

From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://cpp.ph/statements/palayain-ang-14-sorsoganong-iligal-na-dinetine-ng-afp-pnp-cafgu/
Palayain ang 14 Sorsoganong iligal na dinetine ng AFP-PNP-CAFGU!

Hindi na tinantanan ng AFP-PNP-CAFGU ang panghahalihaw sa masang
Sorsoganon. Labing-apat na sibilyan mula sa Brgy. Bulawan, Bulan ang
dinetine ng 22nd IBPA noong Hunyo 28. Pito sa kanila ay mga bata at
kabataan. Una nang dinukot ng militar sina Alvin Mapula, 39 taong
gulang, Althea Mapula, 2 taong gulang at Janrex Mapula, 13 taong gulang.
Hinanap sila ng kanilang mga kaanak – Editha Mapula, 43; Allan Mapula,
42; Mary Ann Mapula, 29; Angel Mapula, 12; Rey Mapula, 4; RJ Mapula, 7;
Renz Guelas, 13; Sunny Preconcillo, 48; Emy Preconcillo, 39; at Dante
Bandola, 50. Nang mahanap kung saan nakadetine, kinulong na ng militar
ang buong pamilya. Sa parehong araw, dinakip din si Laurente Gestole, 23
taong gulang at pilit na pinasusuko bilang NPA. Noong nakaraang taon pa
hinahalihaw ng operasyong militar ang bayan ng Bulan. Dito rin itinayo
ang kampo ng 22nd IBPA matapos itong i-transporma mula sa pagiging Cadre
Battalion tungong regular na batalyon.