of the 2 slain rebels, identified only as one alias Jeff and one alias Tony, were recovered.
Government troops also found a caliber .45 pistol and a 9 mm handgun in the area.
Edgardo Sevilla, alias Palong, an alleged NPA finance officer, was also captured by soldiers, Guzman said.
A Ligao City court has issued arrest warrants for Sevilla, who is wanted for murder, attempted murder and frustrated murder, the Army spokesman said.
ABS-CBN Website
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
----------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------
---------------------------------
---------------------------------
Labels:
Human Rights Updates,
Insurgency,
Internal Conflicts,
NEWS
Monday, September 3, 2012
OUR NEW WEBSITE LAUNCH EXCLUSIVE VIDEOS FOR ARMED CONFLICT
OUR NEW WEBSITE LAUNCH
EXCLUSIVE VIDEOS FOR
ARMED CONFLICT
HUMAN RIGHTS AND IHL PROTOCOL
PROMOTIONS IN INTERNAL / ARMED CONFLICTS
VISIT OUR LAUNCH WEBSITE
AT
OTHER LINKS TO ARMED CONFLICT
"PROTECT AND PROMOTE HUMAN RIGHTS"
Labels:
Human Rights Updates,
NEW WEBSITE
Subscribe to:
Posts (Atom)




















