From the Website of Philippine Army
links: http://www.army.mil.ph/pr/2014/feb/230214_3.html
Ayon kay Captain Mardjorie Paimela
Panesa, Public Affairs Officer ng 9th Infantry Division ng Philippine
Army habang nagsasagawa ng security operation sa lugar ang mga sundalo
mula sa 42nd Infantry Battalion sa pamumuno ni 1Lt. Brandy Tangob nang
makasagupa ang mahigit kumulang 10 mga armadong rebelde.
links: http://www.army.mil.ph/pr/2014/feb/230214_3.html
Baril, mga Bala at Kagamitan ng NPA Narekober sa Engkwentro sa Camarines Sur
CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur-
Isang 9MM pistol mga bala at iba pang kagamitan ng mga rebeldeng New
Peoples Army ang narekober ng mga sundalo sa engkwentro sa Sityo
Caliriohan, Barangay Bagong Silang sa Bayan ng Pasacao, Camarines Sur
dakong alas 4:00 ng hapon kahapon.
Kabilang sa mga narekober ng mga sundalo
sa tatlong minutong sagupaan ang isang ICOM radio, cell phone,
dalawang back pack na naglalaman ng mga personal na gamit at
subersibong dokumento.
Walang nasugatan sa tropa ng pamahalaan at hindi naman matiyak sa panig ng mga rebelde.
Ito na ang pang tatlong engkwentro na
naitala sa naturang lalawigan ngayong taon at ang pinakahuli ang
dalawang magkasunod na bakbakan sa Bayan ng Ragay.
Tiniyak naman ng pamunuan ng Philippine
Army sa Bikol na patuloy na magbabantay at pangangalagaan ang
katahimikan laban sa mga rebeldeng grupo.
Press Release by the 9Id, PA
PHILIPPINE ARMY WEBSITE
AFP Websites
Article links
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------