Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, February 21, 2014

Singilin si Aquino sa malawakang disempleyo at kahirapan


From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links:  http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140221/singilin-si-aquino-sa-malawakang-disempleyo-at-kahirapan

Singilin si Aquino sa malawakang disempleyo at kahirapan

 
Labis na kinasuklaman ng sambayanang Pilipino si Benigno Aquino III nang sabihin niya noong isang linggo na ikinagulat niya ang pagdami pa ng mga walang hanapbuhay at mahihirap sa bansa.

Pinalabas niyang wala siyang pananagutan sa bayan nang animo’y pagsabihan niya ang kanyang mga upisyal sa gabinete na ipaliwanag sa kanya kung bakit ang sinasabi niyang “paglago” ng ekonomya ng Pilipinas ay hindi tumutungo sa pagdami ng trabaho at pag-unlad ng buhay ng karaniwang mamamayan.


Kasuklam-suklam pang lalo ang tugon naman ng mga upisyal ni Aquino na ang malalang problema ng disempleyo ay ibinunga ng mga nagdaang kalamidad. Ang totoo, taun-taon ay lumalala ang tantos ng disempleyo sa Pilipinas sa antas na di pa napapantayan. Kaakibat nito, tuluy-tuloy na dumarami ang mga Pilipinong naghihirap at nagugutom.

Pilit na pinagtatakpan ng mga ahensya ng gubyerno ang lala ng disempleyo sa Pilipinas sa pagsabing humigit-kumulang tatlong milyon lamang ang walang trabaho sa Pilipinas. Subalit kung matalas na pag-aaralan ang mga dinuduktor na datos ng gubyernong Aquino, matataya na umaabot sa 12-13 milyong Pilipino ang totoong wala at naghahanap ng trabaho sa kasalukuyan. Katumbas ito ng 30% ng lakas-paggawa sa Pilipinas.

Ganito ang pangkalahatang tunguhin ng ekonomya at kabuhayan sa ilalim ng paghahari ng malalaking panginoong maylupa tulad ni Aquino, ng mga kasabwat nilang malalaking burgesya kumprador at mga burukrata kapitalista. Patuloy na hinahadlangan ni Aquino ang tunay na reporma sa lupa at ipinatutupad ang mga patakarang neoliberal na mahigit tatlong dekada nang sumisira sa kabuhayan ng mga Pilipino at pumipilay sa ekonomya ng Pilipinas.

Sa paghadlang ni Aquino sa tunay na reporma sa lupa ay hinahayaan niyang patuloy na manaig ang monopolyong kapangyarihan ng mga asendero sa kanayunan. Ang mga pyudalista tulad ni Aquino ay walang interes na paunlarin ang produksyon. Itinatali nila sa agraryo at atrasadong sistema ng produksyon ang malaking mayorya ng populasyon.

Sa kabilang panig, alinsunod sa dikta ng mga dayuhang imperyalistang bangko at malalaking kapitalista, ipinatutupad ni Aquino ang deregulasyon ng industriya ng langis at produksyon at distribusyon ng kuryente; pribatisasyon ng serbisyong edukasyon, kalusugan, tubig, mga kalsada at iba pang kritikal na serbisyong panlipunan. Isinusuko ang mga gubat, kabundukan, ilog, karagatan at iba pang bahagi ng patrimonya ng bansa sa mga dayuhang mandarambong.
Ipinapako ang arawang sahod sa napakababang antas para makapang-akit ng dayuhang kapital sa kapinsalaan ng mga manggagawa at pagpapaunlad ng lokal na pambansang industriya. Ang minimum na sahod ay wala na sa kalahati ng halaga ng arawang pangangailangan ng isang karaniwang laking pamilya.

Ang pamumuhunang dayuhan, kabilang ang ipinamamarali ni Aquino na pamumuhunan sa pagmimina at konstruksyon, ay hindi lumilikha ng papalaki at dekalidad na empleyo. Maging ang pinakamalalaking proyektong pang-imprastruktura sa ilalim ng mga proyektong Public-Private Partnership (PPP) ay makalilikha lamang ng di lalampas sa 1.3% ng kinakailangang dami ng bagong trabaho kada taon.

Malala pa, karamihan ng mga trabahong mapapasukan sa bansa ay hindi permanente at walang anumang seguridad. Ang karaniwang limang buwang mga kontrata sa pagtatrabaho ay pamalagiang banta sa mga manggagawa na bulnerable sa labis na pagsasamantala sa anyo ng napakabababang pasahod at labis na mapang-aping mga kundisyon sa paggawa. Sa kaso ng mga manggagawa sa konstruksyon ng mga condominium, mall at malalaking proyektong pang-imprastruktura, muli silang mawawalan ng trabaho oras na matapos ang proyekto sa loob ng isa o dalawang taon.

Pagluluwas ng lakas-paggawa ang pinakasolusyon ni Aquino sa lumalaking bilang ng walang hanapbuhay sa Pilipinas. Tanda ng matinding pagkalugmok ng lokal na ekonomya, mas kaunti pa ang nalilikhang trabaho sa loob ng bansa kumpara sa dami ng mga manggagawang nangingibang-bayan taun-taon.

