Ang Kasarinlan at Pagbabago
By Herbert Curia
Kahirapan!!! Kahirapan!!! Ang
isinisigaw ng mga dukha, mahihirap, sila’y nanlilimahid sa gutom at pawang
kapus palad. Iyan ang aming hinagpis sa buhay sa bansang ito……Sino ang tutulong
at magaahon samin sa kinasasadlakang ito?…….Ano ba ang pagunlad at paano ito
matatamo sa isang lipunang may Gobyernong Namamahala…..
Sino kami sa Bansang ito
pawang pulubi at kapus palad at maralita kami ba ay may puwang pa sa mundong ito
at gumalaw ng may pagasa at maayos na buhay….. ito ang palaging tanong ng mga
maralitang Pilipino na ating makakasalamuha sa lansangan, May mga nakikibaka sa pagbabago upang makaahon
sa sumpa ng katatayuang ito, May nagbabakasakali sa mundong ginagalawan na baka
swertihin at palarin, May nawalan na ng pagasa at kumakapit sa patalim upang
mabuhay ang iba’y tinakbuhan na ng ulirat sa kaisipan, Paano tayo susulong upang makamit ang pagasa
at tagumpay…
Pambansang Demokrasya
sigaw ng ilan, makibaka at makipaglaban sa Pambansang Demokrasya upang makamtan
at Makita pa natin ang maayos na hinaharap…..Tayo ay susulong at uunlad kung
maninindigan sa Pambansang Demokrasya, paninindigan para sa kalayaan at
sariling kapasyahan upang matamo ang pagbabago at kasarinlan at makaahon sa
sumpa ng kahirapan.
Anong pagbabago sa
pakikibaka ng Pambansang Demokrasya kung tayo ay papaslangin ng mga ganid sa
tungkulin at mga namumunong sila lamang ang nakikinabang sa bansang
Pilipinas. Sakripisyo ang kanilang
sigaw para sa pagbabago at kasarinlan at kinabukasan ng ating mga saling lahi
upang makamit ang tagumpay at makaahon sa sumpa ng kahirapan at di pantay na
karapatan at kaapihan sa kamay ng mapangaping uri. Hirap, Dugo at Pawis at
buhay ay handang iaalay upang makamit ang parehas na pamumuhay…..
Gumising at makibaka
magkaisa tungo sa pagunlad at tutulan ang mga hindi pantay na Pamamahala at mga
pamamalakad. Ipaglaban ang karapatan
para sa kapakanan ng bawat isa, Ipaglaban ang Pambansang Demokrasya ito ang
sigaw sa EDSA ng mga maralita at kapus palad at naglalayon ng pagbabago at
kasarinlan…..
Nakakaawa ang Bansang
Pilipinas sa kamay ng mapang-aping uri, mga Burukrata kapitalista at mga
dayuhang kumokontrol sa ating bayan. Walang makain namamatay sa kahirapan at
nagugutom, pinapasalang sa kahirapan at sa nais na pagbabago at pakikipaglaban
ng wasto at karapatan. Anong sumpa mayroon ang bansang ito at dumadanas ng
ganitong paghihirap at pighati. Ang
digmaan ay magkabilang panig at ipinaglalaban ang kanilang layon na sa kanila’y
wasto at pagbabago.
Alin nga ba ang wasto o
pangkalahatang kabutihan, ang Pulitika nino, pulitika ba ni Pedro ni Juan o
Pulitika ko!!!!, Pulitika ng mayaman o mahirap sino ang tama at wasto?…….Ang
bawat isay nagsasabing silay wasto at tama, tama nga ba sila?……Sino ang aking
susundin at tatangkilikin sinong pulitika? Akoy isang hamak at gutom na pinoy
lamang paano ko pa malalaman ang pulitikang ito kundi isaisip ko ang paglaman
ng kalam ng aking sikmura maging ano pa mang paraan iyan ang palaging daing at
katwiran ng iilan. Sabagay ay may punto kahit mali at tayong may mga isip at
mataas ang antas ng kaisipan at katatayuan sa buhay na mulat at kayang imulat
ang kaisipan sa ating lipunan ay ating simulan at punuan ito upang tayo ang
maging ehemplo ng pagbabago at kasarinlan…..
Sanay maging matagumpay
ang naglalayon ng tunay na wasto at mabuti para sa lahat at ang patnubay ng
Diyos ay palaging sumakanila….. naway makamtan ng Lipunang Pilipino at Bansang
ito ang tunay na pagkakaisa para sa tunay na pamumuhay……
Ano mang Pulitika kung
ito ay magbibigay ng pagbabago at kasarinlan at tunay at pantay na pamumuhay sa
bansang ito ay sanay pagkalooban ito ng lakas at biyaya upang isulong ito……
Ang Patnubay ng Diyos ay
suma ating lahat……sa mga Pilipino at buong mundo…..
Pagbabago at kasarinlan
sa Bansang Pilipino
Promote Human Rights
This Story and Message
are for courage and unity for every Filipino to see the Right Politics on the
Poverty situations in the Philippine Archipelago and fight for the Change and
Freedom…….
End……..
By: Herbert Curia
Story and ideas of Changes and Freedom