Dapat managot sa sambayanang Pilipino ang rehimeng US-Aquino dahil ipinagpapatuloy nito ang mga patakarang neoliberal at tumatangging magpatupad ng tunay na reporma sa lupa at mga makabayang patakaran sa ekonomya. Dapat singilin si Aquino sa pagtatraydor sa bayan dahil sa kabiguan niyang magpatupad ng mga patakarang magtatayo ng lokal na ekonomya sa sarili nitong mga paa.

Dapat singilin si Aquino sa paghadlang niya sa sigaw ng bayan para sa pambansang industriyalisasyon. Pinananatili niya ang kasalukuyang sistema ng ekonomya ng Pilipinas na walang kapasidad na lumikha ng paparaming hanapbuhay. Tali ang lokal na ekonomya sa pag-aangkat ng mga kalakal. Bagsak ang lokal na pagmamanupaktura, nakasandig lamang sa bahagyang pagpoproseso ng mga imported na pyesa at nakatuon sa pangangailangan ng mga dayuhang kapitalista at hindi sa pangangailangan ng mamamayan at lokal na produksyon.
Kaugnay nito, dapat labanan ang pakanang “chacha” (charter change o pag-amyenda sa reaksyunaryong konstitusyon ng 1987) na inilalarga ng mga alipures ni Aquino sa Kongreso. Pinalalabas nila na susi sa pag-unlad ng ekonomya ang pagbibigay ng ganap na kalayaan sa dayuhang malalaking kapitalista na magmay-ari ng lupa sa bansa. Ang gayong hakbangin ay lalo lamang magpapalala sa walang habas nang pandarambong ng dayuhang malalaking kumpanya sa yaman ng bansa.

Magkakaugnay ang pakikibaka para sa trabaho, makatarungang sahod, pagbaba sa presyo ng bigas at pagkain, langis, singil sa kuryente at tubig, sapat na badyet para sa mga serbisyong pang-edukasyon at pangkalusugan, pagtigil sa demolisyon ng mga komunidad ng maralita at iba pa. Kaugnay din ito ng pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa at pagbaklas ng monopolyong paghahari sa kanayunan ng mga asendero at mga kumprador at dayuhang kapitalistang nagtatayo ng mga plantasyon.

Ang lahat ng demokratikong kahilingang ito ay nakaugnay sa pakikibaka para wakasan ang malakolonyal at malapyudal na sistemang panlipunang pinangangasiwaan at ipinagtatanggol ng mga naghaharing uring kasalukuyang kinakatawan ng rehimeng Aquino. Habang sinisingil ng sambayanang Pilipino si Aquino at iginigiit ang kanilang mga kahilingan, tinatanaw nila ang estratehikong layunin na wakasan ang umiiral na sistema sa pamamagitan ng rebolusyonaryong pakikibaka.


----------------------------

CPP demands release of JASIG-protected NDFP peace consultant in Bicol

Information Bureau
Communist Party of the Philippines

February 19, 2014
(with translation in Pilipino)

The Communist Party of the Philippines (CPP) denounced the successive arrests of NDFP Bicol Region peace consultant George Villacorta Geluz and a member of the NDFP-Bicol peace staff Silvestre Layones. Geluz was arrested in Gumaca, Quezon at around 11 pm of February 8, while Layones was accosted in the early morning hours later outside Naga City.

"The arrest of another NDFP peace consultant and a member of the NDFP peace staff comprise further blows by the Aquino regime on peace negotiations with the NDFP and exemplify its gross contempt of efforts in resolving the roots of the raging civil war," said the CPP.

The CPP asserted that the arrests of Geluz and Layones are in direct violation of the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) which secures personages involved in peace negotiations against surveillance, arrest, incarceration, prosecution and other punitive acts. The JASIG was signed both by the NDFP and the GPH in 1995 in order to create conditions favorable for peace talks.



"The Aquino regime has repeatedly violated the JASIG in arresting NDFP consultants and refusing to release them in accordance with the agreement," said the CPP. "By prolonging the detention of NDFP peace consultants, refusing to recognize their rights under JASIG and charging them with common crimes in order to conceal the political nature of their arrests, Aquino has effectively hostaged the peace negotiations in the vain hope of compelling the NDFP to surrender to the reactionary regime."

According to CPP records, Geluz is among the peace consultants of the NDFP holding documents of identification. As his assistant, Layones is also extended protection by the JASIG.

The CPP demands the immediate release of Geluz and Layones. "All trumped-up criminal charges filed against Geluz must be immediately withdrawn." Layones, meanwhile, has yet to be informed of the criminal charges against him.

Citing reports by the NDFP in Bicol, the CPP said both Geluz and Layones were busy conducting a series of consultations with the destitute people of Bicol, in order to draw attention to their urgent demands which should be addressed in peace negotiations with the Government of the Republic of the Philippines (GPH), specifically on the Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER).

With Geluz's arrest, there are now 12 NDFP peace consultants incarcerated as political detainees. NDFP Cebu consultant Ramon Patriarca was recently released after five years of detention when local courts dismissed rebellion charges filed against him.








http://theprwcblogs.blogspot.com/2014/02/kasinungalingan-nina-col-kakilala-at.html








OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES


http://www.philippineinsurgency.co.nr/


PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------